CHAPTER 11

111 9 0
                                    

CAREFUL

Pagtapos kong magbihis at maisuot ang aking id ay bumaba na ako. Nakita kong nag aalmusal na ang dalawa kong kapatid sabi ni Adi sya na raw ang nag luto ng umagahan dahil mukang hindi raw ako nakagising ng maaga. Buti nalang at marunong sa kusina si Adi naupo na ako at sinabayan na silang kumain. Pag tapos naming kumain nag prisinta na si Ashi na sya na ang mag huhugas ng plato kaya naman nag paalam na ako kay Ashi na aalis na kami.

"Bye my little girl, ingat ka mamaya sa pag pasok mo ha? Kumain ka muna bago pumasok may natira pang ulam dyan." Pag-papaalala ko sakanya syaka sya hinalikan sa gilid ng kanyang ulo.

"Opo kuya." Sagot nito habang tumatango.

"Sige na kuya umalis na kayo ni ate baka malate po kayo." Pag tataboy nito saakin.

Nagpupunas na sya ng mga hinugasan n'yang ginamit namin at isa isa itong inilalagay sa lagayan ng mga plato.

Napangiti naman ako sa kanyang ginawa.

Napaka sipag talaga ng mga kapatid ko bata palang marami ng alam na gawaing bahay.

"Aalis na kami." Pag papaalam ko sakanya, tumango tango lang ito saakin at syaka nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

Lumabas na kami ni Ashi para pumunta sa sakayan ng trycicle at ng may makitang trycicle habang nag lalakad pinara ko ito para makasakay kami.

Nang makarating sa kanto kung saan mag aabang ng jeep, bumaba na kami ni Adi at nag bayad naman ako ng bente sa trycicle driver kasabay ng pag papasalamat habang inaabot ko ang bayad namin. Pag katapos dumeretsyo na kami sa intayan ng jeep para mag intay.

Ilang minuto na kaming nag iintay ng jeep ngunit wala pa ring dumadaang jeep na papunta sa school kinakabahan na ako dahil first subject pa naman namin ngayon ang Gen Math.

"Shit." Pag mumura ko ng tinignan ko ang oras sa aking cellphone at meron nalang labing limang minuto bago mag umpisa ang first subject ko.

Narinig ni Adi ang pag mumura ko kaya naman napatingin ito saakin.

"Bakit kuya?" Pag tatanong nito.

"Labing limang minuto nalang at mag uumpisa na ang first subject ko may long test kami." Pag sagot ko sa tanong ni Adi.

Nakita ko sa mukah nya ang kaba.

"Hala kuya! Pano na? Wala pa pong dumadaan na jeep! Wala rin pong trycicle!" Nag papanic na sabi ni Adi.

Bubuksan ko nasa ang cellphone ko para i-chat si kyle at itanong kung dala nya ang sasakyan nya baka pwede nya kaming sundo saglit ngunit naantala ang pag bukas ko ng aking cellphone ng may humintong puting audi sa harapan namin.

Bumaba ang salamin ng sasakyan.

At nakita ko ang mukah ni alas.

"Do you need a ride?" Pag tatanong nito.

Napaawang ang labi ko sa itsura ni alas.

Ibang iba talaga ito pag naka school uniform.

Clean boy sya pag nasa school uniform.

Pogi.

Napabalik ako saaking sarili ng tawagin ako ni alas.

"Zyrielle." Malalim na boses na tawag nito saakin.

"O-oo wala na kasi kaming masakyan walang jeep na dumadaan." Nahihiyang mahinang sagot ko sakanya at syaka umiwas ng tingin.

"Hop in, isasabay ko na kayo" aniya nya.

Lumaki naman ang mata ko.

"T-talaga?" Pag tatanong ko rito ng mag pagkamangha saaking mata.

Tumango tango ito.

A Tale Of Twin FlamesWhere stories live. Discover now