CHAPTER 20

89 7 0
                                    

HINDI NA MAKAAHON

Nang matapos akong kumain at mag ligpit ng pinag kain ko'y kinuha ko ang aking phone para ichat si Alas. Hindi na ako nag atubili pa at nag tipa ng ng mensahe para sa kan'ya. Dahil hindi ko ito na reply-an kanina dahil dumating ang pag-kaing pinadala nya.

Zyrielle :

Thankyou sa Jollibee Alas. <3

Ang dami kasi noong binili nya eh mag isa lang naman ako kaya nabusog talaga ako sa pag-kain.

Mc Float, Large Fries, Sundae, fried chicken with rice, at meron panga jolly hotdog.

Tangina ang rami buti nalang at malaki ang kaha ko at na pag kasya ko lahat ng pag-kaing binili nya.

Alastair :

Welcome my Elle🤍

Nanlaki naman ang mata ko sa nabasa.

Wtf? Elle? My Elle? Tangina. Nakakabading.

Zyrielle :

Elle?

Alastair :

Pwede ko bang itawag yan sayo?

Nang mabasa iyon mas lalong nan laki ang mata ko. Paniguradong namumula na ang mukah ko ngayon dahil sa ginawa ni alas.

Kainis pota. Nababading ako. Help.

Tangina nitong si Alas eh pasimpiling landi talaga at ako pa ang napiling landiin.

Zyrielle :

Ikaw ang bahala.

Katulad ng sabi ko nag umpisa ang pag-paparamdam ni Alas simula noong nag sabay kaming kumain. Mas naging close rin sila ni Adi noon, nagugulat na nga lang ako't nag tatawagan na pala ang dalawa. Iniispoil ni Alas si Adi lalo pag-uwian, palagi ng sumasabay si adi saamin sa pag-uwi. Noong tinanong ko s'ya kung bakit, ang sabi n'ya'y sabi raw ng kuya Alas nya.

Alastair :

I called Adi earlier, we had a video call, Adi and Ashi were having dinner when I called.

Oh? Kanina siguro ito tumawag noong pag-tapos kong tanungin si Adi kung nakapag-luto na s'ya.

Alastair :

And, I also ordered Jollibee for them.

Napataas naman ako ng kilay ng mabasa ko iyon.

Zyrielle :

Masyado mong iniispoil ang mga bata Alas.

Alastair:

Bff Fries lang naman yon tapos dalawang Sundae at Mc float. Hindi naman yon mahal, Elle wala lang iyon saakin. It's not big deal. I love spoiling them.
Alastair :

Are you mad? I'm sorry, I can't help spoiling them.

Zyrielle :

Hindi ako galit. Pero mag hinay hinay ka, they might get used to it.

Alastair :

What's the problem if they get used to it? I can spoil them.

Tsk. Porket marami kang pera? Porke madami kayong business? Madami kayong hotels? Na kayang kaya mong mag waldas ng pera na kahit mag-kanong halaga dahil may sarili kang black card?

Hindi naman yon ang problema.

Ang prolema ay ayaw kong masanay ang mga kapatid kong may taong pumapasok sa buhay nila tapos nawala rin.

Aaminin kong gusto ko ang presensya ni Alas, pero na tatakot akong baka ngayon lang to. Natatakot akong baka sa mga susunod na araw o buwan hindi na ito mangyari uli. Anong gagawin ko pag-hinanap sya ng dalawa? Napapalapit na silang dalawa kay Alas. Iniispoil nya pa ng kung anong pag-kain ang dalawa paano pag itinigil nya na ang konesyon nya sa dalawa? Paniguradong malulungkot ang mga yon. Ayokong masaktan silang dalawa.

Hindi ko naman sigurado kung hanggang kailan ganito si Alas saakin pati sa mga kapatid ko. Hindi ko naman alam kung ano ba talagang gusto n'ya. Bakit n'ya ba pinaparamdam ang ganito saamin?

Tangina naman ng mga palipad hangin ni alas. Naguguluhan ako sa ikinikilos nya, hindi ko malaman kung bading rin ba ang gagong to na may gusto saakin ko baka nakikipag-laro lang at gusto ng trill kaya sumusubok saakin.

Narinig kong hindi s'ya interesado sa mga babae, pero hindi ako naniniwalang totoo yon, sa gwapo n'yang yan? Wala s'yang babae? Malabo. Baka itinatago n'ya lang. Ayokong umasang totoo ang ipinapakita n'ya saakin ngayon. Tangina? Eh hindi nga halatang bading ako, kilos lalaki at katawang lalaki pa rin naman ako.

Baka nararamdaman n'yang may itinatago akong kaberdehan at sinusubukan ako ng gago?

Tangina alas. Wag mo akong pag lalaruan. Hindi mo ako maiisahan.

Alam kong walang taong mag titiis sa isang baklang katulad ko.

Hindi ako naniniwalang totoo ang ipinapakita mo saakin.

Tangina ng mga palipad hangin mo. Gulong gulo na ako.

Ayokong umasang magugustuhan mo ako. Alam kong hindi ka para sa bakla babagsak, masyado naman atang mababa ang taste mo kung sa akin ka babagsak.

Hindi rin ako para maniwala sa putanginang pag-ibig na yan.

Oo aaminin kong na a-attract ako kay Atlas at gusto ko ang mga palipad hangin kilos nya. Pero hindi ko maiwasang isipin kung bakit? Kung paano? Bakit sa isang lalaki nya pinaparamdam ang ganito? Bakit saakin?

Ayokong matangay at masaktan lang bandang huli.

Kaya hanggat kaya ko.

Hindi ko hahayaang mahulog ako.

Parang may kumurot naman sa dibdib ko pag-tapos sabihin yon saaking isip.

Tinignan kong muli ang chat ni Alas at ni+reply-an yon.

Zyrielle:

Alam ko naman iyon alas, basta mag hinay hinay ka.

Alastair:

Okay, If you say so. Hindi naman ako papalag pag ikaw ang may sabi.

Tangina talaga paano ako makakaiwas na mahulog kung ganito s'ya? Para akong nahulog sa kumunoy na alam kong hinding hindi na ako makakaahon.

Lumipas ang ilang saglit at nakatitig lamang ako sa chat ni alas. Hindi ko na alam ang irereply kaya tinitigan ko nalang iyon.

Huminga ako ng malalim at syaka tumayo na para bumalik sa pag tratrabaho. Naramdaman ko pa ang pag-kirot ng aking ulo ngunit binaliwala ko nalamang iyon.

Malapit na sana ako sa counter ng bilang makaramdam ng mas malalang pag sakit ng ulo. Kaya naman tumigil muna ako saglit at humawak sa upuang malapit saakin syaka hinilot ang aking sintido.

Nang maramdamang ayos na ang aking pakiramdam ay umayos na ako ng tayo at syaka dumilat para mag lakad na. Radam na ramdam ko na rin ang bigat ng pakiramdam ko.

Nang akmang hahakbang na ay bigla uling sumakit ang ulo ko. Mas malala sa una't pangalawa, hahawak sana ako sa upuan ngunit hindi ko na makapa iyon. Hinawakan ko ang aking ulo gamit ang dalawang kamay at marinig pumukit.

Napadaing ako ng mahina ng may maramdamang biglang pumitik sa aking ulo. Sinubukan ko pang imulat ang aking mata ngunit bago ko pa iyon magawa muli ko nanamang naramdaman ang pag pitik.

"Zy!" Pag-tawang ni Lucio.

Narinig ko pa ang pag tawag ni Lucio sa pangalan ko bago tuluyang kainin ng dilim ang buong paligid ko.

>_<

A Tale Of Twin FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon