-4-

37 1 0
                                    

..

Daniel

Nanlalamig ang kamay ko habang hawak ang file case ko. Papasok ako ngayon sa Director's Office at nararamdaman ko na ngayon ngayon palang ang kaba.

Hindi naman ako nakapag college kaya hindi ako sigurado kung matatanggap ba talaga ako rito lalo na yung kahihiyan na nangyari kanina sa elevator.

"Take a sit." Sambit nung lalaki na tumawag sa akin kanina, mukhang siya yung secretary nito.

Nanginginig man ang tuhod ko ay hindi ko ito pinahalata dahil mas nakakahiya yun kung ganon.

Napatingin din ako sa lalaking masungit kanina sa elevator na abala sa pagtitingin sa mga papel, mukhang iyon yung mga resume ng mga applicants.

Maamo ang mukha niya pero nandoon yung itsura na nagsusungit talaga. Sobra ring kinis ng balat niya at yung tangkad niya grabe talaga, yung mata niyang brown ang nakakaakit.

"Tititig ka na lang ba sa akin at hindi sasagutin ang tinatanong ko?"

Nabalik ako sa realidad nang magsalita ang nasa harapan ko. Napakurap kurap ako at hindi pa ma-process ang nangyayari, lutang na lutang talaga ang isip ko.

"Huh...?" Taka akong tumingin sa kaniya na napahinga nang malalim at itinigil ang ginagawa sa ako tinitigan.

Nakaramdam naman ako ng pagkailang kaya hindi ako makatingin ng diretso. Tingin sa noo, pisngi, leeg, at damit niya dahil hindi ko kaya ang nakakakabang titig niya.

"Paano ka tatanggapin ng kompanyang to kung ganyan kabagal ang utak mo?" Narinig ko ang matabil na pagkakasabi niya kaya napakunot ang noo ko.

"So-sorry..." Aniko at saka tumikhim at umayos ng upo, "Pwede niyo po bang ulitin ang tanong niyo?" Magalang at maingat na tanong ko sa kaniya na malamlam ang matang nakatitig sa akin.

"Isang beses ko na lang itatanong ang mga tanong ko at kapag hindi mo nasagot, pasensyahan tayo bukas ang pinto at makakaalis ka na." Seryosong sambit niya na ikinalunok ko dahil sa nakakatakot na pagka-strikto niya.

Napatango ako at sinimulang sagutin ang mga katanungan niya hanggang sa maumid ako dahil sa sunod na itinanong niya.

"Walang nakalagay sa resume mo na University na pinagtapusan mo, care to explain it?" Tanong niya habang nakatingin sa resume ko.

Napakagat labi ako dahil sa kaba, paano na lang kapag nalaman niyang hindi naman ako nakapasok ng college? Pero hindi rin naman maganda kung magsisinungaling ako.

Napaayos ulit ako ng upo nang tumingin siya sa akin, "Uhh... H-hindi ako nakapag-college..." Pahina ang boses na sagot ko na ikinataas ng kilay niya saka umayos ng upo sa swivel chair niya.

"Then, this resume is useless. You're applying for Director's Secretary yet you didn't even get to college." Sambit niya na ikinadagundong ng puso ko, "Walang kahit na anong kompanyang kasing laki nito ang tatanggap sa high school graduate na katulad mo, karinderya ka nababagay o kung gusto mo ng magandang workplace sa fast food ang punta mo hindi rito." Matabang ang mukha niya pero masyadong maanghang ang mga salitang ibinabato niya.

Napayuko ako sa aking kinauupuan. Expected ko naman na ito eh pero bakit kailangan niyang ipamukha sa akin ang natapos ko. Hindi niya alam ang pinagdaanan ko, hindi niya alam ang paghihirap ng magulang ko para lang maipagtapos ako ng high school.

"Bukas ang pinto, makakaalis ka na." Narinig kong saad niya bago muling narinig ang pagt-trabaho niya sa mga papel na nasa lamesa niya.

Bumuntong hininga ako saka dahan dahang tumayo. Sobrang kahihiyan sa sarili ang naramdaman ko sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Hindi ko naman kasalanan na high school graduate lang ako.

Tumungo muna ako bilang paggalang sa kaniya dahil Director parin siya ng kompanyang ito bago nanlulumong lumabas ng office niya.

May tipid na ngiti sa labi ko ang nakikita, kinukumbinsi ang sariling iyon ang realidad, na mababa lang ang tinapos ko. Hindi dapat ako nasasaktan ng ganito dahil sa iyon naman talaga ang totoo.

"Huy, Daniel! Kumusta——" natigil sa pagtatanong si Chloe nang makita niya ako.

"Ano napagalitan ka ano? Ayan kasi——aray ko!" Daing ni Zayche nang hampasin siya ni Chloe sa braso, may hawak pang ruler si Zayche na hinihimas ang braso niya.

"Hindi ka natanggap?" Maingat ang pagtatanong ni Chloe sa akin kaya ngumiti ako sa harap nila.

Umiling ako, "Hindi, alam niyo namang high school graduate lang ako at ang mga kagaya ko at pang karinderya lang." Sagot ko sa kaniya na ikinatingin nilang dalawa sa isa't isa.

"Mukhang may saltik na naman si boss ngayon." Bulong ni Zayche na ikinatingin ko sa kaniya.

"Saltik?" Tanong ko kaya naman hinila nila ako sa may hagdanan.

"Wala sino man sa amin ang nakakapag-predict kung anong mood ni boss, sobra yung pagka mood swings niyan pero kapag nandito si sir Clyde maayos naman si Boss, palagi pa nga yun nakangiti." Pabulong na sagot ni Zayche na akala mo'y may makakarinig sa pinag uusapan namin.

"Clyde? Sino siya jowa niya?" Tanong ko sa kanila na ikinatawa ni Zayche.

"Gaga ka! Nakababatang kapatid ni sir Caile yun." Sambit ni Chloe na ikinatango ko, "Pero madalang lang pumunta rito si sir Clyde dahil sa may sariling kompanya ito kaya ang ending, madalas mag sungit si sir Caile." Dugtong pa ni Chloe na ikinatango tango ko.

"Wala naman ng kwenta yang ikinuwento niyo dahil hindi naman ako tanggap dito, ang pasasalamat ko lang hindi ko na makikita ang pagmumukha nung boss niyo at hindi ko na mararanasan ang kagaspangan ng ugali non ULIT." Mahabang litako at nakasimangot na umirap sa ere.

"Tingnan mo to, kanina lang akala mo'y inagawan ng candy tapos ngayon nagtataray na." Biglang sambit ni Zayche na sinamaan ko ng tingin.

"Kung walang magandang lalabas diyan sa bibig mo itikom mo na lang iyan kung ayaw mong ipalunok ko sayo yang ruler na hawak mo." Singhal ko rito na ikinaatras niya ng isang hakbang.

"Ang sadista ng maliit na to! Hoy, hindi to ruler! Triangular scale to!" Asik niya at pinagdiinan pa ang ruler na hawak niya sa harapan ko kaya naiinis kong inagaw sa kaniya ito at pinaghahampas siya nito kaya kaagad naman siyang napaatras at sumasalag.

"Parehas lang na pang sukat to! Napaka arte mo!" Nanggigigil kong pinaghahampas siya.

"Ahh——aray ko! Masakit——tumigil ka  liit!" Sigaw niya habang naatras.

Hindi ako tumigil, "Porket matangkad ka lang! Sunog na tao!" Sigaw ko rito at pinaghahampas pa siya lalo.

"Teka nga!" Singhal ni Zayche at nahuli niya ang kamay kong hawak ang ruler niya saka niya ako isinandal sa pader.

Para akong dinagundong ng multo sa sobrang lakas ng kaba ko. Magkalapit ang mukha namin at siya naman ay hinihingal, napatitig ako sa maitim na mata niya at para itong nangungusap.

"Ayyy real life kdrama ang peg." Narinig naming sambit ni Chloe na natatawa at parang sinilihan ang pwet na kinikilig.

Napakunot ang noo ko at napatingin kay Zayche at nang matauhan ay kinurot ko bigla ang tiyan niya na ikinadaing niya sabay umatras.

"Ang sakit! Sadista ka talaga!" Asik ni Zayche na ikinasimangot ko.

"Dapat lang sayo yan! Makaalis na nga, nakakasama lang sa akin ang workplace niyo, may magaspang ang ugali tapos may hambog na sunog!" Asik ko at sinamaan pa ng tingin si Zayche na masama rin ang tingin sa akin.

"Che!" Asik ni Zayche at kinuha ang ruler niya sa akin at nagdadabog na umalis.

"Siya pa talaga may lakas ng loob mag walk out!?" Asik ko at narinig ko ang tawa ni Chloe.

"Bagay kayo." Aniya na ikinangiwi ko.

"No, thanks! Mas gugustuhin ko pang jumowa ng babae kesa sa kaniya!" Aniko at nakita ko ang pagngisi niya.

"Wehhh? Kaya mo??" Tanong niya na ikinaumid ko.

Umiwas ako ng tingin, "Che!" Asik ko na ikinatawa niya.


______<4>______

Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]Where stories live. Discover now