chapter 22

26 0 0
                                    

Chapter 22

Still Dianne//

Tahimik lang ako nakasakay sa kotse ni luthor ganun rin siya. Simula kanina ay wala ng nagsalita pa saamin.

Pasulyap lang ako sa kaniya.  May nasabi ba akong mali? Wala naman di ba.  Bigla kasi nagbago ang mood niya. Matalim itong nakatingin sa daan habang nagmamaneho.

"Galit ka ba?" Di ko mapigilan na maitanong iyon.

Wala akong natanggap na sagot galing sa kaniya. Galit siya. Bakit siya galit?

"May nasabi ba ako na di mo nagustuhan?" Tanong ko ulit. Para akong kumausap ng hangin.

"Sana pinasundo mo nalang ako kay manong. Naabala pa Kita" wala sa sarili ko nasabi.

Nagulat pa ako ng biglaang pagpreno nito. Buti nalang walang kasunod na sasakyan.

Kita ko ang mabilis niyang paghinga na parang may pinipigilan. He looked at me.

"Ang hirap pigilin."  Nahihirapan niyang sabi. Anong mahirap? Naiihi ba siya?

"Anong pinagsasabi mo?"

"Alam kong mali itong naramdaman ko para saiyo pero ang hirap." Bumilis ang tibok Ng puso ko. "Ang hirap pigilin ito." Sabay turo kung saan ang puso niya.

Walang lumabas sa aking bibig. Para akong napipi sa aking narinig.

Hinaplos nito ang pisngi ko. Ang isa niyang kamay ay hawak ang kamay ko inigaya sa Kaniyang dibdib.

Sobrang lakas ng tibok ng puso niya.

"Ramdam mo ba. Ganito kabilis ang tibok ng puso ko tuwing kasama kita at ganito rin kabilis nang una kitang makita sa airport"

Sa airport?

"Bata pa tayo nun. Kaya di mo na maalala"

(Flashback)

Hindi ko mahanap sila mommy.  Umiiyak ako habang nakaupo sa gitna ng airport. Napatingin na saakin ang mga tao na may dalang luggage.

Huhuhu. Where are you mommy?

"Hey little girl. Why are you crying?" Lumapit saakin ang matabang babae. Balak sana niyang hawakan ako ng tumakbo ako sa takot.

Napatingin na saakin ang mga dumadaan. May humarang pa para patigilin ako sa pagtakbo pero lumusot lang ako. Nang mayron akong nabanggaan sanhi ng pagkaupo ko sa sahig.

"Are you blind!" Bulyaw ng isang batang lalaki saakin tinignan niya ako ng masama.

Tumingala ako at tinignan siya.

"Hindi." Sagot ko.

"TSS." Lalagpasan niya sana ako ng hinawakan ko ang dulo ng short niya dahilan ng pagkahubad nito.  Narinig ko ang tawanan at hagighikan na dumadaan.

"What are you doing!" Galit nitong Sabi habang mabils na itinaas ang pagkahubad ng kaniyang short.

Napahiya siya sa ginawa ko dahil nakatingin na kase saamin ang mga tao habang natatawa pa. Napatingin ako sa kaniya na namumula sa kahihiyan. Di ko naman iyon sadya gusto ko lang tumayo. Nahirapan kase ako sa pagtayo dahil sa pagkaupo ko sa sahig.

"Sorry." Sabay peace sign.

"Magkapatid ba sila?"
"Ang kyut nila."
"Nakakatawa silang tignan" komento ng nanonood saamin.

Lumakad siya paalis agad akong tumayo at sumunod sa kaniya.

"Sabi ko. Sorry na" ako. Hindi niya ako pinansin. "Hoyy. Galit ka ba?" Kinalabit ko pa siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Step Brother ObsessionWhere stories live. Discover now