Huminto yung taxi sa harap ko kaya pumasok na ako, nagulat nalang nang pumasok din si Dean at umupo sa tabi ko

"Bakit ka nandito?!" tanong ko sakanya

"Kaibigan ko yung driver" sagot nya

Lumingon samin yung driver

"Oh! Dean! Nandito ka pala, hahah! Kasama mo?" tanong ng lalaki sakanya

"Oo, amo ko" sagot ni Dean

"Talaga?! Sya si Jema?"

"Oo" sagot ni Dean

Tumingin sakin yung Driver

"Hi Mam Jema, ako nga pala si Tots, kaibigan ni Dean, heheheh!" pakilala nya sakin

"Pwede bang mag drive ka nalang?!" pagsusungit ko sakanya

Tumingin sya kay Dean sabay...

"Hahahahahahaha! Legit nga Dean! masungit nga! Hahahahahaha!" sabi nya habang tumatawa

Kunot noo akong tumingin kay Dean

"Anong alam ng lalaking to tungkol sakin?!"

Napanguso si Dean

"W-Wala, sinabi ko lang yung naging trato mo sakin" sagot nya

Aba!

"Saan po pala tayo Mam? Hehehe!" tanong ni Tots

"Dalhin mo nalang ako sa bar! Gusto kong uminom! Gusto kong nagpakalasing!" sagot ko

"Oka---"

"Uuwi na sya" sabi ni Dean kaya tumingin ulit ako sakanya

"Hoy! Ang sabi ko iinom ako!"

"Uuwi kana Jema" sabi nya

"Wag mo nga akong pakialaman! Gusto kong uminom!"

Tumingin sakin si Dean

"Tapos? Malalasing ka nanaman? Hindi ka nanaman makakauwi ng maayos? Hindi mo kasama yung mga kaibigan mo Jema, walang mag-aasikaso at magbabantay sayo kaya umuwi ka nalang!" sabi nya

"Kaya nga ako iinom kasi gusto kong magpakalasing, ano ba?!" sigaw ko pagkatapos tumingin ako kay Tots, "Dalhin mo ako sa bar!" utos ko sakanya

"Concern lang ako sayo Jema... umuwi ka nalang!" sabi ni Dean

"Gusto ko ngang uminom! Ano bang mahirap intindihin don?! Saka ayaw kong pinapakealaman ako! Hayaan mo nga ako!" sigaw ko ulit sakanya

Tumingin uli ako sa driver

"Ano?! Dadalhin mo ba ako sa bar o bababa ako?!"

"W-Wait lang, may itetext lang po ako" sabi ni Tots

Napansin kong hawak din ni Dean yung phone nya at halatang may kachat sya

Nakakainis naman eh! Bakit ba kasi ito pa yung nasakyan ko?!

Maya-maya

"Okay na, aalis na tayo!" sabi ni Tots

Hays! Mabuti naman!

Sumandal ako sa upuan pagkatapos tumingin ako sa labas

Habang nasa byahe kami naalala ko nanaman yung nakita ko kanina kaya nakagat ko yung labi ko

Ilang minuto pa yung lumipas pero nasa daan parin kami

"Matagal pa ba tayo??" tanong ko sa driver

"Malapit na po mam" sagot nya sakin

Ang tagal!

Maya-maya...

"Nandito na tayo!" sabi ng driver

For The First TimeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt