chapter 13

20 2 0
                                    

Dianne POV

*KRING!! KRING!! KRING!! "

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock. Bumangon na ako sa kama ko upang maligo na dahil bibisitahin ko pa si mom sa hospital.

Pagkatapos kong mag ayos sa aking sarili ay lumabas na ako sa kwarto.

Naabutan ko pa si manang na naghahanda na ng pag umagahan namin.

"Good morning manang" bati ko sa kanya. Bumaling naman sya saakin at nginitian ako.

"Magandang umaga hija, halika't kumain na"

"Segi po manang! Nga pala manang kumain na po ba kayo?" Tanong ko sakanya. Tumango naman sya sakin.

"Tapos na hija! Hija ayos ka lang ba mukhang matamlay ka. Musta na si ma'am dianara?"  Nag aalalang tanong nya sakin.

"Okay lang po ako. Kulang lang siguro ako sa tulog. Maayos naman po ang lagay ni mama ngayon araw ang labas nya"

Hindi gaano ako nakatulog kagabi dahil marami akong iniisip. Iniisip ko kase ang sinabi ni Luthor hindi ko kase maalala kong saan.

"Buti naman kong ganon! Maghahanda kami para sa kanya. Anong oras pa la sya uuwi?"

"Ngayon hapon sabi ni tito"

"Kung ganon maghahanda ako ng maraming pagkain" nakangiting sabi ni manang.

"Tutulong po ako sa inyo manang"

"Cge hija! O sya kumain ka na! Pupuntahan ko mo na sa kwarto si senorito at ang mga bata" paalam nya sa akin bago umalis.

Nagsandok lang ako ng pagkain. Narinig ko naman ang yapak na paparating dito. Hindi ko nalang pinansin at patuloy ako sa aking pagsandok.

"Good morning!"

Nabitawan ko naman ang kutsara ng marinig ko ang boses na yun.

Tinignan ko naman kong sino.

Natigilan naman. Bakit nandito sya.  Nataranta naman ako nang maalala ko ang sinabi ni Luthor sakin noon first day palang ako sa school.

'Don't tell anyone that I'm your step brother'

Hindi ko alam kong bakit ako kinabahan.

"Good morning Dianne!"

Bumalik ako sa wesyo nang magsalita ulit si Timothy. Yes! Si Timothy Alfonso ang ssg vice president.

"A-ahmm ... good morning vice press"

I heard him chuckled.

"You look nervous! Don't worry I know you are stepsister of Luthor"

"How did you know that I'm his stepsister?" Nagtatakang tanong ko sakanya.

Wala pang nakakaalam na stepsister ako ni Luthor. Si Gia lang ang nakakaalam... Pwera nalang kong sinabi nya.

"Nalaman ko lang kay Gia"

Sabi ko na nga ba eh. Sa daldal ba naman nya ay talagang ipagsabi nya. At hindi na ako nakapagtataka na alam na rin ng ibang ssg officer.

"Ako lang ang nakakaalam kung ano kayo ni press. In the first place ay nagtataka naako sa inyong dalawa because naninibago lang kase ang pakikitungo ni press sayo. He always care for you... Like he took care for her before." Mahabang dugtong nya.

Natigilan naman ako sa kanyang huling sinabi.

'like he took care for her before'

Girlfriend siguro ni Luthor ang ibig nyang sabihin.

Nang maisip ko yon ay parang may kunting kirot akong naramdaman sa aking puso. Hindi ko malaman kung ano ang ibig nitong sabihin. Pinagsawalang bahala ko nalang ito. At patuloy na nakikinig sa kanya.

"Alam ko naman hindi naman sasabihin ni press kapag nagtanong ako sakanya, kaya kay Gia nalang." Natawa pa sya nang mahina."Una ayaw pa nyang sabihin dahil magagalit si press kaya dinaan ko nalang sa charm ko. Wala talagang tatangi sa charm ko kaya ayun bumigay"

Napangiwi naman ako sa sinabi nya. Akala ko seryosong tao may itinatago palang kahanginan.

Natigilan kami ng may nagsalita sa likuran ko.

"Tim! why are you here"

My Step Brother Obsessionजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें