Chapter 01

20 1 0
                                    

2023.

Hindi ako okay.

'Yan ang tumatakbo sa isip ni Sunny habang malungkot ang mga matang tinatanaw ang langit mula sa kinauupuan niya.

Katulad ng mararamdaman niya ngayon, ang dilim ng kalangitan. Nagbabadya ng malakas na ulan.

Sana ay kagaya rin niya ang mga ulap na kapag sobrang bigat na ng dinadala, binubuhos na lang nito ang lahat.

Hindi niya alam kung bakit siya ganito... kung bakit siya nalulungkot. 

She always wakes up in the morning with a sense of dread. It seems like there is a dark cloud hanging over her. She feels like she's just drifting.

She feels... tired.

Parang paulit-ulit na lang ang nangyayari sa kaniya. Sa loob ng maraming taon, pakiramdam niya hindi siya umuusad. 

Her routine was always the same, in the same place, with the same people. And it's hard to admit that she's not fine.

Hindi okay ang lahat.

Hindi niya alam kung kailan ba nagsimula ang lahat.

Nagsimula ba 'to nang maka-graduate siya?

Nang panahon na bigla na lang siyang pinasok sa isang sitwasyon na malaki ang inaasahan sa kaniya dahil sa nakapagtapos siya at nasa tamang edad na.

"Magiging architect ka kaya dapat kayanin mo ang mga gawain d'yan," sabi ng Senior Architect niya sa kabilang linya.

Tinawagan niya ito dahil nababaliw na siya sa mga gawain sa site. Bagong graduate pa lang siya pero binigyan na siya ng napakaraming responsibilidad na hindi man lang tinuturuan.

"Wala na pong petty cash, sir. Ubos na rin po ang gasolina ng mixer. Nagrereklamo na ang mga trabahador dahil hindi pa po ninyo sila binibigyan ng bale," ani Sunny habang hinihilot ang sentido. "Hindi ko na po alam kung pa'no sila pakikiusapan."

"Gawan mo ng paraan. Basta ikaw nang bahala."

"Hello, sir? Sir?"

Simula nang maka-graduate siya, akala niya magiging maginhawa na ang buhay niya. Buong akala ni Sunny na magiging masaya siya kapag nakapag-trabaho na pero iba pala ang reyalidad.

"Anong sabi ni architect?" tanong ng foreman na nasa harap niya.

"Wala nga po, eh. Wala rin po ata siyang balak pumunta rito sa site."

Napapitlag si Sunny nang hawakan ng foreman ang kamay niya. "Ako na ang bahala sa mga trabahador. 'Wag mo na silang isipin. Sige ka, papanget ka niyan," anito na may makabuluhang ngiti.

"O-okay lang po," pagtanggi niya rito.

Akmang tatalikuran na niya ito nang bigla ulit nitong hawakan ng mahigpit ang kamay niya. "May gusto sana akong sabihin sa'yo,eh. Tutal tayong dalawa lang naman ang narito."

Pilit na inaalis ni Sunny ang pagkakahawak sa kaniya ng foreman pero mas lalo lang humihigpit ang hawak nito sa kaniya. "B-bitawan niyo po ako."

"Sus, pakipot ka pa. Alam ko namang gusto mo rin ako, eh."

Binalot ng takot si Sunny sa kinikilos ng foreman. Nakangisi ito at punung-puno ng pagnanasa ang mga mata.

"P-po?"

"Di'ba tinatanggap mo lahat ng binibigay ko? Nginingitian mo pa nga ako eh."

Lahat naman ng nagtatrabaho sa kaniya ay nginingitian niya dahil ayaw niyang lumabas na mataray sa mga ito. At ang sinasabi nitong mga binibigay nito ay akala niyang kusang loob nitong ginagawa dahil mag-isa siyang babae sa site at sadyang mabait lang ito. Pero mali pala ang inakala niya.

Like YesterdayOù les histoires vivent. Découvrez maintenant