chapter 12

22 2 0
                                    

Dianne POV

The whole trip filled awkward. Tahimik lang ako dito at ganon din sya na seryosong nagmamaneho. Pagkatapos kong magpaalam kay mom and Tito na uuwi na kami dahil alam kong kailangan narin magpahinga ni mom.

I silently roamed my eyes outside. Iniisip ko parin ang sinabi nya sa parking lot. Hindi ko alam kung seryoso ba sya sa sinabi nya.

Gusto ko sana sya tanungin pero nahihiya ako kaya mabuti kung tumahimik nalang.

"I know you thinking what I said lately" bigla nyang sabi saakin para automatiko akong napatingin sakanya na ang paningin ay  nasa daan.

"Oo.. g-gusto ko....m-malaman kung s-seryoso ka ba sa sinabi mo" halos pabulong kong sabi.

"Yes! I'm serious for what I said lately" he seriously said.

Hindi ko alam kung ano ang maging reaksyon ko sa kanyang sinabi. Wala akong maisip na sasabihin sakanya. Literal na napaawang ang bibig ko sa narinig.

Pasimple kong hinawakan ang dibdib ko dahil bumilis ang tibok ng puso ko.

"Kahit alam kong hindi pwede" dagdag nya.

May naramdaman akong kunting kirot sa aking dibdib pero sinawalang bahala ko nalang.

"O-oo n-nga! H-hindi talaga yun pwede! m-maging s-stepsister mo naako at isa pa kay bago pa nating magkakilala tapos sasabihin mong may gusto ka sakin. Ano yon love at first sight lang" mahabang sabi ko habang pekeng tumatawa.

"We meet before"

Napahinto naman ako at tinignan sya na seryosong nakatingin na saakin.

"Nagkita na tayo noon? Saan?" Tanong ko.

Hindi naman sya sumagot.

"Nandito na tayo"

Tumingin naman ako sa labas. Di ko namalayan na nandito na pala kami. Binalingan ko naman sya.

"Hindi mo pa sinagot yong tanong ko"

Lumabas na sya sa kanyang sasakyan. kaya dali dali naman akong sumunod sa kanya.

'napakabastos hindi man lang nya ko hinintay'

Mabilis ang hakbang ko papasok sa mansion. Binati naman ako ng mga maid nang makita ako pero tanging tipid na ngiti lang ang sinukli ko.

Sinundan ko pa rin si Luthor dahil hindi pa nya sinagot ang tanong ko.

"Hey! Sagotin mo yong tanong ko kung saan tayo nagkita?"

Hindi pa rin nya ko sinagot. Paakyat na kami sa hagdan hindi parin ako tumigil sa pangungulit. Nakita ko naman sa mukha nya ang pagkairita pero binaliwala ko na yun. Ang awkward at hiya na nararamdaman ko kanina ay nawala dahil sa kuryosidad kung saan kami nakita.

Wala paring epekto.

"Hoy! Ta--" hindi natuloy ang sasabihin ko nang nauntog ako sa likod nya dahil sa biglaan nyang paghinto.

Hinarap naman nya ko gamit ang seryosong mukha.

"Hindi ko sasabihin kung saan tayo unang nagkita dahil gusto ko na ikaw mismo ang makaalam" nang sabihin na yon ay titig na titig sya sa akin.

Bakit ayaw nya pang sasabihin.

"Magpahinga ka na, maaga pa tayo bukas" nang sabihin nya yun ay agad na syang pumasok sa kanyang kwarto. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng kwarto nya.

Hindi man lang nya sinabi kong saan.

Wala na akong nagawa kundi pumunta sa kwarto ko.

My Step Brother ObsessionWhere stories live. Discover now