chapter 4

43 2 0
                                    

Dianne POV

Tahimik lang kaming kumakain ng basagin ni Tito Leonardo.

"Ija! Doon ka namin paaaralin sa University na pinapasukan ni luthor" biglang sabi nya Kaya tumango ako.

"Okay po,Tito "

"Don't worry ija nandoon Naman Ang anak ko to guide you and of course your a transferi they give you the lessons na nasisimulan nilang idiscuss sa klase nila. Ngayong lunes ka papasok" Mahabang lintanya nya. Kaya tumango ako.

"For now sweetie, buy your needed in school" sabi ni mom. "Here's my card sweetie, use it."Mom handed me her credit card but I refuse.

"No mom! I have my own money to buy my needs"

"But sweetie! Please use this. iipon mo nalang yang pera mo" sabay bigay ng credit card. I have no choice to take it.

"Thanks mom" pasalamat ko sakanya.

"Your welcome sweetie" matamis na ngiti nya.

"Dada, guto ko tumama kay ate anne, pwease"(dada, gusto ko sumama Kay ate anne, please) pa cute nya .nabaling Ang atensyon nila Kay rence.

"Okay rence! Basta wag kang magpapasaway kay ate anne mo" saad ni Tito Leonardo sa anak nya.

"Yet (yes) po, behave lang po ako"masayang sabi nya.

"Raine, you want to join with them?" Tito Leonardo asked his daughter. Umiling lang Ang bata na tahimik na kumakain.

"Luthor! Son, samahan mo sila sa mall" utos ni Tito Kay luthor, tinignan pa ako ni luthor bago tumingin sa dad nya.

"Yes dad" malamig na sagot nya sabay tingin sa akin. Nagkakatigan pa kami.
Tumikhim ako, umiwas ako sa titig nya bago pinagpatuloy Ang pagkain.

I'm wearing black pants and white t shirt pinaresan ko ng white shoes. Tinali ko lang ang buhok ko, Hindi ako mahilig mag make up.

pagkababa ko ng hagdan ay nagpaalam na ako kila mom and Tito. Kinarga ko si rence. Sabi ni Tito nasa labas nadaw si luthor naghintay.

Pagkalabas ko nakita ko sya nakasandal sa kanyang sasakyan. He is wearing black t shirt. Tinignan nya kami ng makalapit nakami sa kanyang pwesto.

Sumakay na sya sa driver seat. Hindi ba nya kami pabubuksan ng pinto. tinignan nya kami.

"Why are you still there?" He asked in serious.

"Hindi mo ba kami pagbubuksan ng pinto?" Mahina kung tanong kahit nahihiya ay naglakas loob ako. Nag angat Ang gilid ng kanyang labi tapos tinignan nya ako.

" you have a hands, you can open that" sarcastic nyang sabi.napikon Naman ako sa kanyang sinabi. Binuksan ko Ang backseat pumasok na kami ni rence. tinignan ko sya na nakasilip din sa rearview mirror. Napataas Ang isa kung kilay.

"What?" Mataray kung Sabi.

"I'm not your driver kaya lumipat ka dito" seryoso nyang Sabi.

"Driver ka parin kase ikaw Ang nagmamaneho ng sasakyan" masungit na Sabi ko. Tinignan nya ako ng malamig.

"Lumipat ka dito" mariin na utos nya. hindi ko pa rin sya sinusunod. Tinignan Naman kami ni rence ng may pagtataka.

"One"
"Gayit kuya" (galit kuya) inosenteng Sabi ni rence. Tinignan ko si rence at hinaplos ang matambok nyang pisngi.

"Just ignore him baby rence" malambing kong sabi sakanya Kaya tumango sya at uminom ng gatas.

"Two" malamig na bilang nya.

"Oo na! Oo na! Lilipat na kami!"inis Kong Sabi lumipat na kami sa passenger seat pinaupo ko si rence sa kandungan ko. Tumingin ako Kay luthor na nakatingin pala saakin, i secretly rolled my eyes to him. I heard him 'tch.

Pinaandar na nya Ang kanyang sasakyan. Tahimik lang kami. Si rence naman ay nakatulog. Pagkarating namin Ipinarada na ni luthor ang kotse sa parking lot ng mall.

Ginising ko na si rence. Bumaba na kami, nauna pang bumaba sa'min si luthor. Sumunod ako at kinarga ko rence para makababa.

Ibinaba ko si rence at hinawakan ko ang kamay nya. Tumingin ako Kay luthor na nakatingin din pala saakin, na naghihintay samin . Lumakad kami papalapit sakanya.

"Tara na" Yaya ko. Kinarga nya si rence at nagsimula maglakad. hindi pa ko hinintay ng g*go. Mabilis ako sumunod sa kanya. Pagpasok namin sa mall ay halos na saamin ang atensyon lalong lalo na ang babae at mga bakla. Hindi ko naman sila masisisi ,sa gwapo ba naman ng kasama, yun nga lang parang pinaglihi sa yelo.

"Kyaaah, o my god! Ang gwapo mo luthor"
"I love you luthor"
"WAHHHH ANG HOT MO LUTHOR"
"Ang cute ng bata"
"Kung hindi pwede kay luthor, pwede sa kapatid nalang nya"
"Ang gwapo din ng kapatid nya"
"ANG GWAPOOO MOO LUTHOR"
"LUTHOR PAKASALAN MO NA AKO."
"LUTHOR IM FREE TONIGHT"

napangiwi ako sa mga sigawan nila,  nasa likod lang ako na nakasunod. Bigla silang natahimik ng makita nila ako.
"Girlfriend yata yan ni luthor"
"Bagay sila"
“Ang cute-cute niya.”
“Ang ganda kamo!”
“Mukhang syang diyosa !”
“Oh my ghad! Ang cute nya kapag nagb-blush siya.”

“Pre chixx.”
“Ganda 'tol oh!”
“Ang anghel ng buhay ko”
"Ang ganda pre"
"Ligawan ko yan"
"Kung sasagutin ka nya"

Hindi talaga mawawala ang mga negatibo at ang sama pa ng tingin saakin.

" Attention seeker"
"B*ch"
"Sl*t"
"Papansin" hindi ko yun pinansin. May mga tao talagang masama ang ugali.

Nabaling ang tingin ko kay luthor na ang sama makatingin sa mga lalaki. Si rence naman ay napatakip sa tenga nya. Nabigla ako ng hawakan ni luthor ang kamay ko at hinila ako. Karga pa nya si rence. Nakatulala lang ako na nagpahila sakanya. May binubulong pa sya na Hindi ko narinig.

Anong problema nito.

A/n: good evening:)

My Step Brother ObsessionWhere stories live. Discover now