CHAPTER 8

133 9 0
                                    

PAKIALAMERO AT CHISMOSO

Nang tumingin ako sa aking relo at nakitang kong  pasado 5:30 na ng hapon.

Bigla kong naalala ang oras ng uwi ni Ashi 5:30 ang uwian non paniguradong nakauwi na sya.

Nguti 'di ako nakapante kaya tinawagan ko si Adi para kumpiramahin si kung nakauwi na ba ang bunso naming kapatid, kaya ko ang numiro ng telepono nito at inilagay ko saaking tenga, agad naman itong sinagot ni Adi ilang sigundo palang ang nakalilipas.

Wala pa namang customer na pumapasok kaya may libreng oras akong makapag cellphone.

"Hey princess nakauwi na ba si Ashi?" Mahinahon kong pag tatanong sakanya.

Narinig ko naman itong humikab at parang gumalaw sa pag kakahiga nya at maya maya lang ay naririnig ko na ang yapak na umaakyat sa hagdan.

Hindi nya siguro napansin kung nakauwi na ba si ashi dahil na nonood to ng tv noong iniwan ko baka nakatulog sya sa sofa habang nanonood.

Kasabay ng narinig kong pag bukas ng pinto ang muling paghikab ni Adi.

"Kuya?" Pag tawag nito saakin ng may antok na boses.

"Hmm? Nandyan na ba?" Pag tatanong ko uli sakanya.

"Opo nandito na kuya hindi ko sya napansin na pumasok o umakyat ng kwarto nakatulog kasi ako." mahinang sabi pa nito at muli kong narinig ang kanyang pag hikab.

"Inaantok ka pa ba? Gusto mo pang matulog?" Pag tatanong ko rito ng may paglalambing na tono.

"Hmmm yes kuya." mahinang sagot nito halatang halatang antok na antok pa.

"Pumasok ka na sa kwarto mo at doon kana matulog" utos ko kay adi.

Narinig ko naman ang muli nyang pag sara ng pinto't maya maya'y na palitan na ng yapak papalayo. Narinig kong muli ang pag bukas nya ng pinto na sapalagay ko'y kwarto na nya. Magkalapit lang naman sila ng kwarto ni Ashi at Adi kaya ilang hakbang lang ang pagitan nila.

"Nasa kwarto na ako kuya." antok antok na pag sabi nito.

"Hmmm matulog kana uli." sabi ko naman rito at inaantay lang ang huli nyang sagot bago patayin ang tawag.

"Yes kuya... Ingat ka sa pag uwi mamaya i love you!" May pag lalambing na sabi nito saakin na may halo paring antok na boses.

Napangiti naman ako sa ka-sweetan nya.

"Yes po. Sleep well i love you-" natigil ang pag balik ko ng matatamis na salita para kay adi ng may biglang tumikhim sa bandang likuran ko.

Nataranta naman akong nilingon ito syaka pinatay ang tawag.

"Goodmorning sir sorry po at hindi ko namalayan na may tao na po pala  pasensya na po, what's your order p-" pag hihingi ko ng tawad dito at syaka kinuha ang listahan para ilagay ang kanyang order.

Hindi ko pa natatapos ang pag tatanong ko dahil pag anangat ko ng ulo nagulat ako sa taong nasaharap ko ngayon.

Nakaitim na polong long sleeve tapos naka khaki pants and black shoes, may suot suot pa syang silver na kwintas na may pendant na letter A san ba punta nito?

Mashadong pogi eh.

Naamoy ko pa ang pabango nito.

At ang bango.

Nakakunot ang makakapal na kilay nito na tila ba iritang irita, hinawi pa nito ang mahaba nyang buhok at pag katapos ay inayos ang kanyang salamin.

Si Alas. Si alas tong nasaharapan ko ngayon.

A Tale Of Twin FlamesWhere stories live. Discover now