chapter 14

18 1 0
                                    

Natigilan kami ng may nagsalita sa likuran ko.

"Tim! why are you here"

Sabay kaming bumaling sa kanya na ngayon ay malamig na nakatingin kay Timothy.

"Bawal bang bumisita sa kaibigan ko" seryosong sagot ni Timothy na may tunog pang- aasar.

"I'm not joking Timothy!" Malamig na Sabi ni Luthor.

"Mukha ba akong nagbibiro"

Matalim naman syang tinignan ni Luthor. Si Timothy naman ay natawa nang makita nya na masama na ang timpla ng kanilang press.

"Okay Easy! I'm here because I have important to tell you"

"What is it?" Tanong ni Luthor sabay tingin saakin. Umiwas naman ako ng tingin, tinuon ko nalang ang atensyon ko sa aking pagkain.

" In private"

Tumango naman si Luthor at tinignan mo na ako.

"Sabay na tayong pumunta sa hospital" Sabi nya sakin tumango naman ako sa kanya.

Umalis na sya ganon din si Timothy. Ano kaya ang importanteng pag uusapan nila.

Naalala ko pa ang sinabi ni Timothy kanina. Hindi mawala sa isip ko. Pinilig ko nalang ang ulo at nagpatuloy sa kinakain.

Mga ilang minuto narin akong naghihintay at sa wakas ay tapos na silang mag usap.

"Mauna naako sa inyo sa school. Pakikamusta mo nalang ako kay tita dianara " paalam ni Timothy nang makalapit na sila saakin. Tumango pa sya kay Luthor saka tumalikod na samin. Tinignan ko pa ang papalayong bulto nya.

"Let's go" Sabi ni Luthor saka lumakad na papunta sa kotse nya. Mabilis naman akong sumunod sakanya.

"Hindi ka pa nag breakfast" Sabi ko sakanya.

"Sa labas nalang ako kakain" tumango nalang ako sakanya.

Tahimik lang ang byahe namin. Walang sino man ang nagsalita saamin.

Simula nang mag usap sila ni Timothy ay napapansin ko na may malalim syang iniisip. Ano kaya ang pinag usapan nila.

Hanggang dumating na kami sa hospital. Lumabas sya at pinagbuksan nya ako ng pinto.

"Thanks"

Sabay kaming pumasok sa hospital. Pagkarating namin sa tapat ng silid ni mom. Kumatok mo na ako bago pumasok.

Pagpasok ko ay nadatnan ko pa silang mom na seryosong nag uusap pero agad rin silang natahimik nang pumasok ako.

Anong meron.

"Good morning sweetie at hijo" nakangiting bati ni mom ganon din si tito.

"Good morning Mom and tito" balik kong bati sa kanila. Ito namang katabi ko ay tahimik lang tanging tango lang ang tugon nya.

Lumapit ako kay mom at umupo sa gilid nya.

"Mom! May problema ba?" Nag aalalang tanung ko sa kanya. Natigilan pa sya sa tanong ko pero agad rin syang umiling sakin. Hinawakan naman nya ang mga kamay ko.

"Wala sweetie" mabilis nyang sagot.

"Are you sure mom?" Paninigurado ko sa kanya. Tumango naman sya at ngumiti sa kin pero alam kong pilit lang yung ngiting yun. Nakita ko pa ang simpleng pagsilip nya kay Tito Leonardo.

"Ahm... Sweetie, don't worry about me. Okay."

Tumango nalang ako sa kanya.

"Okay mom."

"Pumasok na kayo sweetie baka ma late pa kayo sa klase. Magkikita naman tayo ngayong hapon sa bahay"

Tinignan ko ang relo ko. Bigla kong naalala na hindi pa pala nag breakfast si Luthor.

"Sige po mom at tito"

Napansin ko na ang tahimik ni Tito ngayon ganon rin si Luthor.

My Step Brother ObsessionWhere stories live. Discover now