chapter 3

55 2 0
                                    

Dianne POV

Nagising ako ng 1:00 ng madaling araw dahil nauuhaw ako. Bumangon ako at pumunta sa kusina. Pagkarating ko dun binuksan ko ang ref at kumuha ng tubig. hindi ko na binuksan ang ilaw ng kusina.

Babalik na sana ako sa kwarto ay ganon nalang ang gulat ko ng biglang makita ko si kuya luthor na nakatayo sa pintuan ng kusina.

Nakatingin sya saakin. Nagkatitigan kami ako na Ang unang umiwas dahil Hindi ko makayanan Ang mga titig nya. Naglakad ako palapit pero hindi parin sya umaalis sa pagkakaharang sa pintuan."padaan"

"Uhuh" tumingala ako tinignan nya ako ng seryoso naghurumentado Ang sistema ko dahil dun.

"Excuse me! Dadaan ako" Sabi ko ulit pero hindi parin sya nakinig nakaharang parin sya sa may pinto. Imbes na umalis tinignan lang niya ako ng seryoso at naglakad palapit sa akin.umatras ako hindi ko namalayan na wala naako  maatrasan.

Ang lapit ng mukha namin sa isat isa.kahit kinakabahan ay pilit Kung pinapakalma ang sarili ko.

"What are you doing" pinilit ko parin kumalma kahit sa kalooblooban ko ay gusto ko nalang tumakbo pero hindi ko magawa dahil sa kaba. Napalunok sa lapit ng mukha namin .Is he going to kiss me?!

I panicked when he moved his face closer. Pumikit ako.

"Tabi!" Cold na sabi nya. Napamulat ako

"H–huh!" Nagtatakang kung sabi. malamig nya akong tinignan. May kinuha sya sa likod ko, nakaharang pala ako sa lagayan ng mga baso. Napayuko ako sa hiya I heard him chuckle kaya lalo akong napahiya. Mabilis akong umalis sa lugar na iyon, alam Kong pulang pula na ako.

Pagkarating ko sa room ay dali dali ko itong sinarado at humiga sinasampal sampal ko pa ang pisngi ko sa kahihiyan.

"Nakakahiya ka Dianne! O my god! What if i see him tomorrow! Sira ka Dianne magkikita talaga kayo dahil bahay nila to."  Kausap ko sa aking sarili para akong baliw dito.
8:00 na ako nagising dahil matagal akong nakabalik nakatulog kagabi dahil iniisip ko parin Ang nangyari kagabi.

May kumatok sa may pintuan. Tinignan ko pa si rence na mahimbing na natutulog bago bumangon. lumapit ako sa pintuan, binuksan ko ang pintuan na sana hindi ko ginawa.

Si luthor walang makikitang emosyon na nakatingin sa akin.

I can see his face clearly.

He has this perfect deep set of golden brown eyes. He also has this thick eyebrows. Ang mahabang pilik mata nya at matangos na ilong. Every corner of his face screams perfection. He's look like Greek god.bumaba ang mga mata ko sa labi nya. His kissable red lips niya ang sarap hal-- ay erase erase magiging kapatid mo yan dianne kaya  eerase mo yang nasa isip mo.

"Done with your observation?"He asked kaya agad akung umiwas ng tingin. Hindi ko namalayan na natagalan na pala ang pag titig ko sakanya. Nadagdagan Ang kahihiyan na ginawa ko.

"W-what a-are you doing h-here? May kai-langan ka- ba" kandautal utal kong tanong. Pumikit pa ko dahil dun.

"The breakfast is ready and just wake up my brother " umalis na sya na walang pasabi. Bastos na lalaki.

Sinarado ko Ang pintuan pumunta ako sa kama para gisingin si baby rence.

"Baby rence wake up na " malambing kung gising sa kanya. Pero hindi parin sya nagising. Kiniliti ko sya Kaya ayon dali dali syang bumangon nakanguso syang tumingin saakin.

*******
Kinarga ko si rence. Pagkarating ko sa dinning room ay nakita ko sila hinihintay yata kami.

"Good morning Mom and Tito" bati ko sa kanila mom sabay halik sa pisngi.
"good morning din sweetie/ija and baby rence" sabay na bati nila mom and Tito.
"Good morning Raine and kuya " bati ko rin sakanila. Mag kukuya ako kay kuya luthor dahil mas matanda sya saakin ng 3 years. Seryoso lang sya kumakain.
"Good morning " tipid na bati ni Raine at pinagpatuloy Ang pag kain.
Bumati narin si rence sa kanila.

Umupo nako. magkatabi kami ni rence at magkaharap kami ni kuya luthor na seryosong kumakain.

Don't forget to vote🤭

My Step Brother ObsessionWhere stories live. Discover now