CHAPTER 25

104 2 0
                                    

Nandito ako ngayon sa mansyon na pinagtratrabahuan namin ni auntie. Nakatulalang nakaupo dito sa bakuran habing nakatingin sa paligid.  Tapos na din kasi akong maglinis. Tatlong buwan na ang nakalipas magmula nang mawala si tatay at mahigit isang buwan na din akong nandito bumalik sa pagiging katulong.

Kailangan kong magmaynila ulit kasi wala ng ibang maasahan sila nanay—kundi ako. Bilang panganay sa mga magkakapatid namin, gumawa nalang ako ng sakripisyo sa kanila. Masakit na masakit parin sa akin ang pangyayaring iyon at tila ba'y sariwa pa sa aking isipan.

Sinisi ko ang sarili dahil kung hindi sana ako nagpumilit na mag-aral; hindi sana magtratrabaho at todo kayod si tatay at mahantong sa ganoong sitwasyon.

Sometimes you'll get to feel pain kung pinipilit mo ang mga bagay na hindi para sa'yo. Para na din siguro marealize mo na hindi ka para doon; na may nakalaang mas maganda pa.

Ngayon alam ko na ang dahilan ng lahat. Kung bakit kinuha si tatay at kahit anong pagsisikap ko sa pag-aaral ay hindi parin nag-aalign ang mga bagay-bagay. Could it be I'm destined with something much better? Who knows, right?

Hindi natin alam ang takbo ng mundo...

Hanggang ngayon ay hindi ko parin tanggap ang nangyari. Sobrang sakit parin talaga. Yung isa sa pinaghuhugutan ko ng lakas ay kinuha na din sa akin.

Malaki ang epekto ng pagkawala ni tatay sa amin. Hindi lang sa emosyonal pati narin sa estado namin sa buhay. Wala nang magtratrabaho sa amin. Wala na kaming maasahan. At kailangan kong tumigil sa pag-aaral. Iniwan ko na ang lahat... si Christopher, mga kaibigan ko, pag-aaral, pamilya at pati na rin buhay ko sa probinsya namin.

Kung ihahambing ang sakit sa unang punta ko sa manila at ngayon— mas masakit siguro ito.

Walang oras na hindi ako umiiyak. Namamaga na ang mga mata ko. Na kahit wala ng likidong lumalabas sa mga mata ay pinipilit paring pinipiga para may mailuha lang. Hindi ko parin kasi talaga tanggap. Pero wala na akong magawa. Kapalaran na namin ito.

Hindi na matutupad yung mga pangako ko sa kaniya na bigyan siya ng mga manok pantari. Wala na ang pangakong sasamahan niya ako sa magiging graduation ko. Wala na ang mga pangakong 'yon dahil wala na siya.

Sana lang talaga lilipas na ang sakit na ito...

Hindi talaga katanggap-tanggap at paulit-ulit kong sasabihin 'yon. Kung maibabalik ko lang sana ang pangyayari ay iba sana yung naging desisyon ko.

Ngunit, wala na akong magagawa. Huli na ang lahat...

"Ndabi, umiiyak ka na naman ba?" Tanong ni auntie Arlyn sa akin nang mahuli akong umiiyak na naman.

Lumapit ito sa akin at tumabi sa pagkakaupo. Hinagod-hagod nito ang likodan ko, "Tahan na..." sambit nito sa pinakamalambing na boses.

Napayakap nalang ako sa kaniya, "A-auntie... Hanggang ngayon hindi ko parin talaga tanggap huhu,"

Iyak na naman ako ng iyak sa bisig niya. Ang pinamahirap pa ay hindi ko kapiling si nanay at mga kapatid ko na s'ya sanang lakas ko sa mga pangyayaring ito.

No choice ba naman kasi...

"Tahan na... Shhhh! Sa tingin mo ba magiging masaya tatay mong makita kang ganito? Hmmmm?"

Napatingin ako kay auntie Arlyn habang kayakap siya at umiling, "Auntie, hindi ko po kaya..." Unti-unti na namang nabasag ang boses ko. Masakit parin talaga.

"Ndabi naman oh! Wag mo ng sisihin sarili mo. Hindi mo ba napansin, namamayat kana... Umiba na hitsura mo ngayon. Kailangan mong magpakatatag. Sino nalang aasahan ng mga kapatid mo at nanay mo kung hindi mo inaalagaan sarili mo. Ganyan talaga ang buhay, yung mga mahal natin ay s'yang kinukuha. Kaya magpakatatag ka!"

The Ruthless Billionaire Likes MeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang