CHAPTER 4

160 12 0
                                    


IBA ANG IKINIKILOS

Nang lumabas si ma'am odina ay halos mag tatalon na ako sa tuwa.

"Yes! Perfect!" Masayang sabi ko habang sumusuntok sa hangin.

"Sabi sayo zy, hindi ko kaikangan mag review eh." pag mamayabang ni kyle habang nakangisi.

"Oo na! Kampanteng Kampante! Congrats kyle!" Bati ko kay kyle habang inaalog ang kangyang braso.

Lumingon naman ako kay thunder at nginitian sya ng matamis.

"Congrats thunder!" Maligalig na sabi ko kay thunder.

Nginitian naman ako nito pabalik.

"You too rielle. " pag balik nya saakin syaka ginulo ang aking buhok.

Ng matapos ang klase namin ay lumabas na kami ng classroom. Habang nag lalakad sa corridor bumaling ng tingin saakin si thunder.

"May pasok ka ba ngayon rielle?" Tanong ni thunder na ang tinutukoy ay ang trabaho ko.

Tinanguan ko naman ito.

"Oo mamaya sa coffee shop lang wala akong pasok ngayon sa 7/11 Tuesday eh." sagot ko sa tanong ni thunder.

Tumango naman ito saakin kaya ng patuloy na kami sa pag lalakad. Malapit na sana kami sa gate ng school ng may tumawag kay kyle.

"Kyle!" Tawag nung jaxzon.

Napalingon naman kami sa likod dahil sa narinig.

"Bakit?" Tanong ni kyle ng huminto kami para intayin si jaxzon kasama nya ang tatlo nya pang kaibigan.

Wala si Alas? Asan kaya sya? Napatingin pa ko sa likuran nila dahil madalas na nasa likuran si alas.

Ang kaso wala. Hindi nila kasama si Alas.

"Tambay tayo sa bilyaran!" Sagot naman nung cane kay kyle.

"Si alas?" Tanong ni kyle sakanila.

"Wala hindi sumama mag p-practice daw ngayon para sa Battle of the band." Sagot naman nung Tres.

Doon nasagot ang tanong kong kanina pa nasa isip ko.

Battle of the band? Matagal pa yon ah? At sabi ni Ma'am Chanda wala pa raw date kung kailan ang battle of the band baka nga raw next year pa yon eh.

At sasali sya doon? Ano kayang alam nyang gamiting instrument?

Parang na excite naman ako ng maimagine na tumutugtog sya sa harap ng stage.

Ano kaya? Anong instrument?

Napangiti naman ako dahil sa aking mga naiisip.

Nahuli kong bumaling ng tingin si thunder ng nakakunot ang noon kaya sumeryoso ako ng mukah.

"Battle of the band? Wala pang sinabi si ma'am chanda kung kailan yon ah? Nag announce na ba?" Tanong ni kyle sa mga kaibigan habang nakakunot ang noo.

"Wala, wala pang sinasabi si ma'am baka nga daw next year pa yon" Sagot naman ni jaxzon sa tanong ni kyle.

Tumango tango naman ako bilang sang ayon dahil yun din ang pag kakaalam ko.

"Nag papalusot lang yon di pa kayo nasanay kay alas." sagot naman nung isa pang kaibigan nila na si ruiz habang umiiling.

Tumango tango naman ang iba bilang pag sangayon sa sinabi ni ruiz.

"Intayin nyo nalang ako sa kanto ihahatid muna namin ni thunder si zy sa sakayan ng jeep" Sabi ni kyle sa mga kaibigan nya. Tumango naman ang mga ito at nauna ng maglakad palabas ng gate.

"Tara na." Pag aya ni kyle saamin.

Habang ng lalakad may napansin kaming nag titinda ng street foods natakam naman ako doon.

"Gusto mo?" Tanong ni thunder saakin.

Tumango naman ako sakanya bilang sagot.

Tumango naman ito at hinawakan ang pamusalan ko para makatawid kami pedestrian lane.

Pinagitnaan ako ni thunder at kyle ng patawid na kami.

Nang makatawid kami ay pumunta na kami sa nag titinda.

"Magkano po sa kwek kwek kuya?" Tanong ni thunder kay manong.

"Lima bente yan pogi bili na! Itong fishball piso dalawa ito namang kikyam piso isa!" Pangaalok nito sa kanyang paninda.

What do you want? Kwek kwek?" Tanong ni thunder sakin.

Tumango naman ako saka nya ako kinuhaan ng baso at ipinaglagay ng 5 piraso ng kwek kwek at nilagyan iyon ng suka at stick syaka inabot saakin.

Kabisadong kabisado na talaga ako ni thunder kahit wala pang isang taon kaming mag kaibigan alam nya na agad kung anong gusto at ayaw ko nakapa observant nya pag dating saakin. Napapansin ko iyon sa mga kilos nya na hindi ko naman binigyan ng kahit anong malisya.

Kumuha narin sya ng ng baso at nilagyan ng limang kwek kwek para sakanya.

"Kuha na kyle. My treat." pag aaya ni Thunder kay Kyle.

Tumango naman si kyle habang nakangising kumuha ng pinaka malaking baso at nilagay lahat ng meronng klase ng tinitinda ni manong.

Natawa ako at napailing naman si thunder sa pinag gagawa ni kyle.

"Napaka takaw mo talaga kyle" natatawang sabi ko kay kyle habang tinutusok ang pangalawang kwek kwek na kakainin ko.

Tinawanan lang ako ni kyle at nag patuloy na sa pag lalagay ng fish ball sa baso nya. Pag katapos ng makakuha ng lahat ng gusto nya ay nag lagay na ito ng sauce at suka.

"Mauuna na ko mag lalaro pa kami malapit na naman ang sakayan ng jeep dito ikaw na maghatid kay zy, thunder salamat na rin sa libre!" Paalam nito saamin at tumalikod na ikinaway pa ito ang gamit na stick at syaka nag lakad na papaalis.

"Ingat kyle! Bye." Sigaw ko kanya at kumaway rin kahit hindi nya ako nakikita dahil nakatalikod ito saamin.

Nakita ko ang ilang pag tango nya.

"Are you done?" Tanong ni thunder saakin habang tinatapon ang basong kinainan nya.

"Wait may isa pa." Sagot ko naman at dali daling isinubo ang huling kwek kwek at syaka ibinigay sakanya ang baso para maitapon na rin.

Napailing naman ito at natawa ng mahina ng makita ang pisngi kong lumolobo dahil sa kinakaing kwek kwek.

"Kuya pabili nga pong dalawang gulaman." pag kausap ni thunder kay kuya.

"At syaka mag kano narin po lahat ng nabili namin kasama po yung sa lalaki kaninang nauna ng umalis." magalang na dagdag pang tanong ni thunder kay kuya habang kinukuha ang palamig.

Ng makuha nya ang unang palamig ay ibigay nya yon saakin at ininuman ko na dahil parang mabubulunan na ako.

Kinuha nya naman ang isa pang palamig at sumipsip doon habang inaantay ang sagot ni manong.

"80 pesos kasama yang palamig at yung sa kasama nyo kanina." pag sagot ni manong sa tanong ni thunder.

Tumango at bumunot naman ng dalawang daan si thunder at inabot yon kay kuya.

"Keep the changes kuya." nakangiting turan ni thunder ng makitang kumukuha ng sukli si manong.

Nag pasalamat naman si manong kay thunder.

Umalis na kami at nagpatuloy sa pag lalakad papunta sa sakayan ng jeep.

Umupo kami sa waiting shed habang nag iintay ng jeep.

Napalingon ako kay thunder ng bigla itong magsalita.

"Tomorrow l'll bring my big bike ihahatid kita sa inyo." Sabi ni thunder ng tumingin ako sakanya. Kasabay ng pag ngiti nya saakin at pag gulo nya ng buhok ko.

Minsan talaga iba ang kinikilos ni thunder.

Ano bang meron?

Naguguluhan na ako minsan sa ikinikilos nya.

>_<

A Tale Of Twin FlamesWhere stories live. Discover now