chapter 17

17 1 0
                                    

Charlotte POV//

Kasama ko ngayon ang ibang ssg officer. Nandito kami sa ssg office hinintay si press dahil mag memeeting kami para sa upcoming na Aquintance.

Naiingayan nako sa tatlong kasamahan namin na sina matthew, Gaven at Luhan. Nagbabangayan sila kung sino ang pinaka gwapo sa kanilang tatlo.

Mga ingot. Ehh pareho naman silang panget.

"Pwede ba! Tumahimik na kayong tatlo ang ingay ingay nyo" sita sa kanila ni Hyacinth. "At hindi kayo gwapo, wag kayong feeling dahil pareho kayong mukhang onggoy "

Hindi ko na napigilan ang tawa ko kaya ganon din ang ibang ssg natawa narin.

"Hoyy Hyacinth! Grabe ka ha! Hindi mo lang maamin na gwapo ako sa kanila" mahangin na saad nitong Matthew the playboy. Joke!!!

"Saan? Saan banda? Hindi ko makita ehh" sarcastic na tanong ni Hyacinth. Kaya na busangot naman si Matthew.

Umiling iling nalang ako sa kanila. Tinignan ko ang katabi ko na si Timothy na ang atensyon ay nasa phone nya. Kanina pa yan simula nang dumating yan dito.

Bumaling ako sa ibang direction. Nakita ko si Gia na tulala. Si Zachary na tahimik walang bago.

Nakuha ang atensyon namin sa pagpasok ni Pres. Na deretso lang sa paglalakad pagpasok sa kanyang opisina.

Ganon lang. Hindi man lang kami pinansin para bang wala kami dito. Charot lang! Wala namang bago ehh ganon lang talaga yun samin.

Tumahimik naman kami. Ang magbabangayan kanina ay sobrang tahimik para bang may dumaan na anghel.

Mga ilang sigundo ay nagsimula na naman silang mag ingay. Psh.. wala na bang peace of mind sa lugar na to.

"Gia okay ka lang? Kanina ka pa tulala" napansin siguro ni Hyacinth na subrang tahimik nya at tulala pa.

Hindi naman sya pinansin ng isa. Narinig ko naman ang mahinang tawa nang katabi ko na si Timothy.

"May kinalaman ka ba kung bakit ganyan yan si Gia" may pagdududa kong tanong sa kanya.

Bumaling naman sya sa kin.

"Wala" mabilis nyang sagot. Binigyan ko sya 'hindi ako naniniwala' look.

"Wala nga sabi. Kung ayaw mo maniwala. Edi wag" sabay iwas ng tingin.

Kukulitin ko pa sana sya ng....

BLAGG

Pumasok si Sundae na humingal pa sya na tila tumatakbo papunta rito.

"Ano ba naman yan girl! Nakakagulat ka. Gusto mo ba sirain ang door" naiiritang Sabi ni Gia. Buti nagsalita na sya. Siguro pati sya ay nagulat. Sino ba naman hindi magugulat. Halos ibalibag ang pinto.

"Sorry po... Pero.. si Dianne." Hindi pa nya natapos ang kanyang sasabihin nang may sumabat.

"What happened to her?!"

Si pres..

"Si Dianne po kase press hinarangan po sya sa grupo nila Sahara" hinihingal na sumbong ni Sundae.

Ano! That b*tch! Si Dianne na naman ang target nila.

Galit na lumabas si Press. Kaya agad kaming sumunod sa kanya. Nakita ko pa ang pagngisi ni Timothy. Kanina pa to.

Natanaw namin ang mga kumpulan ng mga estudyante. At nakita namin kung pano pinagtutulungan nila si Dianne.

"WHAT HAVE YOU DONE MS. DIZON!!!" galit na sigaw ni Press. Nakita ko pa si Dianne na nakayuko na may namumuong luha at hindi makatayo.

Agad naman kaming lumapit palapit kay Dianne. Tinignan ko pa nang masama sila Sahara na ngayon ay parang takot na tupa.

Nabigla naman kami dahil sa pagbuhat ni Press kay Dianne. Bigla naman nagbubulungan ang mga chismodyante . Chismosa na estudyante. Hahahaha. Charot lang.

"All of you! GO TO MY OFFICE NOW!!" sigaw na sabi ni press. Bago talikod sa amin habang buhat si Dianne. I smell something fishy.

Pag alis ni Press. Kami lang ang naiwan dito. Kasali kasi lahat na nandito kahit hindi kasali sa away. Kahit nakichismiss lang sa nangyari ay ililista namin.

May estudyante pa ang sisibat pero hindi sila makaalis dahil mabilis kaming mga SSG.

PAK!!

'moment of silence'

Shock! Kaming nakatingin...... Sa direksyon kung saan.

Sinampal lang naman ni Gia si Sahara.

Natahimik kaming lahat. Walang nagsasalita. Dahil sa sampal ni Gia ay napaupo si Sahara. At mukhang.......

Iiyak.

What have you also done Gia.

My Step Brother ObsessionWhere stories live. Discover now