CHAPTER 12

118 6 0
                                    

IBANG DAHILAN

Nang maka rating ako sa tapat ng classroom ay nakita ko si ma'am mitch na nakikipag-usap kay ma'am andrea sa tapat ng kabilang classroomm kaya na wala ang kaba ko ng makitang hindi pa ito pumapasok sa room. Kaya naman dali-dali akong pumasok sa classroom upang unahan si ma'am mitch.

Nang makapasok sa classroom agad naman akong sinalubong ni kyle.

"Ano ka ba naman si akala ko hindi ka na papasok may exam pa naman tayo ngayon hindi ka rin sumasagot sa mga chats namin ni thunder." Sabi ni kyle sa akin ng nakakunot ang noo na tila ba inis nainis.

"Sorry kyle na-late kasi ako ng gising at nag-gahol na sa oras kaya hindi ko na na-check ang cellphone ko, wala rin kasi kaming masakyang jeep kanina buti nga lang at nakita kami ni alastair kaya sinabay niya kami papunta rito sa school ni Adi." pagsagot ko kay kyle at saka nilingon si Thunder dahil nasa likuran nito ni kyle hindi ko na malaya na sumunod pala siya kay kyle.

"Si alas?" pagtatanong ni kyle.

Tumango tango naman ako sa kanya bilang sagot

"Oo napadaan siya doon at isinabay kami." ani ko.

"Malayo ang ruta ni alas don banda sa inyo ah hindi siya dadaan doon unless sinadya niya o hindi naman kaya baka may dinaanan somewhere malapit sa inyo." pagsagot naman ni kyle.

"Siguro nga may dinaanan lang malapit amin at nakita niya lang kami." Kibit balikat kong sagot sa kanya.

Nang matapos ang pang-uusisan ni kyle ay upo na kami sa aming upuan at pati si thunder na nakasunod lamang sa amin.

Nang makaupo si kyle umupo na rin ako sumunod si thunder.

Nang makaupo kaming tatlo sa aming mga sari sariling upuan, nilingon ko si thunder dahil kanina pa ito tahimik ni hindi man lang n'ya ako binati.

"Bakit thunder?" pag tatanong ko sa kanya.

"Nothing." maikling sagot nito saakin.

Napakunot naman ako ng noo.

Ang lamig ha? Parang mag yeyelo na ako sa sagot nya.

"May problema ka ba? Gusto mo pag-usapan natin?" Pagtatanong ko pa sa kanya. "nakapag review ka ba?"pahabol ko pang tanong sa kanya.

"Yes nakapag-review na ako, and i don't have a problem." Sagot nito

Tumango tango naman ako "Pero bakit ang tahimik mo." Makulit na pagtatanong ko sa kanya

Umiling lang ito at hindi na ako pinansin, itinuon nya na lang kanyang mata sa harap ng blackboard.

Nang hindi magsalita si thunder ay hindi ko na ito inusina pa at hinayaan na sya at pumalumbaba na lamang ako sa aking desk habang inaantay si ma'am mitch na pumasok sa aming classroom at makapag-umpisa na ng long test.

Nang makapasok si ma'am mitch ay sabay sabay namin itong binabi ng batiin nya kami.

Nang makaupo pag tapos ang pagbati ay binigyan kami ni ma'am mitch ng sampung minuto para makapag review.

"Hindi ka talaga nag review?" Tanong ko kay kyle habang sinusundot ito sa braso.

"Hindi nga. Hindi nga uso sakin yon. At syaka favorite ko tong Gen Math lalo na't Alge ang coverage ng eexam-in natin basic lang to sakin" pag mamayabang ni kyle.

Though totoo naman pag-dating sa subject na Gen Math at algebra ang topic hindi talaga pinapalampas ni kyle ang pakikinig patungkol doon, hype na hype rin sya sa recit pag Gen Math ang subject halos kunin nya na nga ang lahat ng recit points at palaging perfect rin ang mga exam nya. Mapa, short quiz, long quiz, surprise quiz, summative test, kahit na periodical test ma-p-perfect nya yon dahil ganon sya kagaling sa Gen Math.

Nilingon kong muli si thunder at nakita kong nag bubuklat ito ng libro at notebook nya. Mag rereview uli, lagi talaga itong hindi papasigurado pag ganitong may mga long test. Kung ako ganun rin, pero kumpara sakanya? Mas malala sya. Kahit na alam nyang kayang kaya nya naman i-ace ang long test na ito kahit walang review nag rereview pa rin s'ya.

Pag tapos tignan si thunder, pinagtuunan ko na ng pansin ang aking nerereview binasa ko lang ang mga importanteng tandaan lalo na ang mga folmula para hindi malito mamaya.

Nang sinabi ni ma'am na times up na sa pag rereview ay kinulekta nya na lahat ng notebook namin at inilapag iyon sa table. Pag katapos n'yang ilapag ang mga notebook kinuha nya na ang questioner at binigyan ang mga nasaunahan para ipasa iyon papunta sa likod. Papunta saamin.

Nang mapunta na saakin ang questioner pinasadahan ko ito ng tingin at napangisi ako.

Yes! Naaral ko tong lahat! Pag diriwang ko sa aaking isip. Dali dali ko ng sinagutan ang test.

Hindi naman namin kailangan mag madali dahil 2 hours si ma'am mitch ngayon lagi n'ya talagang itinataon ang mga quiz pag 2 hours ang klase namin para hindi kami nag gagahol sa oras.

Nang makalipas ang dalawangpung minuto naramdaman ko ng tumayo sakanyang upuan si kyle.

Natapos na si gago halatang binasic lang ang long test ah?

Napailing iling nalamang ako.

As usual? Manibago pa ba ako? Lagi na yan pag Gen Math.

Ng maipasa na nya ang papel nya at pabalik na sa upuan nginisian pa ako nito. Ngumisi naman ako rin ako pabalik.

"Yabang..." Pang aasar ko sakanya.

Mahina naman itong humalakhak at naupo na sakanyang upuan na dala dala pa rin ang kanyang mayabang na ngisi.

Umiling iling ako at nag patuloy na lamang sa pag sasagot.

Lumipas ang sampung minuto si thunder naman ang tumayo para mag pasa at walang pakialam na bumalik sa upuan pag tapos.

Napaka nonchalant talaga. Sabi ko sa aaking isipin syaka napailing muli.

Maya maya lang ay tumayo narin ako para ipasa ang sariling papel.

"Okay class 20 more minutes... Pag tapos ng 20 minutes pass your paper, tapos o hindi tapos." Pag papaalala ni ma'am.

Habang inaantay ang iba dinaldal ko muna si kyle.

Hindi ko kasi makausap si thunder, mukang wala sa mood.

Nilingon ko si kyle.

"Kyle mabait pala si Alastair no?" Pag tatanong ko sakanya.

Natawa naman ito saaking sinabi

"Ano? Yun mabait? Pota? Napaka sungit noon kahit kanino! Anong mabait?" Natatawang tanong nito saakin na tila ba may nakakatawa akong sinabi tungkol sa kaibigan para mapatawa sya.

Napatikom naman ako ng bibig sakanya sinabi.

Huh? Pero ang bait nya saamin ni Adi?

"Ni hindi nga iyon ngumingiti kahit na anong gawin naming pag papatawa, lagi pa yong nag-susungit." Ani pa nya.

Eh? Marinig nga lang nya ang boses ni Adi natatawa na iyon labas pa ang malalim nyang dimple.

"Eto pa! Hindi yon nag papasakay ng kahit na sino sa audi nya! Hindi nya kami pinapayagang sumakay ron! Ayaw nya! At marurumihan raw! Hawakan palang ang sasakyan nya parang mag aalburoto na 'yon sa galit!" Pahabol pa ni kyle habang pinipigilan ang pag tawa dahil baka marinig sya ni ma'am mitch.

Napatigil ito sa pag tawa na tila ba may biglang naalala.

"Ang sabi mo kanina isinabay kayo diba?" Tanong nito.

Tumango tumango naman ako sakanya.

"Weird." Sabi nito habang nakakunot ang noo "Gaya ng sinabi ko kanina hindi iyon nag papasakay ng kahit sino sa sasakyan nya." Pahabol pa nito na nanatiling nakakunot ang noo.

Napaisip rin ako sa sinabi nya.

Kung ganon bakit nya-

Naputol ang pag iisip ko ng marinig ko ang pag tikhim ni thunder. Ng lingunin ko ito nag katinginan kaming dalawa, itatanong ko sana kung anong problema ngunit mabilis itong nag iwas ng tingin.

Bakit kaya?

Bumalik bigla ang isip ko kay Alas.

Bakit nya kaya kami sinabay kanina kung hindi sya nag papasakay sa kotse nya? May ibang dahil ba?

>_<

A Tale Of Twin FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon