Prologue

957 31 2
                                    


"Buo na ba talaga ang desisyon mo?",

"Hindi na ba talaga kita mapipigilan?", garalgal at durog na durog kong mga tanong sa kanya. Mga katanungang inaasahan ko na ngunit hindi ko aakalaing ganito pala kaaga mangyayari.
Parang sinasaksak ng paulit-ulit ang puso ko. Nahihirapan na akong huminga sa sobrang sikip na nararamdaman.

Ang sakit lang isiping ibinigay mo ang lahat sa kanya, ginawa mo ang lahat maging maayos at komportable sya ngunit ganito ang isinukli nya sa akin.

Pagkatapos nya akong paibigin ay ngayon ay itatapon at iiwan nya lang ako basta-basta.

Pagkatapos nya akong bigyan ng saya sa puso ay ngayon sugat naman ang isinunod nya.

Pagkatapos nya akong lunurin ng presensya nya ay ngayon ay nilulunod ako ng pagkalumo.

Ang sakit-sakit.

Ang sakit-sakit hindi piliin.

"I'm sorry, Ely.......",

"I'm sorry for hurting you right now...",

Mas lalo lang umagos ang mga luha ko sa narinig.

Mas lalo lang akong nakaramdam ng pangliliit sa sarili.

Mas lalo ko lang kinamumuhian ang sarili ko. Dahil di ko sya kayang ipaglaban. Wala akong sapat na kakayanan. Wala akong maipagmamalaki sa kanya at sa pamilya nya.

Ganito lang ako eh. Isang probinsyanang magsasaka. Kahit anong gawing kayod ay hindi pa rin umaasenso.

Kaya sino ba namang tao ang magmamahal sa akin ng tunay?

Sino ba namang tao ang kaya akong piliin?

Kahit na hindi maganda ang nararamdaman ko ay nagawa ko pa ring tumayo sa harap nya saka pinunasan ang mga luha kong walang tigil sa pag-agos.

Ayokong maging mahina sa harap nya.

"Yan lang ba ang pinunta mo rito? Dahil kung wala ka ng sasabihin pa ay pwede ka ng makakaalis.", ang daya nitong puso ko dahil hindi ko kayang magalit sa kanya. Sa halip ay nalulunod na naman ako sa gandang taglay nya. Yung maaliwalas nyang mukha at ang mahahabang buhok nyang nakalugay na paalon-alon dahil sa hangin na runaragasa sa kinaroroonan namin.

"Ely, I'm sorry. Believe me or not, I do love you. I once loved you but-----",

"Pero ganito lang ako.", inunahan ko na sya dahil pag sa kanya pa manggagaling ay siguradong masakit.

"No, Ely", inabot nya ang isang kamay ko at sinakop sa mga palad nito habang ako ay hindi makatingin sa kanya dahil kapag ginawa ko iyon ay lalambot na naman ang puso ko at magsanhi pa yun ng pagmamakaawa sa kanya.

Ayokong gawin yun.

Ayokong piliin ako dahil sa awa.

"It's not about that. I loved you of who you are but I'm already committed with someone before you came into my life. Ely, I didn't expect to love you and it was wrong since I'm with someone else already. ", nakayuko lang ako habang sinasambit nya ang mga katagang mas lalong nagpapadurog sa puso ko.
Pinapanood ko na lamang bawat patak ng luha ko na nahuhulog sa lupa.

"I'm getting married, Ely. It's the reality that we can't escape but to pureheartedly accept it and move forward.", pinapakinggan ko lang syang nagsasalita dahil hindi ko na kayang magsalita pa.

Nanghihina na ako sa mga binibitawan nyang salita.

Ngunit ang sumunod pa nyang sinabi ang nakapagpahina at nakapagpatusok pa sa akin lalo. Na sana naging bingi nalang ako.

"I'm choosing him, Ely....",

_______

"Nak, ilang linggo ka ng hindi kumakain, tulala at walang imik. Nag-aalala na ako sayo, nak. Baka magkasakit ka. Tanging ikaw na nga lang itong meron ako tapos nagkakaganito ka pa.", pag-aalo sa akin ni Nanay rito sa kwarto ko. Nandito ako nakatingin sa kawalan mula sa bintana ng kwarto ko.

Her Bittersweet Effect (GxG)Where stories live. Discover now