-11-

29 2 0
                                    

..

Daniel

"Ayos ka lang ba talaga?" Tanong na naman ni Mang Karo na ikinatawa ko na lang.

Nandito na kasi ako sa loob ng bahay nila. Naka-upo ako sa mahabang sofa nila at nakapaligid sila sa akin, isinara pa nila muna saglit yung Chick-Chicken para lang tanungin ako kung okay na ba ako.

Ilang beses na talagang natanong ni mang Karo kung okay na ba ako. Kanina pa nga niya rin pinapagalitan si Zayche kahit na nag-aayos na ito ng sarili dahil babalik daw ito sa company at may tatapusin daw itong trabaho.

Si Kyleen naman ay natatawa lang sa tuwing pinapagalitan ni mang Karo si Zayche na puro lang reklamo ang ganap.

"Pa, aalis na ako, pa. Tama na, napaka oa na." Angil ni Zayche na nakatanggap naman ng hampas sa kaniyang biceps na namumutok sa kaniyang long sleeves.

"Sa susunod bawas bawasan mo kasi ang pangt trip! Oh siya, umalis ka na at mag iingat!" Singhal naman ni Mang Karo kay Zayche na sumimangot lang.

"Oo na, Pa, ulit ulit." Maktol pa ni Zayche bago muling nagpaalam at umalis na.

"Okay na ha? Tawagin mo na lang kung sino man sa amin kung may kailangan ka ha? Bubuksan ko na ulit yung Chick-Chicken dahil may mga tao sa labas.

Ngumiti at tumango na lang ako kay mang Karo at nagpasalamat. Sinundan ko na lang sila ng tingin at bago pa makalabas ng bahay si mang Karo ay tumigil muna ulit siya at humarap sa akin.

"Oo nga pala, marumi na iyang damit mo. Magpunta ka sa kwarto ni Zayche at humiram ka muna ng damit sa kaniya, magpalit ka." Anito at hindi na ako hinintay na makasagot saka ito lumabas ng tuluyan.

Tahimik naman akong napaisip sa sinabi ni mang Karo saka napatingin sa suot kong damit at oo nga, marumi nga ang suot ko para akong taong grasa ba. Naiiling na lang akong dahan dahang tumayo, medyo sumasakit kasi katawan ko dahil sa pagkakasubsob ko.

Puro gasa tuloy ang braso at may mga bandage pa ang mukha ko. Ang makinis kong mukha na inaalagaan ko ay nako, may gasgas na.

Pumunta na lang ako sa kwarto ni Zayche, hindi naman ako nalito kung kaninong kwarto ba ang kay Zayche dahil may mga pangalan nilang nakalagay sa pinto tapos may signage pa.

"Do not enter, Kyleen will get mad!"

"Ulol!"

Kahit sa signage nagtatalo parin yung dalawa eh. Natawa na lang ako bago binuksan ang kwarto ni Zayche at pagkapasok ko palang nanunuot na sa ilong ko ang familiar na amoy ni Zayche.

Ang bango at sobrang manly neto pero hindi masakit sa pang-amoy. Kaagad akong pumasok at napanganga na lang ako sa kalinisan ng kwarto ni Zayche, lahat ng gamit niya naka-organize at makikitaan na malinis talaga siya sa kaniyang gamit.

Walang laman yung basurahan niya na makikita sa tabi ng kaniyang drawing table, alam ko yan kasi nakikita ko yan sa social media.

Ang kulay ng kwarto niya ay nasa shade of brown lang. Tapos may mga drawing ng mga buildings sa wall niya as design na rin, sobrang nakakamangha talaga dahil kahit ganon yung ugali niya minsan ay talagang napaka linis niya, kahit sa katawan makikitaan na malinis talaga siya.

Saka kahit moreno si kuya mo amoy expensive parin, amoy Johnson's baby powder haha.

Namalayan ko na lang na nakangiti pala ako nang mapadaan ako sa body mirror niya sa tabi ng pinto ng cr niya. Tumikhim na lang ako at nagdiretso sa cabinet niya, pagbukas ko nito ay namangha na naman ako dahil kahit damit niya ay organized din from color to types of clothes.

Namili na lang ako ng kulay ng shirt na babagay sa akin. At nung maisuot ko na ay napangiti pa ako dahil may whale pang nakaprint sa gitnang bahagi ng dibdib nito.



Lumipas ang ilang oras ay nandito parin ako sa bahay nila mang Karo. Ayaw nila ako patulungin sa kanilang Chick-Chicken dahil injured pa raw ako. Pamilya talaga silang oa hano?

Hanggang maghapon na at nandito na sa loob si Mang Karo at Kyleen, si Kyleen ang nagsusulat habang si mang Karo ang nagbibilang ng pera na kinita ng kainan.

Simula talaga nung nagbukas yung kainan nila ay talagang naging mas mabenta, kahit na yung ibang nasa menu nila ay medyo pricey ay talaga namang kakaadikan ng mga tao dahil sa lasa nito ano.

"Ngayon ko na lang ulit nakita yang tshirt na yan." Puna ni mang Karo sa suot suot kong tshirt kaya napatingin din ako rito.

"Syempre, hindi na inilalabas ni Kuya." Saad naman ni Kyleen habang nakatingin parin sa isinusulat, "Kanino nga ba yan galing ahh——hala!" Biglang sumigaw si Kyleen kaya nagulat kami ni mang Karo na naihagis pa yung perang hawak niya.

"Ano ba namang pagka-oa yan, Kyleen! Nawala na ako sa bilang." Reklamo ni mang Karo at sinamaan nang tingin ang anak.

"Hala, Dan, kailangan mo na hubarin yan. Nako, magpalit ka na dali! Dali!" Nagmamadaling sambit ni Kyleen at lumapit pa sa akin.

Ako naman itong naguguluhan dahil sa sinasabi niya kaya nakakunot lang ang noo kong nagtanong sa kaniya.

"Ha? Bakit? Paborito ba ito ng kuya mo?" Tanong ko sa kaniya at umiiling naman siyang may pag aalangan.

"Basta need mo na ibalik yan dali, lalabas ang dinosaur!" Ani Kyleen na lalong kinagulo ng isip ko.

"Ano ba talagang meron——"

"I'm home everybodyyyy! Kumusta ang benta? Ayy Kyleen! Bakit mo hawak hawak si Dan nang ganiyan? May pagnanasa ka na ba??" May malokong ngiti sa labi si Zayche.

Napatingin naman ako sa posisyon namin ni Kyleen, hawak pala niya yung laylayan ng damit na suot ko at nakaangat ito ng kaunti.

"A-ahh wala no! Nadumihan kasi yung damit ni Dan kaya pinagpapalit ko lang, di niya kasi kaya kasi masakit daw balikat niya——oo tama! Masakit daw kasi." Agarang paliwanag ni Kyleen na pilit itinatago yung print sa damit.

Nakakunot ang noong lumapit si Zayche, "Eh bakit ikaw ang nagawa niyan? Kababae mong tao huhubaran mo lalaki? Alis! Ako na riyan." Ani Zayche at dahil sa tuloy tuloy ang bibig ni Zayche hindi nakaangal si Kyleen at napaalis na lang siya nang tabigin siya ni Zayche.

"Paray..." Bulong ni Kyleen.

"At ikaw naman, masakit naman pala braso mo hindi mo pa ako hinintay edi sana ako na tumulong sa... yo...?" Biglang bumagal at humina ang pagsasalita ni Zayche nang mapagmasdan niya ang tshirt na suot ko.

"Bakit? May problema ba, sorry kasi ito lang nakita kong bagay sakin eh." Paumanhin ko agad habang nakatingin sa mukha niyang wala ng emosyon.

"Hubarin mo na." Mahinang sambit niya na hindi ko naintindihan.

"Ha?"

"SABI KO HUBARIN MO! HUBAD!"


______<11>______

Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]Where stories live. Discover now