Chapter 4

324 25 3
                                    

Ely's POV

"Sure ka na ba talaga jan?", paulit-ulit na paniniguro sa akin ni Neri. Nasa park kami ngayon, malapit lang sa Daehung University.
Maaga kasi kaming natapos sa paglilinis dahil weekend ngayon, walang mga estudyanteng palakad-lakad sa hallway kaya itong si Neri niyaya akong mamasyal-masyal muna.

At tsaka sinabi ko sa kanya ang binabalak kong huminto sa pagtatrabaho sa University dahil yun nga papanindigan ko yung sinabi kong buburahin ko na sya sa buhay ko. Totoo na talaga to.

At isa pa nakuwento ko na sa kanya ang dahilan. Nung una hindi ito makapaniwalang naging magjowa kami ni Leslie ngunit hindi rin iyon nagtagal dahil panay panunukso na ito sa akin.

"Oo, siguradong-sigurado na ako.", tugon ko habang hinihintay namin ang ice cream namin na kasalukuyang siniserve pa ni Kuyang sorbetero.

"Di ka na ba talaga mapipigilan? Kapag umalis ka wala na akong tutuksuin o kukulitin araw-araw.", parang bata nitong sambit at tila paiyak na.

"Alam mo ang oa mo. Magkikita pa rin naman tayo. Pwede mo naman akong puntahan dun sa Mezzo Bar.", alam din nya kasi ang isa ko pang pinagkaabalahan.

"Eh iba pa rin yung magkasama tayo buong araw noh.",

"Ito na po mga, Ma'am.", sambit ni Kuyang sorbetero sabay abot ng ice cream sa amin.

"Salamat po, Kuya", pagpapasalamat namin kay Kuya saka umalis at naglakad-lakad sa loob ng park hanggang sa may nakita kaming bench kaya umupo kami doon.

"Pero Ely, di mo pa nagkukuwento sa akin kung paano kayo nagkakilala ni Ma'am Leslie. Diba taga probinsya ka at tsaka si Ma'am taga syudad. San kayo nagkakilala?", biglang tanong nito pagkaupo namin.

"Nagkakilala kami dahil sa Nanay ko.", dumila muna ako sa ice cream saka nagpatuloy sa pagsasalita.
"Nanilbihan sa mahabang panahon si Nanay sa pamilya nya. Bata palang ako nung iniiwan nya ako sa ante ko dun sa probinsya hanggang sa inatake sya sa puso doon kaya nakiusap ako sa kanya na tumigil na sa pagtatrabaho dahil nakakasama lang sa kalusugan nya. Kaya ayun sinunod naman nya ako at ilang taon ang lumipas nang may bumisita sa amin. Si Leslie. Yung pagbisita nya, naging bakasyon at dun nagsimula ang lahat.",

"Woah, so sino ang unang nainlove sa inyo?", dahil sa tanong nyang iyon ay naalala ko tuloy kung paano sya diring-diri sa pamumuhay namin nung una. Hindi nya lang pinapakita kay Nanay since mahal na mahal nya ang nanay ko.

Eh sa halos dalawang dekada ba naman itong nakasama.

"Ako.", pag-amin ko pa. Wala namang dapat itago dahil totoo naman talaga. Ako yung unang nahulog sa kanya sa kabila nang pagiging maarte, maldita, mapanakit pero di nyo alam may tinatago syang attitude na hindi nyo paniniwalaan.

Sa tindig at awra palang nya ay alam mo ng mayaman at reyna kung ituring ngunit kung makikilala nyo sa ng husto, masasabi mong may kasimplehan pala sya sa buhay. Maarte sya, oo pero madali naman syang makaadjust lalo na nung tumira sya sa probinsya namin.

"Uy, confident na confident ha. Mahal mo pa?", tukso pa nito sa akin.

Binalewala ko ang sinabi nya sa halip ay nagpatuloy na lamang sa pagkain ng ice cream.

Ayoko ng sagutin iyon dahil babalik lang yung sakit pag nagkataon.
Pero aaminin kong mahal ko pa pero ayoko na.
Ayoko ng balikan lalo na't magkakapamilya na sya kasama ang asawa nya.

Alam kong naramdaman iyon ni Neri kaya nanahimik nalang ito saka ibinaling ang atensyon sa ice cream.

"Pasensya na, Ely ha. Nakalimutan kong may pinagdadaanan ka pala.", biglang sambit nito habang nakatingin sa ice cream nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her Bittersweet Effect (GxG)Where stories live. Discover now