CHAPTER LI: Farewell and Welcome Back (Fabienne)

Start from the beginning
                                    

Ayaw kong mainis dahil mabigat ang pakiramdam ko ngayon, pero 'di ko naiwasang sisihin ang rason kung bakit nagkaganito si Castiel at namatay si Cassidy—walang iba kundi si Alaric. If he was being careful that night, if he was held accountable, maybe none of these would've happened to the Seville family.

But what's done was done already. 'Di na namin maibabalik ang nakaraan. 'Di na namin maaayos ang sira na. 'Di na namin mabubuhay ang mga pumanaw na. Ang tanging magagawa namin ay harapin ang kasalukuyan at subukang baguhin ang hinaharap. For Castiel and his parents, paniguradong 'di magiging madali ang pagmo-move on.

I kinda wished that Priam was here to console his friend. If he was only conscious, siguradong pupunta siya rito para makiramay.

Napabuntonghininga tuloy ako. I didn't wanna entertain more grim thoughts, pero 'di ko naiwasan lalo na't halos pareho ang pinagdaanan ni Cassidy at pinagdaraanan ni Priam. What if ganito ang mangyari sa kaniya? Paano kung magising nga siya pero bigla ring bawian ng buhay? Tiyak na madudurog ang puso ko kapag pinaasa ako 'tapos nanakawin 'yon sa 'kin.

Nadagdagan pa tuloy ang worst case scenarios na sumasagi sa isip ko.

Inabutan na kami ng alas-otso sa lamay. Nagpaalam na muna kami kay Castiel at sa parents niya. Nang palabas na kami ng memorial home, saktong may dumating na dalawang sasakyan—isang luxury car at isang pick-up truck. Bumaba mula sa kotse ang isang lalaking nakasuot ng coat and tie. Sinenyasan niya ang dalawang lalaki galing sa pick-up na ibaba ang kanilang dalang wreath at ipasok sa loob. We stepped aside to give way to them.

"Eliseo?" bulong ni Valeria nang makadaan na ang mga lalaki.

Naningkit ang aking mga mata habang pinagmamasdan ang ipinapasok na wreath. Naka-print ang mga salitang "Condolences from the Eliseo Family" sa funeral sash nito.

"Is that the same Eliseo from our university?" nagtatakang tanong ni Lavinia. "O ibang Eliseo family ang nagpadala n'on?"

Mukhang 'di pa nila alam ang connection ng pamilya Eliseo sa pamilya Seville. It's not my place to tell them kaya itinikom ko ang aking bibig. Baka ibang Eliseo rin ang nagpadala n'on at mapahiya ako kapag itsinismis ko kung sino sa aking tingin.

"Why don't we find out?" Naglakad si Rowan pabalik sa loob. Curious din ang ilan sa 'min kaya sumunod kami sa kaniya.

The two guys carrying the wreath placed it beside Cassidy's coffin habang kausap ng lalaking naka-suit sina Mr. and Mrs. Seville. 'Di namin dinig ang pinag-uusapan ng tatlo, pero malamang ay nagpahatid ng pakikiramay ang pamilyang nagpabigay n'on.

All of a sudden, Castiel sprang from the pew and hit the funeral wreath with his cane. Napasinghap ang mga tao sa paligid, lalo na ang mga kasama ko. He struck it not only once or twice, but many times hanggang sa natanggal ang mga bulaklak at dahon nito.

"Sir, we're only extending the condolences of—"

"You can shove your condolences up your boss' ass!" bulyaw ni Castiel. Nagawa niyang tumayo nang wala suporta mula sa kaniyang cane. "Get out."

"Cas—"

"GET OUT!"

Walang nagawa ang lalaking naka-suit kundi lumabas kasama ang dalawang tauhan nito. Mukhang tama nga ang hinala ko. That wreath must have come from the Eliseos of Elysian University. 'Di gano'n kagrabe ang magiging reaction niya kung sa iba galing 'yon.

After that short drama, tuluyan na kaming umalis ng memorial home. We promised to return in the next few days.



NGAYONG SABADO ng hapon ang schedule ng libing ni Cassidy sa Pax et Lumen Memorial Park. Dumalo ang naging classmates at instructors niya bago siya na-coma. Dumating din ang iba pang kaanak at kaibigan ng pamilya Seville. Nagmistulang dagat na itim ang area na kinatatayuan namin dahil nakaitim ang halos lahat sa 'min.

Play The King: Act TwoWhere stories live. Discover now