Chapter 3

491 29 2
                                    

Ely's POV

Habang sakay ako sa traysikel pauwi  ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kanina sa opisina ni Leslie.

Para akong timang rito na pangiti-ngiti, di alintana si Manong driver na kanina pa ata ako napapansing mukhang baliw na.

Dahil sa pag-uusap na yun ay tila naging maluwag ang pakiramdam ko sa isiping gusto nyang makipagkaibigan sa akin. Maski ako gusto ko rin naman syang maging kaibigan man lang. Wala namang masama dun sa halip ay mabuti nga yun dahil hindi na magiging mahirap sa amin ang harapin ang isat-isa sa tuwing magkikita o magkakasalubong kami.

Para akong nabunutan ng tinik. Alam nyo yun?

"Ma'am!", nabalik ako sa ulirat dahil sa pagsigaw ni Kuyang driver kaya napalingon ako sa kanya.

"Po? Bakit po, Kuya?", napakamot ito sa kanyang ulo tila ba isang kabobohan ang tanong klng iyon.

"Diba sabi nyo po Almanac Building, andito na po tayo, Maam.", lumingon-lingon ako sa paligid at napagtantong nandito na nga ako kaya ako naman ang napakamot.

Tulala pa kasi, Ely.

"Ah hehe p-pasensya na po, Kuya. Ito po bayad ko po.", paghingi ko ng paumanhin saka inabot sa kanya ang bente-singko.

"Sige, salamat hija.", sabi nito at pagkatapos ay bumaba na rin ako.

Papasok na sana ako sa apartment nang may biglang humintong magarang kotse sa tapat ko kaya napahinto ako.

Iniisip kong baka kamag-anak ito ni Madam Suzy, ang may-ari ng mga inuupahanang apartments dito ngunit sa paglabas nito sa sasakyan ay bumungad sa akin ang taong hindi ko inaasahan.

"Hi, Ely right?", bungad nito nang nasa tapat nya sa akin. Bilang tugon ay tumango ako at may pagtataka pa rin sa mukha kung anong ginagawa nya rito.

"A-anong ginagawa mo rito? May sadya ka ba?", ngumiti ito ng pagkatamis-tamis saka may inabot na isang supot sa akin.

"Here. I just want to return your jacket. Thank you for accompanying me that night. I really appreciate it.", saad nito na nagpalaki ng mata ko.

Jusko, pumunta lang sya rito para isauli ang jacket ko?

At tsaka pano nya nalaman ang address ko?

"Naku po, naglaan ka pa po talaga ng oras para isauli tong jacket eh mumurahin lang naman to eh. Pwedeng-pwede nyong gawing basahan pag ginusto nyo.", sabi ko pagkatapos kong tinanggap ang supot.

"Ang harsh mo naman sa jacket", sambit nito na para bang nasasaktan ito para sa jacket.

Natawa naman ako ng mahina.

"Totoo naman kasi po, naabala ka pa tuloy ng jacket ko.", napatawa naman ito ng mahina.

"Actually, ang sadya ko rito ay pumunta ng palengke but I saw you na bumaba ng tricycle so I decided to return your jacket since I put it on my car after I washed it.",

Woah, sobrang nakakahiya. Isang mayaman at magandang nilalang ay nilabhan ang jacket ng isang dukha lamang.
At tsaka hindi ko aakalaing pumupunta ito ng palengke eh wala sa itsura, pananamit at tindig eh.

Nakakamangha.

Parang kapatid lang nya.

Hindi mo maiisip na kaya nyang gawin ang mga bagay na ginagawa at nakasanayan ng mga nasa mababang estado ng lipunan.

Magkapatid nga sila.

"Ahm, that's it. Nice to meet you again, Ely.",

"Nice to meet you din po.", kunot-noo naman itong tumingin sa akin.

Her Bittersweet Effect (GxG)Where stories live. Discover now