CHAPTER 15

128 8 0
                                    

"Oy! Alas, nga pala kanina chi-ne-check-an namin yung long quiz nyo sa Gen Math!" Ani ni kyle habang isinasawsaw ang french fries nya sa sawsawang dressing.

Itinataas taas pa nito ang kanyang kilay habang sinasabi iyon kay Alas.

"Oh anong score?" Pag tatanong ni Jaxzon.

Nilingon naman sya ni kyle. Mag sasalita na sana si Kyle ng Biglang mag salita si Kane.

"Perfect yan! Sure ako!" Pag mamayabang ni Kane habang nakangisi kay kyle ng tinignan sya nito.

Nakita ko naman ang pag iling ni Tres at ang mahinang pag tawa ni Ruiz.

"Napaka yabang mo talaga Kane, baka mamaya itlog pala ang score mo!" Natatawang Sabi ni Tres.

Nakita ko naman ang pag titig ni Kyle kay Tres ng marinig nya itong mag salita at mahinang tumawa.

Ipinag-kibit balikat ko nalamang iyon. Syaka nakitawa na rin sakanila dahil nag mamaktol na si Kane at inaaway na si Tres dahil baka raw mausog ang score nya at itlog talaga ang lumabas.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA tanga! Perfect nga kayong lahat eh!" Tawang tawang anunsyo ni kyle habang nakahawak sa kanyang tiyan dahil hindi mapigilan ang tawa dahil kay Kane.

Nang marinig iyon ni Kane bigla itong tumayo at pinagsusuntok ang hangin. Kaya naman lalo kaming humagalpak sa kakatawa.

"Putangina mo! Oa!" Tawang tawang sabi ni Jaxzon habang hinihila ang damit ni Kane para paupuin ito.

Ng mahatak nya si Kane paupo'y binatukan nya ito. "Tangina ka! Nakakahiya! nasa canteen tayo! Maraming kumakain rito! Dito ka pa nag kakalat!" Humahagalpak na saway sakanya ni Jaxzon sabay batok muli.

"Ano ba!? Ano naman pake ko sa mga yan! Masaya ako't naka perfect ako sa Gen Math kahit walang review!" Ani nito sabay suntok muli sa hangin at ngumisi ng may pagmamayabang.

"Tangina nitong si Kane hindi mapirmi ampota ang ligalig." Ani naman ni Tres habang umiiling iling pa.

Nilingon ko naman si Alas ng marinig ko ang pag tikhim nito.

"Ikaw rin ang galing mo pala sa math ha." Ani ko kay Alas ng bumaling ako sakanya.

Nag paskil ito ng mayabang na ngisi. "Ako pa? To easy." Pag mamayabang nito. Napangisi rin ako sa kayabangan nya.

Tsk pasalamat sila't talagang magagaling sila kaya may karapatan silang mag yabang. Ani ko sa aking isip.

Nang matapos ang lahat kumain ay sabay-sabay na kaming umakyat para bumalik sa kanyan kanyang classroom. Katulad kanina nauuna ang ang lima at nasalikod kami ni alas.

"Anong oras ang uwian ni Adi?" Biglang pag tanong ni Alas saakin.

Medyo gulat ko naman itong tinignan. "Huh?" Lutang kong tanong sakanya.

"Ang sabi ko anong oras ang uwi ni Adi?" Pag-ulit nitong tanong.

'Ah-ano 11:30 ang uwian nya." Sagot ko sakanya syaka nag iwas ng tingin.

Naaninag ko naman ito sa gilid ng aking mata na tumango tango. Pag tapos ng tanong na iyon ay hindi na sya kumibo.

Ng makarating sa tapat ng classroom namin ay nag paalam na ang grupo ni Alas. Tinanguan ako nito kaya tinanguan ko lang sya pabalik.

Ng kapasok kami sa room nakita kong nag babasa si Thunder ng libro at suot-suot nya rin ang kanyang headphone, nakikinig siguro ito ng music habang nag babasa.

Napansin kong parehas pala sila ni Alas na gumagamit ng headphone? Ang kulay ng kay alas ay black at ang kay Thunder naman ay gray.

Nang makaupo ako saaking upuan hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni thunder at nag patuloy lang ito sa pag babasa. Kaya hindi ko na rin sya ginulo sa pa at nagpalumbaba nalang sa mesa ng upuan ko at tumingin sa labas ng bintana gaya ng ginagawa ni klye. Kitang kita kasi roon ang asul na asul na kalangitan at sa tabi ng aming school ay may malawak na palayan. Pag dito ka sa side ng binta malapit sa upuan namin sisilip makikita mo ang halos buong palayan at pati narin ang asul na asul na kalangitan, samahan mo pa na may isang malagong puno ng mangga sa may kalayuan na kaya mas lalong gumanda ang tanawin. Isang malawak na palayan, malagong puno ng mangga, at asul na asul na kalangitan.

A Tale Of Twin FlamesWhere stories live. Discover now