chapter 15

17 1 0
                                    

Pagkatapos namin magpaalam kay mommy. Heto kami ngayon tahimik lang na nakasakay sa kotse at ito namang kasama ko ay ganon parin ang tahimik nya. Seryoso lang sya na nagmamaneho.

"Ayos kalang ba? Kanina ko pa napapansin na ang tahimik mo?" Hindi ko na napigilan na magtanong sakanya.

I heard him sigh.

Tinignan pa nya ako bago bumalik sa daan ang tingin.

"Ayos lang kung hindi mo sagutin" napapahiyang sabi ko nang mapansin na wala syang balak na sagutin ang tanong ko.

Mahabang katahimikan na naman ang namutawi samin.

"Samahan mo ko mag breakfast" natulos naman ako nang bigla syang nagsalita.

"Ha?"

"Sabi ko samahan mo ko mag breakfast. Maaga pa naman" ulit nyang sabi na nasa daan parin ang paningin.

Tumikhim mo na ako saka sumagot.

"Uhm... Sige"

Huminto kami sa mamahaling restaurant. Pinagbuksan naman nya ko nang pinto at bigla naman nyang hinawakan ang mga  kamay ko at pinagsiklob iyon, iginiya papasok sa Restaurant

Nanigas naman ako at napatingin sa mga kamay namin na magkahawak. Nakaramdam naman ako ng kakaibang kuryente nang hawakan nya ako

Tatangalin ko na sana ang kamay ko sa kanya dahil naiilang naako pero mas hinigpitan pa nya lalo ang pagkahawak nito sakin.

"Table for two " tawag nya sa mga crew ng restaurant.

"Yes, sir. This way please" kaagad na tugon ng crew.

Nagpatianod ako ng hilahin niya ako patungo sa mesang sinabi ng crew.

"What is your order ma'am and sir" tanong ng waiter na lumapit sa amin na nagbigay ng Menu.

Tumingin ako kay Luthor na ngayon ay abala sa pagbabasa ng Menu.

Nag angat ito ng tingin saakin. Mabilis naman akong umiwas saka kunwaring abala sa pamimili ng pagkain sa menu.

"Anong sayo?" Tanong nya. Umiling ako.

"Tapos naakong mag breakfast at busog pa ako"

Tumango naman sya saakin. Bumaling sya sa waiter na nakatayo at sinabi ang order nya.

Nang umalis ang waiter. Hindi ako komportable sa aking inuupuan. Simula kase nyang mag confuse  saakin ay naging awkward na.

Kinuha ko nalang ang phone ko at inabala ang sarili ko. Ramdam ko na nakatingin sya saakin kaya lalong bumilis ang pagtibok ng puso.

Ang tagal naman dumating ang order nya.

"So how's your life in States" biglang tanong nya natigilan naman ako.

"Minsan okay, minsan rin ay hindi "

"Why?"

Napatingin naman ako sa kanya at nakakunot. Bakit ba sya nag tanong kung ano ang buhay ko sa State.

"Malungkot kaseng mag isa. Namimiss ko kase si mom dito"

"Bakit nasa States ka nag aaral kung namimiss mo pala si tita" tanong nya ulit. Bakit ba sya tanung ng tanong.

"Pangarap ko kaseng mag aral sa ibang bansa dahil yun ang gusto ni dad nong nabubuhay pa sya" nakaramdam naman ako nang lungkot nang sabihin yun.

Noong nabubuhay pa si dad ay pangarap namin na makapunta kami sa ibang bansa at doon ako paaralin. Yan ang paulit ulit na sinabi nya saakin minsan nagtataka naako sakanya dahil gusto nya na doon na kami tumira nila mom.

Minsan nga ay ayaw nya akong palabasin nang bahay. Nakikita ko rin sya na may kinakausap sa telepono at galit na galit si dad. Pero pakiramdam ko ay tungkol yun sakin dahil sa tuwing may kinakausap sya sa phone ay panay ang tingin saakin ganon din si mom.

Hindi ko alam kong anong rason nya. Nakikita ko nalang sila mom at dad na nag aaway. Pero hindi naako nakinig kung ano man ang pinag awayan nila dahil pumasok na ako sa aking silid at doon umiyak.

May mga bagay silang hindi sinasabi saakin. Sa tuwing kinakausap ko naman si mom tungkol doon ay umiiwas na sya o ibahin ang topic.

Tumingin naman ako kay Luthor na ngayon ay titig na titig saakin. Naiilang naman ako dahil ang mga tingin nya ay para bang binabasa nya ang mga iniisip ko.

Tumikhim mo na ako bago magsalita.

"B-bakit?"

"Hindi mo talaga ako nakilala?" Biglang tanong nya saakin. Napatigil naman ako at tinignan sya. Umiling ako sa kanya.

"Hindi ko maalala na nagkita na tayo noon"

Kahit anong isip ko kung saan kami unang nagkita pero wala talaga.

"Saan ba tayo nagkita? Kailan?" Tanong ko sakanya.

"It doesn't matter" mabilis na sagot nya nakita ko pa ang hindi mapangalanang emosyon sa kanyang mga mata pero agad rin yon nawala at napalitan ng walang emosyon.

Magsasalita na sana ako nang dumating na ang order nya.

"Here's your order. Ma'am and sir" inilapag ng waiter ang inorder ni luthor sa mesa saka magalang na umalis.

Bumalik ang katahimikan naming dalawa. Nagsimula na rin syang kumain niyaya pa nya akong kumain pero tumanggi ako dahil iniisip ko kong saan talaga kami nag kita.

Maraming mga katanungan ang nasa isip ko. Una na dito ang pagtatahimik nila Tito at mom na alam kong may tinatago sila. Ganon din si dad pero wala na sya at ganon din si Luthor isang malaking katanungan sakin kung saan kami unang nagkita.

Kung nagkita man kami noon. Isa sya sa mga taong nakalimutan ko simula nang maaksidente ako.

My Step Brother ObsessionWhere stories live. Discover now