PROLOGUE

133 6 0
                                    

[a/n: please listen to the media above while reading this, wala lang para mas ma-effect]

...

"Are you okay here, Caile?" My mom asked me while I was playing my toys in my room.

I smiled at her, "Yes." I answered her and she smile at me.

I'm seven years old and I can say that I have mature mind. Sa loob ng pitong taon marami na akong nasaksihan, marami na akong nalaman. Kung anong totoong trabaho ng mga magulang ko. Dante Fetalvero, isang Mafia kung saan ito ang boss ng magulang ko.

May kapatid ako. May kakambal ako, si Cole Navo Dela fuente, ipinaampon ito nila mommy sa mag-asawang Mulford, ang kaaway ng pamilyang Fetalvero. Hindi ko alam kung bakit kailangan nilang gawin yon pero ang naririnig ko ay kailangan mapunan ni Cole ang gampanin ng panganay nilang anak na namatay, lubhang nalungkot ang asawa ni Hernando Mulford kung kaya't nagawa niya yon. 

Napag-alaman ko ring dahil sa depression ay inakala na ni Mrs. Mulford na si Cole ang tunay na anak nito. 

"Mom, hindi po ba tayo bibisitahin ni Cole?" Tanong ko kay Mommy habang nasa hapag kainan kami at nakain.

Nagkatinginan sila ni Dad, "Soon, baby, he'll visit you." Nakangiti nitong sagot sa akin na ikinatango ko na lang.

Lumipas ang ilang araw at buwan ng hindi dumadalaw si Cole. Napagpasyahan kong pumuslit sa bahay at puntahan ang mansion ng Mulford. Nakapasok ako sa gate ng walang kahirap hirap dahil sa napagkakamalan nila akong si Cole, identical twin kami at sa ugali na lang ang pinagkakaiba namin.

Pagpasok ko sa mansion ng Mulford ay nakita ko na nasa salas sila Mommy at Daddy na nakaluhod at puro pasa't sugat. Naririnig ko ang pagsisigaw ni Hernando Mulford at nakatutok ang baril nito sa aking mga magulang. 

Doon ko nalaman na nagtaksil ang magulang ko sa pamilyang Mulford, nagtrabaho sila sa Fetalvero para lang sa pera. 

"H-hind—" natigil ako sa pagsigaw ng saktong pinagbabaril ni Hernando Mulford ang magulang ko ay ang paghila sa akin ni Cole papunta sa likod ng mansion nila.

"Wala ka nang magagawa, Caile, nagtaksil ang magulang mo!" Asik sa akin ni Cole.

Natulala ako sa itsura ni Cole kumpara sa itsura ko. Lubhang mas nakakaaya ang mga suot suotan niya, anak mayaman na nga talaga ang datingan niya pero ano itong narinig ko.

"Ano? Magulang natin sila, Cole—" natigil ako sa pagsasalita nang putulin niya ito.

"Hindi ko sila magulang, Caile! Wala akong magulang na nanga-abanduna ng anak para lang sa pera!" Sigaw nito sa akin na ikinatigil ko.

"A-anong pinagsasasabi mo?" Naguguluhan kong tanong ag nakita ko ang pagngisi niya.

"Iyan ang katotohanan, kaya wag ka nang babalik dito kung ayaw mong sumunod sa walang kwenta mong magulang." Asik nito bago ako nilagpasan.

Napatulala ako sa mga naririnig mula sa kaniya. Ang dating mabait at masayahing kapatid ko nawala na, paanong nagbago siya? Ganon ba talaga kapag naging mayaman na? Nagbabago na lang bigla? 

Anong karapatan niya para insultuhin ang mga magulang namin? Sila ang dahilan bakit siya nabubuhy ngayon! 

Napuno ng galit ang puso ko at saka humarap sa bulto ni Cole na naglalakad na paalis. Mabilis kong dinampot ang flower pot na nakita ko at walang ano-ano'y lumapit sa kaniya at inihampas sa ulo niya. Nabasag ang paso kasabay ng pagbagsak ni Cole sa lupa. Nawalan na ito ng malay at kita ko ang pag-agos ng dugo niya sa ulo. 

"Hindi ka kailanman nararapat mabuhay sa mundong to Cole, kukuhanin ko ang buhay mo at sa pagkakataong ito. Ipaghihiganti ko ang magulang ko." Madiin kong sambit at sinimulang ipagpalit ang kasuotan namin.

"Sir Cole!" Dumating ang mga tauhan ni Hernando Mulford kaya napaayos ako ng tayo at sinimulang umakto.

"M-mabuti na lang at dumating kayo, balak niya akong patayin mabuti na lang at nakalaban ako!" Sambit ko at itinuro ang katawan ni Cole na sa palagay ko'y wala ng buhay.

"Mmh—" umungot si Cole na ikinalaki ng mata ko.

"Ayan nagigising na siya gumawa na kayo ng paraan!" Sigaw ko at sa taranta ng mga tauhan at pinagbabaril nito ang katawan ni Cole na patago kong ikinangiti.

..

"Dad, gusto ko po papalitan name ko." Hiling ko kay Hernando Mulford makalipas ang ilang linggo.

"Okay, what name do you want?" Tanong ni Dad habang nakain kami, si Mommy naman ay nakangiti lang sa akin.

"Caile. Caile Nero po." Sagot ko na ikinatigil ni Dad.

"Is that your twin brother's name?" Tanong ni Dad.

Napailing ako, "Caile Nero po talaga ang name ko at yung kakambal ko na anak nung magulang na pinatay niyo ay ang totoong pangalan ay Cole Navo." Sambit ko at napaisip naman siya.

"Hmm okay! It's actually great, by the way, you did a great job on killing him. I can see that you can inherit my companies in the future, including my dirty business." Nakangising sambit ni Hernando Mulford na ikinangiti ko.

"He deserves it." Nakangisi kong sambit, "And you deserve it too." 

______<PROLOGUE>______

Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]Where stories live. Discover now