-3-

46 2 0
                                    

..

Daniel

"AHHHH! Tulonggg! Mamamatay na ako!!!" Pagsisigaw ko habang nagkakalampag ng pinto ng elevator.

Hindi ko alam kung ano nang ginagawa nung lalaki sa likod pero wala na akong pake alam ang gusto ko lang ay makalabas dito ng buhay.

"Hey—HEY!"

Sa lakas nung sigaw ay kaagad akong napatigil sa pagh-histerical, kakaibang pangingilabot ang naramdaman ko sa lakas at lalim non.

Dahan dahan akong tumingin sa likuran ko at sumalubong ang nakataas ang kilay na lalaki at katabi ang body guard na walang emosyong nakatingin sa akin.

Pero yung mata nung body guard kung makatingin sa akin para akong sinasabihanv baliw.

"You're so noisy, why are you overreacting?" Tanong nito at nakakunot na ang noo.

Napatitig ako sa lalaking nagsalita, ito yung masungit kung makatingin. Napakurap kurap ako bago napaisip sa pinaggagagawa ko kanina.

Ngumibit ngibit ang labi ko bago nagsalita, "H-hindi mo ako papatayin?" Tanong ko rito na ikinangiwi niya.

"What the fuck? Are you nuts? Why would I do that?" Hindi makapaniwala nitong tanong kaya napaawang na lang ang labi ko sa katangahan ko.

"S-sorry." Kaagad akong tumalikod at tahimik na inaway ang sarili. Sino ba naman kasi ang maga-assume na papatayin ka gayo'ng maraming magiging witness kapag nakalabas kami ng elevator na to.

"Hindi mo ba pipindutin kung saang floor ka?" Tanong nung isang lalaki kaya natigilan ako at napaisip.

Oo nga no? Ano nga bang floor yung interview? Huh??

"As I can see wala ka pang I.D, you're here for the interview?" Tanong ulit nito at nangingiti naman akong tumingin dito.

"A-ahh oo sana." Sagot ko at napatingin siya sa relo niya at tumango tango.

"Sakto ang dating mo, magsisimula palang ang interview. Wait, anong position!" Tanong nito sakin kaya napasulyap ako sa lalaking katabi niya na nakatingin lang ng diretso sa pintuan ng elevator.

"Yung secretary, high school graduate lang kasi ako kaya di ako makakapag-apply sa ibang position." Ngiwi kong sagot sa kaniya na ikinatango tango niya.

Hindi naman pala nakakatakot itong lalaking may dalang ipad. Hindi rin nababakasan ang pagka-mama niya kasi soft spoken itong lalaki.

Napatingin kami nitong lalaki sa masungit na lalaki dahil narinig namin ang pag-ismid nito.

"You have more options, just like 'janitor' perhaps..?" Naniningkit ang mata nitong sambit saka tumingin sa akin habang nakataas ang isang kilay.

Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko akalain na may pagka maldito at arogante itong hinayupak na to.

Napaayos ako ng tayo at nanlalaki ang matang tumingin sa kaniya, "Are you belittling my educational background, Mr.? As far as I know, I'm not lack in skills, and my educational background doesn't define for who I am... Teka nga, sa pagiging arogante mo siguradong mataas ang position mo rito, why don't you hire me and test my skills?" Mahabang litako at dinuro duro pa siya.

Napatitig lang ito sa akin habang nakataas ang kilay saka umikot ang mata bago tumingin ulit sa pinto ng elevator saka ako nilagpasan dahil bumukas na pala ang elevator.

Nag-init ang ulo ko, "Akala mo ka-gwapo nito! Hoy mukha kang poste na naglalakad!" Sigaw ko rito dahil nakaka-inis siya.

Napatigil ako dahil sa mga empleyadong nasa labas ng elevator. Kaniya-kaniya pa silang tungo sa dinaanan nung aroganteng lalaking yun.

Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon