Chapter 1

565 30 4
                                    

Ely's POV

"Ely, tigil mo muna yan, meryenda ka muna o.", yaya sa akin ni Neri sabay abot ng nakasupot na tinapay sa akin. Iniabot ko naman iyon saka inihinto ang ginagawa kong pagmomop sa isa sa classroom rito sa Unibersidad na tinatrabahuan ko dito sa Maynila.
Napagdesisyonan kong punarito sa malawak na syudad na ito dahil hindi talaga sumasapat ang kita doon sa bukid kaya naghanap ng pwedeng mapapasukan dito.
Hindi rin naman mahirap sa akin na makapasok sa trabaho dahil may Ante akong matagal ng nandidito.
Nirecommend nya itong pagiging janitor dito sa sikat na University ng Maynila kaya hindi na ako nagdalawang isip na lumuwas. Ayos rin naman ang sahod, mas malaki kaysa dun sa kinikita ko sa bukid kaya aayaw pa ba ako.

"Salamat po", tugon ko na ikinabuntong-hininga ng kasama ko na para bang hindi nya nagustuhan ang naging tugon ko.

"Ely, naman eh.",

"Bakit?", sabay sandal ko ng mop sa pader ng classroom saka umupo sa arm chair ng upuan rito.

"Diba sabi ko sayo, wag ka ng mag-po kasi halos magkasing-edad na rin naman tayo eh. Ikaw talaga",

"Pasensya na. Mukha ka na kasing manang sa itsura mo eh. San ka ba nanggaling at ang gulo-gulo ng buhok mo?", tanong ko saka kumagat sa bigay nyang tinapay.
Si Neri ay isa sa kasama kong janitress dito sa University. Isang linggo palang kaming nagsama ay parang isang dekada na kaming magkaibigan.
Bilang isang baguhan rito sa malawak na syudad na ito ay syempre sya itong nagsimulang nag-approach sa akin.
Agad rin naman kaming nagkasundo dahil may mga pagkakapareho kami ng ugali lalo na sa pagiging madaldal at mahilig magpatawa minsan.

Napakunot-noo naman ako sa naging reaksyon nito sa tanong ko.

Ano bang kangiti-ngiti sa tinanong kong yun?
At parang kinikilig pa ang gaga.

"Ay, secret lang yun. Confidential.", sambit nito habang nakangiti pa rin na para bang may inaalalang pangyayari kanina.

Pero hindi ako ganun ka-inosente para hindi yun magets.

"Uy, alam ko ang ngiting yan, pag ikaw nahuli ng nakatataas na may kalampungang estudyante, talagang yari ka pag nagkataon.",

"Ely, ang batas lang sa unibersidad ay no ProfessorXstudent relationship kaya safe ang JanitressxStudent relationship, ano ka ba.", napailing-iling nalang ako sa naging tugon nito.

"Sige, ikaw bahala. Desisyon mo yan eh.",

"At tsaka sabi mo sa akin diba na single ka, malay mo dito mo na mahahanap ang panghabang-buhay mo. Dalawa lang ang pagpipilian, propesor at estudyante. Mamili ka lang.",

"Alam mo, nandito ako para makapag-ipon hindi maghanap ng jowa o makipaglandian sa kung sino-sino.",

"Aysus, narinig ko na yan. Ganyan din ang sinabi ng kasama ko rito dati. Pero anong nangyari, natsugug ng isa sa propesor rito at isa na silang masayang pamilya ngayon kaya sinasabi ko sayo, kakainin mo rin ang mga salitang yan balang araw.",

"Maglinis ka na nga dun. Andami mong sinasabi eh.", pagtataboy ko sa kanya kaya napangisi naman ito halatang inaasar ako.

"Manifesting, magkakajowa ka dito sa Dae Hung University!", sambit nito habang papalabas ng classroom dala-dala ang mop nya. Napailing-iling na lang ako sa kakulitan ng babaeng yun.

Wala naman talaga akong balak makipagrelasyon muna sa ngayon. Hindi naman sa binabawalan ko ang sarili kong umibig muli  kundi gusto ko lang umiwas sa posibleng mangyari o maging kahihinatnan ng relasyon pag nagkataon.
Gusto ko munang iiwas ang sarili ko sa sakit.
Kotang-kota na eh.

Tsaka na siguro ako papasok sa isang relasyon kapag buong-buo na ulit ang puso ko. Kapag totally handa na ako.
At tsaka pinangako ko sa sarili ko na kapag nagmahal ako ulit ay sya na.
Sya na ang papakasalan ko at panghabang-buhay ko.

Her Bittersweet Effect (GxG)Where stories live. Discover now