chapter 8

43 1 0
                                    

Dianne POV///

Tulala ako sa buong klase. Buti nalang hindi ako napansin ng prof. Iniisip ko parin ang sinabi ni Luthor.

Flashbacks//

"Don't tell anyone that I'm your step brother"

Bigla akong napatingin sa kanya ng sabihin nya Yun.

"Bakit ayaw mo malaman nila na step sister mo ko" mahinang tanong ko sa kanya.

Hindi sya nag salita nag itanong ko yun.

"Kahit hindi ko sabihin, malalaman at malalaman pa rin nila" dagdag ko.

"I know" tipid na sabi nya.

"Ehh, alam mo pala e, ayaw mo ba akong maging step sister" lakas loob kong tanong sa kanya.

"Yes" diretsahang sagot nya. Lumakad sya papalapit sa akin. Aatras na sana ako ng hawakan nya ang bewang ko. Ang mga kamay ko ay nasa makisig nyang dibdib. Dahil siguro sa gulat hindi ko namalayan na ang lapit na pala ng mga mukha namin. Nilapit nya ang mukha nya sa tenga ko.

"I don't like you to be my step sister, because I like you to be my Queen" malambing nyang sabi sabay kagat sa tenga ko. Tinulak ko sya at masamang tinignan.

"Baliw"  I said before walking away from him.

"Yes baby! I'm crazy over you" narinig ko pang sabi nya bago humalakhak. Baliw na sya, baliw na ssg president nyo.

End of flashbacks.

Uwian na at inayos ko na Ang aking gamit. Lumapit agad sa akin si Sundae.

"Sabay na tayo" yaya nya, tumango nalang ako.

Naglalakad na kami sa hallway. Marami na rin mga estudyante na sa tingin ko ay papauwi na rin.

"Dianne, saan pala kayo nagpunta ni press kanina" tanong nya saakin. Napahinto ako saglit at tinignan sya.

"Ahm! Sa garden" tipid na sagot ko.

"Anong ginagawa nyo don" kuryosong tanong nya. Hindi ko alam na may lahi rin tong marites. Charrot lang.

"May sinabi lang sya saakin" sagot ko at patuloy sa paglakad sumabay narin sya.

"Ano bang relasyon nyo ni press" tanong nya ulit, reporter siguro pangarap nito.

"Sundae, reporter ba gusto mong profession? " Pag iiba ko sa usapan sakanya. Nagtataka Naman nya akong tinignan.

"Hindi no! Pangarap kong maging designer" sagot nya." bakit mo na  tanong" dagdag nya.

"Mahilig ka kasing mag tanong"

"Grabe ka! Teka, iniba mo lang yung usapan ehh" nakabusangot na sabi nya. Mahina akong natawa. Palabas na kami ng gate.

"Nandito na yung sundo ko, sige mauna naako, see you tomorrow Dianne" paalam nya saakin at kumaway.

Umalis na ang sasakyan ni Sundae. Nakatayo lang ako sa labas ng gate, naghihintay ng masasakyan. Ayaw kong sumabay kay Luthor dahil hindi ko parin nakakalimutan kanina sa garden.

Marami nang umuwi mga estudyante at iilan rin ay nakatingin sa pwesto ko.

Biglang may huminto na sasakyan sa gilid ko. Nilingon ko kung sino, Maya maya lumabas si Luthor. Lumapit sya saakin.

"Sumakay kana" nakatingin at walang emosyon nyang sabi. Tumingin ako sa mukha nya, halata sa kanya ang pagod pero enfairness ang gwapo parin nya at ang ho-- ano ba yang iniisip ko.

Nabalik ako sa ulirat na magsalita sya.

"I know, I'm handsome baka  pinagnanasaan mo na ko sa isip mo" nakangising sabi nya.

My Step Brother ObsessionWhere stories live. Discover now