CHAPTER 22

90 7 2
                                    

HOSPITAL

Dahan dahan kong iminulat ang aking mata ng mapansing napa liwanag ng paligid napatingin ako sa itaas at makita ang purong puti na kulay nito.

Tila hindi ako makahinga ng malaman kung nasaan ako kaya dali dali akong naupo sa kama dahil sa pag ka bigla at takot.

"Hey, are you okay?" Tanong ng boses saaking gilid.

Nilingon ko naman ito at nanlaki ang aking mata ng makita ang lalaki.

Si Alas.

"What's wrong elle? Do you want me to call your Doctor?" Malamlam ang mata nito na mahahalata mong nag aalala.

Tatayo na sana sya ngunit pinigilan ko iyon.

"No please don't leave me." Naiiyak na sabi ko sakanya.

Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Alas na may kasamang awat pangamba.

"Okay, calm down you're shaking." Ani nito habang hawak ang kamay ko at hinanahamplos nya.

"Want do you want, Elle?" Pagtatanong nya saakin gamit ang malambing na boses.

"Gusto ko ng umuwi ayoko dito Alas, please uuwi na ako." Pag mamakaawa ko sakanya at tuluyan ng naiyak.

"Please." Pag mamakaawa ko habang malakas na humihikbi.

"Calm down first, Elle. Please calm down." Ani nito ng may pag aalalang boses at tila hindi na alam ang kanyang gagawin.

Iyak lang ako ng iyak habang mahigpit ang hawak sa kamay ni Alas.

Ayoko rito ayoko ng bumalik dito ayoko ng maranasang masaktan uli ayokong maulit ang ngyari noon ayokong saksakan nila ako ng kung ano ano na ikakadahilan ng pag kahina ng katawan ko ayoko. Mas lalong lumakas ang iyak ko ng maalala ang ng yari.

Kailangan pong ma confine ni Zyrielle misis dahil hindi po normal na nahihimatay nalamang sya bigla. Kailangan po nating pag aralan ang mga ng yayaring sintomas sa kanya para malaman natin kung ano ang kanyang sakit.

Maraming kung ano anong inilagay sa katawan ko ang doctor na halos hindi ko na maramdaman ang sarili kong katawan ni hindi ko na maramdaman kung buhay pa ba ako dahil sa murang edad ay halos sa ospital na ako tumira.

8 na taong gulang ako ng mangyari ito saakin bigla bigla nalamang akong hindi nakakahinga at nahihimatay. Ang sabi ng doctor ay dahil daw iyon sa sobrang pagod sa pag lalaro hindi raw ako pwedeng mapagod dahil iba ang pag tibok ng puso ko pwede raw akong atakihin kung sakaling masobrahan sa pagod.

Palagi kaming nasa ospital ni mama para mag pacheckup kung anong lagay ko. Linggo lingo, buwan buwan at taon taon. Natigil lamang iyon ng mamatay si mama. Dinadala rin naman ako ni tatay para sa mga checkup ko noong buhay pa sya.

Naging mabuti naman ang naging lagay ko noong mga nakaraang taon bago ng mawala si tatay. Tinatandaan ko pa rin ang mga payo nya para saakin pati ang sabi ng doctor. Nabanggit naman ng doctor na ayos na ang kalagayan ko mabuti raw at naagapan. Umiwas lang raw ako sa mga alam kong makakapag triggered.

Kaya ngayong nandito ako sa hospital ay pakiramdam kong natitriggered ang kung ano saakin at hindi ako makahinga ng maayos.

Tatawagin ko sana si Alas para kunin ang atensyon nito ng may biglang pumasok sa pintuan.

Si Kyle at si Thunder.

Napatayo si Alas sa kinauupuan nya at natanggal ang pag kakahawak ng kamay namin sa isa't isa ng lumapit si Thunder saakin.

"What happened? Why are you here? Saan ang masakit? Anong nararamdaman mo? Do you want to go home? What do you want Rielle?" Malambing at sinserong tanong saakin ni Thunder habang hinahaplos ang buhok ko.

Halatang hindi pa ito nakakauwi at galing pa sa gig nya. Naka-leader jacket pa sya at naka leader pants na gamit nya pag tumutugtog. Mukang nag madali na pumunta rito ng malamang nan dito ako.

"I-i w-want t-to g-go home." Utal utal kong sabi kay thunder.

"Shhhh, uuwi na tayo, calm down please." Pag papatahan nito saakin.

"Natatakot ako thunder, ayoko dito please." Pag mamakaawa ko sakanya.

Tinignan naman ako nito na para syang nasasaktan. "I know, I know, Shhh now uuwi na tayo kakausapin muna ang doctor okay? Calm down." Pag aalo nito saakin at niyakap ako.

Niyakap ko rin sya pabalik dahil sa takot. Ayoko ng maranas uli yon. Ayoko na.

"U-uwi na tayo T-thunder please." Pag mamakaawa kong muli ng tingalain ko sya upang tignan.

Bumuntong hininga naman ito syaka inayos ang buhok ko. "Uuwi tayo, later okay? Kakausapin muna ang doctor." Ani nito shaka ako matamis na nginitian.

Alam ni thunder at ni Kyle na ayaw ko sa ospital alam nila ang ngyari sa akin dahil kinwento ko iyon sa kanila.

"O-okay" humihikbing sagot ko sakanya.

"Don't you want to rest first?" Pag tatanong nito gamit ang malambing na boses.

Inilingan ko naman ito at kumapit sakanyang leader jacket. Ng akma syang aalis sa harap ko.

"Mag rest ka muna. Dito lang ako. Look at your under eye, I don't like it, you look like a panda." Panenermon ni Thunder habang ihinihiga ako.

"Rest now." Pag mamando nito.

Tumango tango naman ako habang nakatingin sakanya. Pinunasan nito ang luha ko sa pisngi gamit ang kanyang hinlalaki.

"Y-you w-wont l-leave?" Pag tatanong ko sakanya habang humihikbi.

"I won't." Sagot naman nito.

Nakapampante ako sa sagot ni thunder kaya naman nahiga na ako sa kama at nag palamong uli sa madilim na paligid.

"Ayaw nya sa hospital." Si kyle.

"Why? What's happened?" Si alas.

"Trauma." Si thunder.

"Kailangang makausap na natin ang doctor kung pwede na bang ma discharge si Zyrielle, dahil hindi nya kayang tumagal sa hospital mas mabuti kung iuuwi nalang natin s'ya at mag papunta ng doctor o nurse na titingin sakanya. Hindi nya kaya na nandito sya sa loob ng hospital." Si kyle.

"Hayaan muna nating makapag-pahinga sya kahit ilang oras, I'll talked the doctor about his condition." Si Thunder.

"I'll go with you." Si Alas.

"No. Stay here. Bantayan mo si Zyrielle dahil pag nagising yan mag hahanap s'ya ng kasama." Ani ni Thunder.

"Pupunta na rin muna ako sa bahay nila Zyrielle at kukuha ng damit kung sakaling ilang araw pa sya rito." Si Kyle.

"Anong oras na rin, madaling araw na at mukang hindi na rin muna papauwiin si Zyrielle ng ganitong oras kung sakali." Si kyle muli.

"Yeah, mabuti nalang at wala ng pasok bukas." Si thunder.

"Ikaw alas wala ka bang gagawin? Hindi ka ba uuwi?" Pag tatanong ni kyle kay alas.

"No. I don't have nothing to do." Malamig na sabi ni Alas.

"Osige, maiwan ko na kayo." Si kyle.

Narinig ko pa ang pag sasalita ng tatlo ngunit hindi ko na iyon masyadong naintindihan pa dahil tuluyan na akong nakatulog.

>_<

A Tale Of Twin FlamesWhere stories live. Discover now