chapter 5

46 1 0
                                    

Dianne POV///

Dumeritso kami sa national book store. Kumuha ako ng push cart at nagsimula ng mag ikot ikot para kumuha ng mga kakailanganin ko. Si rence naman nasa kuya nya. Sumunod lang sila saakin. Pagkatapos kong bumili sa kinakailangan ko ay pumunta na kami ng counter. Ang mga babae naman ay nakatingin sa direksyon namin ang iba ang sama makatingin sa akin, tinignan ko si luthor ayon walang pake sa paligid nakatingin lang saakin habang buhat si rence na tumitingin kong saan saan. Hindi ako mapakali sa mga titig nya kaya bumaling nalang ako sa may counter.

Pagkatapos kong magbayad ay, lumabas na kami. pilit kumakawala si rence sa pagbuhat ng kuya nya.
"Rence! Just behave" seryoso nyang suway sa kanyang kapatid. Si rence naman ay mangiyak ngiyak nya akong tinignan. Naawa naman ako sa bata ay lumapit ako sakanila para kunin si rence.

"Akin na yan si rence" Sabi ko sa kanya. Kinuha ko sya sa kuya nya.

"Baby rence! Why are you crying?" Malambing kong tanong sakanya. Tinignan naman nya ako na may luha sa mata.

"Guto ko ice cream but kuya did not buy me" mangiyak ngiyak nyang sambit, tapos sumiksik sya sa leeg ko. Tinignan ko si luthor.

" Don't cry baby, I'll buy you a ice cream, what flavor do you like?" Tanong ko sa kanya. Kumikislap Ang kanyang mata na tumitingin saakin.

"I want chocolate" sambit nya. tumingin sya sa kuya nya na ang sama makatingin sa kanya agad naman sya natakot at sumiksik ulit sa leeg ko. Sinuway ko naman si luthor.

"Don't scared him" suway ko sakanya. Umirap lang sya saakin at may pabulong bulong pa syang nalalaman, kanina pa yan, simula ng pumasok kami. Hindi kaya may nakikita sya na hindi namin nakikita.

Nakauwi na kami galing sa mall. pagkatapos namin bumili ng kinakailangan ko, namasyal kami, kumain pa kami sa restaurant, at binilhan ko rin si rence ng ice cream. Yung kuya ayon hindi namin pinansin.

Saan kaya ang punta ng lalaking yun. Pagkatapos kasi namin ihatid ay nagmamadali syang umalis.Hayyy! Ang boring naman. Kanina pa ako dito nakahiga sa kama ko. Wala dito sila mom and Tito may inaasikaso. Ang mga bata, si rence nakatulog dahil sa pagod. Si Raine naman nandoon sa kwarto naglalaro sa gadget.hindi ko sya gaano ka close dahil napaka attitude ng batang yun kagaya ng kuya nya, buti hindi ganon si rence napakabibong bata at ang kulit.

Nagpadesisyonan ko na lumabas ng kwarto, hindi naman ako makatulog kaya maglibot libot nalang ako sa mansion .

*****
Huminto ako sa may hardin. Ang ganda ng paligid, madaming iba't ibang bulaklak ang nakatanim. Umupo ako sa may damuhan tinitignan ko ang mga bulaklak na iba- ibang kulay. Napakasariwa ng hangin dito ang sarap tambayan.

Nararamdaman ko na may papalapit sa pwesto ko. Pero di ko yon pinansin nakatoon parin ang atensyon ko sa mga bulaklak. Naramdaman ko nalang na nasa harap ko na sya. Tumingala ako. Isang gwapong lalaki na nasa harapan ko para syang anghel.

"Kyaaaaa, totoo pala ang chismiss na sobrang ganda pala ng daughter ni tita Diannara" tumitiling sabi nya.

Laglag ang panga ko ng malaman kong isa pala syang bakla. Sayang gwapo sana.

"Hi my dear! I want to introduce myself to you, I'm Giovanni Valdemal you can call gia 19 years old, na naniniwala sa kasabihan kung hindi ko lang pinsan si luthor matagal ko na syang jojowain" napangiwi ako sa kanyang sinabi. Pero natigilan ako. Pinsan nya si luthor. Hindi ko ipakaila na ang ganda ng kanilang lahi pero Sayang talaga si Giovanni.

"I'm Dianne Reese De Cervantes 17 years old" pakilala ko sakanya.

Umupo sya sa tabi ko.

" Alam mo hindi ko akalain na Ang ganda mo, mana ka talaga kay tita Diannara pero mas maganda parin ako sayo" natawa naman ako sa sinabi nya. Ang confidence kase nya na sinabi na maganda sya. Napabusangot  naman sya dahil sa reaction ko.

"Bakit mo ko tinawanan" napabusangot nyang saad.

"Because your so funny" na offend naman sya sa sagot ko.

"So you mean na napapangitan ka sakin, Dianne my dear" tumigil ako sa kakatawa at tinignan sya.

"I'm not saying na your an ugly, nagwagwapohan nga ako sayo ehh" Sabi ko. Hindi naman maipinta ang mukha nya.

"Hindi ako gwapo, GWAPA hindi GWAPO" Sabi nya.

"Oo na, maganda ka"

"Parang napipilitan kalang"

"Hindi"

isang oras na kami dito sa hardin. Napakadaldal nya. Napagdesesyonan ko na pumasok na kami.

"Pasok na tayo sa loob" pagyaya ko sa kanya.

"Segi! Dianne my dear" napangiwi ako dapat talaga kong tatawag sya saakin meron talagang 'my dear'

"Kailangan talaga may my dear ang pagtawag saakin" usal ko sakanya. natawa naman sya.

"Gusto ko ehh, may magagawa ka ba"

Pagpasok namin sa may sala ay nakita ko dun si Lorraine and Laurence naglalaro kasama si ate Rosita. Naagaw ang atensyon nila ng sumigaw si gia (Giovanni).

"Hi mga kids, did you miss your beautiful cousin? " Sambit nya sa mga bata. lumapit naman si Laurence sa amin. Akala ko lalapitan nya si gio nang pumunta sya sa direksyon ko nakabuka pa ang kanyang braso na gusto magpakarga.

"Ate, carry me, pwease" nagpapacute nyang saad kaya agad ko syang kinarga tinignan ko si gia ayon napabusangot nang hindi sya pinansin ng mga bata.

"Ang sakit nyo naman mga kids, hindi nyo man lang pinansin ang maganda nyong pinsan" nagtatampong sabi nya . Pero wala parin effect ,natawa naman kami ni ate Rosita. Si gia naman ay lalong bumusangot kaya umupo nalang sya sa tabi ni Lorraine na nag gagadget.

My Step Brother ObsessionWhere stories live. Discover now