Chapter 2

479 31 5
                                    

Ely's POV

"Hoy, ang lalim ng iniisip mo ah. Care to share?", sabat ni Neri na basta-basta nalang sumusulpot sa harap ko.

Kasalukuyan akong naglilinis sa hallway ng University pero natigil iyon nang inistorbo ako ni Neri.

Napansin din pala nya ang pagiging wala ko sa sarili ngayon.

"Wala...puyat lang", rason ko dito na totoo din naman. Ngunit may isa pang dahilan kung bakit wala ako sa sarili ngayon.

Naalala ko yung kagabi. Simula nung magdesisyon akong makipagsapalaran dito sa Maynila ay inaasahan ko ng pwedeng magkrus ang landas naming dalawa ngunit hindi ko naman inakalang ganito kabilis. Hindi ako nakapaghanda kaya nagmukha akong ewan kagabi sa harap nya. Kung ano-ano nalang ang pinagsasabi ko.

Mahigit limang buwan na rin ang nakakaraan simula nung napagdesisyonan nyang iwan ako.
Aaminin kong masakit pa rin ang ginawa nyang pang-iiwan at hindi pagpili sa akin ngunit paunti-unti ko na iyong binabaon sa limot.

Gusto ko ng kumawala sa sakit pero nang dahil sa unexpected na pagkikitang iyon ay nanumbalik lahat hindi lamang yung sakit na idinulot nya sa akin kundi pati na rin yung mga panahong magkasama kaming masaya.

Minsan naisip ko na sana hindi nalang kami pinagtagpo pa ng tadhana kung hindi rin naman ako ang pipiliin hanggang sa dulo.
Ang sarap bumalik sa panahong wala pa sya sa buhay ko.

Bakit ba kasi ang liit-liit ng mundo?

Bakit sa dinami-dami ng pwedeng maging amo noon ni Nanay, bakit sa pamilyang Zamora pa?

Kung hindi lang sana nanilbihan si Nanay sa pamilya nya ay hindi sana kami magkikita. Wala sanang mabubuong relasyon sa pagitan namin.

Wala sanang kami.

Hindi sana ako nasaktan.

Kaya kagabi, pinipilit kong maging matapang sa harap nya kahit hinang-hina na ako sa loob ko.

Flashback.....

"Thank you for helping me with my sister.", basag nito sa katahimikan pagkatapos kong maihiga si Olivia sa kama nito dito sa penthouse nya.
Sumama ako dahil humingi ng pabor ang kapatid nito na tulungan syang iuwi ang ate nya.
Gusto kong tumanggi kaso naalala ko ang sinabi ni Olivia kanina na nagdadalang-tao ito kaya umoo ako para hindi sya mahirapan.

Simple lang naman tumugon ng 'walang anuman' pero lintik na bibig ito. Ayaw magsalita.
At dahil dun ay yumuko na lamang ako na sana hindi ko nalang pala ginawa.

Tanggap ko na namang kasal na sya kaso yung makita ng harap-harapan ang daliri nitong may nakakabit na singsing ay sumisikip ang dibdib ko.

Ang sakit-sakit pa rin.

Nagsimula na ring mamasa ang aking mga mata ngunit pinipigilan kong tumulo ito ng tuluyan.

Iniangat ko ulit ang ulo ko at tiningnan sya sa mata. Kunwari, hindi ako naaapektuhan sa mga titig nya na kahit ang totoo ay lunod na lunod ako sa mga yan.

"Walang anuman..", sa wakas nakapagsalita rin ako saka ngumiti ng kaunti. Ngiting puno ng sakit at kirot.

"Ahm, sige, alis na ako.", akma ko na sanang ihahakbang ang aking mga paa nang magsalita ito ulit.

"Ely, wait...", pigil nito sa akin kaya huminto ako at nilingon ito. Kita ko ang seryoso nyang mukha. Ang maamo at walang kakupas-kupas nyang ganda. Hinihintay ko itong magpatuloy sa kanyang sasabihin na mukhang kanina pa nya atang gustong masabi.

Her Bittersweet Effect (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon