CHAPTER 18

117 6 2
                                    

IMPORTANT PERSON

Hindi ko alam kung sinong unang re-reply-an ko kaya naman hindi ko na parehas binuksan ang mensahe nilang dalawa't tinuloy nalang ang pag tulog ko.

Nang magising sa alarm dumiretsyo na agad ako saaking walk in closet para kunin ang uniform ko ng makaligo na. Pag tapos ay bumababa na ako para mag paalam kay Adi ngunit wala s'ya sa sala kaya pumunta ako sa kan'yang kwarto at naabutan s'yang mahimbing na natutulog, kaya naman isinara ko na ang pinto at pumunta sa kusina para mag iwan ng note para sakanilang dalawa ni Ashi.

To: my princesses
May iniwan ako 100 pesos sa ibabaw ng ref kunin n'yo nalang 'yon at bumili kayo ng meryenda sa labas. Alam kong iuutos mo kay Ashi ang pag bili sa labas kaya mag ingat ka sa pag-tawid ashi.

Adi, nasa ref rin ang baboy iluto mo nalang iyon before mag 7 pm para before 9 makakain na kayong dalawa. Mag-lock ng gate at pinto bago matulog, may work si kuya sa 7-even ngayon kaya madaling araw na akong makakauwi.

I love you both my princesses.

From: kuya Cane

Pag-tapos ipatong sa ibabaw ng ref ang isang daan at idikit ang notes ay lumabas na ako para kunin ang aking bike sa garahe.

Sinilip ko muna ang aking cellphone kung may message uli ang dalawa bago tanggalin ang lock ng bike. Nang makitang wala namang message ay i-pi-nag-patuloy ko na ang pag tatanggal ng lock.

Ilalabas ko na sana ng garahe ang bike ng biglang may bumisina kaya napakunot ako ng noo. Sigurado akong hindi si thunder 'yon dahil hindi ko naman sya nireply-an, hindi n'ya ugaling sumulpot rito kung hindi ako nag chat ng oo sakanya.

Isinandal ko muna ang bike para tignan kung sino ang tao sa labas. Nagulat ko ng makita ang isang puting audi na nakaparada sa tapat ng aming bahay.

Pota? Pano 'to napunta rito? Hindi n'ya pa naman kami nahatid sa bahay. Nilapitan ko ang kanyang sasakyan at kinatok ang bintana ng kotse nya habang nakakunot ang noo.

"Alas?" Ani ko.

Sumagot naman ito ng maibaba n'ya na ang bintana.

"Hmm?" Sagot nito habang naka-ngisi.

"Anong ginagawa mo rito? Hindi kita ni-reply-an ah?" Nakakunot na tanong ko sakanya. "At pano mo rin nalaman na dito kami nakatira?" Dagdag ko pang tanong syaka sya tinaasan ng kilay.

Nawala ang ngisi nito at napalitan ng hiya, tumawa ito ng mahina at napakamot sakanyang batok. "Ah- I asked Kyle because you didn't reply to my chat." Ani naman nito.

"Don't you want me to take you to the coffee shop?" Pag tatanong nito.

Sasagot na sana ako ng bigla uli itong mag salita.

" It's okay, f you don't want I won't force you," pahabol pa nito syaka hinaplos ang kanyang tainga na napansin kong na mumula.

Napakunot naman ako ng noo.

"Sige" Ani ko.

"What do you mean by sige? Hindi ka ba pumapapayag?" Pag tatanong nito habang may nakapaskil sa kanyang mukah na pag-kagulo dahil sa narinig.

"Sige, ihatid mo na ako total nan dito ka na." Pag sagot ko sabay iwas ng tingin.

Nakita ko pang kumisap ang mata nito bago ako nag iwas ng tingin. Narinig ko itong tumikhim kaya tinignan ko s'yang muli. Ng hindi na ito muling nag-salita akma akong papasok para i-ayos ang bike ng tawagin ako nito.

"Zyrielle!" Nilingon ko sya. "Ahm, have you left anything inside your house?" Pag tatanong nito ng may tarantang boses ng makitang tatalikod ako at papasok muli saaming bahay.

A Tale Of Twin FlamesKde žijí příběhy. Začni objevovat