-1-

79 5 0
                                    

..

Daniel

"...Opo, nay! Maayos po ako rito... H'wag na po kayo mag-alala, maayos akong nakakatulog dito... Opo, sige po! Ingat din po kayo." Sambit ko at napabuntong hininga pagkatapos ibaba ng aking ina ang tawag.

Napatingin ako sa paligid ng maliit na silid na kinaroroonan ko. Nagsinungaling ako para hindi na mag-alala ang ina ko na nasa aming probinsya, nagpunta ako rito sa Manila para makipagsapalaran at mabigyan ng magandang buhay ang nanay ko at nag-iisa kong kapatid, ang aking tatay naman kasi ay kakaunti lang ang nagiging sahod niya sa pagiging construction worker.

Tumayo ako sa pagkaka-upo ko sa higaan ko. Maliit ma kutson lang ito at sa lapag lang nakalatag, wala akong pambiling kama kaya ito na lang. Tama lang sa isang tao ang silid na ito, hindi naman madumi at mabaho rito dahil malinis naman ako sa aking paligid at gamit.

Kinuha ko ang cellphone ko para tumingin ng mga job offering ngayon sa internet dahil ang tagal ko ng walang trabaho, paubos na rin ang ipon ko. Ayaw ko naman manghingi sa magulang ko dahil maging sila ay kapos na.

"Pambihira naman." Naisaad ko na lang nang mabasa ang text message.

Wala na raw akong load!

Nagdadabog akong kinuha ang pitaka ko sa ibabang ng isang box, yung box na yun ang nagmimistulang lagayan ko ng damit. Wala tayong pambiling cabinet, malamang.

Saktong pagbukas ko ng pitaka ko ang pagtunog ng uwak sa utak ko dahil sa nakikitang pera ko. Iisang daan na lang! Sa mahal ng bilihin dito sa Manila! Nako naman!

Napailing ako bago tumayo at naghanda para lumabas ng maliit na silid na ito. Humarap muna ako sa salamin upang tingnan ang sarili, nakasuot ako ng isang asul na tshirt na aabot sa gitnang hita ko at kulay beige na short.

Pagkalabas ko ng silid na kinauupahan ko ay napangiwi ako dahil sa sangsang ng amoy na sumalubong sa akin. Grabe talaga ang mga adik na nagkalat dito!

Ang lokasyon kasi ng silid ko ay sa ilalim ng isang bahay, sila ang may ari non at dati iyong budega, pinilit ko nga lang na roon ako mangupahan dahil iyon lang ang nakayanan ng budget ko.

May samentong hagdan dito at sa itaas ng hagdan ay doon nagmumula ang masangsang na amoy dahil na may posteng nakatayo roon ay iniihian ito ng mga lalaking adik o mga tambay man.

Napatakip na lang ako sa ilong ko at mabilis na umakyat ng hagdan at makalayo sa mabahong lugar na yun, nakakailang linis naman na ako ron ay talaga namang ang kukulit nila.

Maaga pa at hindi masakit sa balat ang sikat ng araw, nakikita ko rin ang mga batang naglalaro na agad. Kay dudungis agad nila.

Kaliwa't kanan ang mga taong naglalakad. May mga sasakyang dumadaan, may mga manginginom at higit sa lahat hindi mawawala ang mga marites.

"Aling Anita, paload po!" Sigaw ko sa tindahan dahil sa napaka-ingay na paligid na kinakailangan pang sumigaw para marinig ng tindera.

"Kung makasigaw ka naman, Daniel, hindi pa ako bingi hane?" Nakangiwing saad ni Aling Anita na ikinatawa ko naman.

"Pasensya na po ang iingay kasi nila Mang Ornak." Sambit ko na ikinasimangot niya habang tumitipa sa kaniyang di-keypad na cellphone.

"Hay nako, simula pagbukas ko na lang ng tindahan ay nakabungad na agad yan sila para bumili ng alak!" Iritang saad ni Aling Anita bago tumingin sa akin, "Anong ilo-load ba?" Tanong nito.

Binuklat ko muna ang pitaka ko bago nagsalita, "Yung sikwenta po." Sagot ko at napatingin naman siya sa akin.

"Iisang daan na lang iyang pera mo, bakit mas inuuna mo pa ang load kesa sa pagkain mo?" Tanong niya habang nagpipindot sa cellphone niya.

"Kailangan ko po kasi iyon para makahanap sa internet ng mga hiring na kompanya." Saad ko at napatingin sa cellphone ko nang dumating na ang load ko.

Magbabayad na sana ako nang magsalita si Aling Anita, "Huwag ka na mag-abala pa at bigay ko na sa'yong bata ka ang load na iyon, siguraduhin mong kakain ka mamayang pananghalian... Teka nag-umagahan ka na ba?" Mahabang wika niya na ikinangiti ko.

"Nako, Aling Anita, maraming salamat po! Sa tanong niyo naman po ay hindi pa dahil kailangan ko na po kasing maghanda para maglibot libot man lang diyan para makahanap kahit ng simpleng trabaho." Nakangiti kong saad sa kaniya na pinangliit ng mata niya.

"Ikaw talagang bata ka, heto ang tinapay at mag-almusal ka man lang kahit ito ng magkalaman laman ang tiyan mo! Mahirap magpagod ng gutom baka mamaya ay kung ano ang mangyari sa iyo sa daan." Pangangaral ni Aling Anita kaya di ko mapigilang hindi mapangiti ng malapad.

"Sobrang salamat po, Aling Anita!" Aniko at tinanguan niya lang.

Masaya akong umalis ng tindahan at nagtungo sa silid ko. Simula palang noong bagong dating ako rito ay si Aling Anita ang una kong napalagayan ng loob dahil na rin sa anak niyang si Renalyn, ang una kong naging kaibigan.

Hindi ko nga nakita si Renalyn kanina at mukhang maagang pumasok, college student na siya at kinukuha ang kursong Tourism dahil pangarap daw nito ang maging Flight Attendant.

Nakaramdam ako ng kaunting inggit dahil sa hindi naman ako nakatungtong ng kolehiyo dahil sa kagipitan, kung tutuusin kaya ko eh dahil pwede ako kumuha ng Student Assistant o Scholarship sa gobyerno dahil sa aking talino naman pero pinili kong maghanap na lang ng trabaho.

Pagkarating ko sa silid ko ay kinain ko agad ang tinapay na bigay ni Aling Anita habang nagtitimpla ng kape. Ito lang ang meron ako kaya madalas kape lang sa umaga ay ayos na.


"H. F. Firm Company...?" Pagbasa ko sa isang site at nagtingin pa rito.

Hiring sila ngayon at medyo nag-alangan pa ako dahil Director's Secretary ang available na position eh High School graduate lang ako.

Napa-isip ako dahil wala pa namang nakalagay na requirements, siguro ay titingnan ng kompanya ang maihahanda ng aplikante.

Nagkibit balikat na lang ako at naghanda na lang mga common requirement sa ganito katulad ng Resume. Wala tayong magagawa kung hindi ang subukan dahil wala namang mawawala sa akin.

'Sana lang ay pagbigyan ako ng kapalaran.'


______<1>______

Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें