CHAPTER 17

112 10 1
                                    

CHAT

Dumaan ang ilang linggo at mas naging palagay kami ni Alas sa isa't isa, madalas ko naring nakakasama ang grupo n'ya kasama si kyle. Dahil palaging busy si thunder sa Abm society at hindi na namin na kakasabay mag recess at umuwi.

Katulad na lang ngayon mag-kasama kami ni Alas. Pupuntahan namin si Adi dahil nakasampal raw ng kaklase.

"Bakit ka ba kasi sumama pa?" Tanong ko rito habang papaakyat kami ng hagdan papuntang 3rd floor, sa classroom si Adi.

Nakabanggaan ko kasi tong gumag na'to kanina ng papunta na sana ako sa classroom ni Adi tinanong nya ako kung saan raw ako pupunta at ano ang ng yari ng masabi ko sakanya ang pupuntahan ko pati kung sino iyon.

Nang makarating kami sa tapat ng pinto ng classroom ni Adi nakita ko itong naupo sa dulo malapit sa pintuan at may isa pang babae sa dulo naman ng helera ng inuupuan ni Adi. Mabuti nalang at malapit ng maguwian at wala na kaming ginagawa sa philosophy kaya pinayagan ako ni ma'am juanita'ng pumanik sa classroom nila.

Nang makita kami ng teacher ay lumapit ito saamin. "Kayo po ba ang guardian ni Adelina?" Tanong nito saakin.

Nginitian ko naman ito. "Opo, kuya po ako ni Adelina." Sagot ko naman.

"Ano po bang ng yari?" Tanong ko sabay sulyap kay Adi na ngayon'y naka palumbaba na sa lamesa ng inuupuan nya, nakita ko pang nag taray ito habang may binubulong bulong.

"Sinampal nya ho kasi ang isa nya kaklase." Ani ng guro na para pang nahihiya sa inasal ni Adi. Kahit naman ako.

"Bakit naman raw po nya sinampal?" Tanong kong muli.

"Ang sabi ng kaklase nya ay wala naman-" hindi pa natatapos ng pag sasalita ang guro ay tumayo na si adi sa gilid ko at nag silita.

" Iyang babae nayan!" Turo nya sa babaeng sinampal nya. Nakita ko pag ang pag irap ng babae. Mukang matapang rin ito. Pero bakit mukang dehado ata sya kay Adi at na sampal?

"Kung ano ano ang pinag-sasabi n'ya sa mama ko!" Natigilan at napasinghap naman ako sa sinabi ni Adi. "Sinabihan n'yang malandi ang mama ko! Nag tatrabaho raw sa bar!" Ani ni Adi ng may galit na galit na boses.

Narinig ko rin ang pag singhap ni Alas saaking tabi kaya binalingan ko ito ng tingin at nakita kong masama na rin ang timpla ng kanyang mukah, inayos nya pa ang kanyang salamin bago tumingin sa babaeng sinampal ni Adi.

"Bakit!? Totoo naman! Sabi ng mommy ko nakita nya raw ang mama mo sa bar noon! Kaya namatay ang mama dahil nag-tatrabaho sya sa bar nag lalandi sya sa ibang lalaki!" Sabat ng babae.

Napasinghap akong muli saaking narinig at akmang susugurin ang babae ng pigilan ako ni Alas.

"Don't." Madiin na ani nito.

Tangina kahit mas bata sakin yan padudugin kong ang bibig n'yan.

Ngunit bago ko pa magawa ang nasaisip nagulat ako ng biglang sumugod uli si Adi sa babaeng kaaway nya.

"What the fuck!" Ani ng maarteng kaaway ni Adi habang itinutulak si Adi paalis sakanya.

Sinabunutan nya ito syaka tinulak sabay sampal ng mapahiga na ito sa sahig ng classroom. Umawat ang teacher ngunit hindi nito kinaya ang lakas ni Adi kaya pumasok na rin kami ni Alas para umawat.

Hinawakan ko ang balikat ni Adi at hinatak ito patayo dahil nakaupo na sya sa babae habang inabahan ito ng sampal at sabunot.

"Stop now adi." Matigas kong utos sakanya.

Pero hindi ito nakinig akmang susugod pa pero naununahan sya ng babae dahil nakapalag ito sa pag kakakapit ni Alas. Akmang kakalmutin sana ng babae si Adi sa mukah ng itinulak ni Alas ang babae paupo sa silya at hinarangan si Adi, narinig ko pa ang daing ng babae sa pag kakatulak sakanya ni alas ngunit hindi ko na iyon pinag tuunan ng pansin. Ang posisyon namin ngayon ay nasa gitna naming dalawa si Adi nakahawak ako sa kan'yang braso habang si Alas naman ay nakaharang ang kamay para hindi na maabot si Adi ng Kaaway nya.

A Tale Of Twin FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon