CHAPTER 18

105 1 0
                                    

Pangatlong araw na namin ngayon ni sir Gunner dito sa tagaytay. Ewan ko ba, kahit naman sobrang ganda ng lugar dito. Gusto ko pa ding uuwi na kami.

Naisip ko din kasi na ang awkward talaga masyado. Hindi niya naman ako kaano-ano pero nandito ako, kasama niya. Ang awkward talaga.

Sa nagdaang araw ang ginawa lang namin ay ang magrerelax dito sa tagaytay. Magstay sa mamahaling hotel. Kakain ng mga magarbong pagkain. Makita ang taal lake at taal volcano. At kung tutuusin naman ang ganda kaso... Awkward talaga.

Eh! Kelan pa naman hindi naging awkward ang pangyayari ng buhay ko?

"Ndabi!" Pagtatawag ni sir Gunner sa akin.

"S-sir! Naliligo pa po ako," sagot ko naman habang nandito ako sa loob ng shower room. May sabon pa sa mukha at hubo't hubad ang katawan.

Ewan ko ba! Bakit tinatawag niya ako sa oras na ito. Hindi naman niya gawain 'to.

Hinintay kong magsalita pa ito ulit pero wala na akong narinig na kahit na anong imik galing sa kanya. At dahil nga tinawag niya ako kanina ay imbes na magtatagal sana ako sa maligamgam at mainit na tubig galing sa shower ay hindi nalang.

Nagbihis ako agad at tinungo siya na nandoon lang sa living room ng hotel na kung saan kami nagstay. Nakaharap ito sa laptop niya at seryoso ang mukha.

Tumikhim naman ako nang nandoon na ako sa harap niya. Epektibo namang naagaw ko ang atensiyon niya dahil napaangat ang tingin nito sa akin.

Hinintay ko sanang magsalita na siya ngunit nakatingin lang ito sa akin na para bang sinusuri ako.

"Sir... T-tinawag niyo ako kanina?" Tanong ko sa kanya.

"Ummm... Yes, I almost forgot. I have a meeting now. We have to go back to manila immediately dahil may meeting ako... You have to ready your things."

Hindi ko alam pero imbes na maging malungkot ako na uuwi na kami at iwan na ang magandang tanawin dito sa tagaytay ay napangiti ako ng bahagya. Sa wakas, may oras na akong hindi kasama siya. Kung tutuusin parehong sitwasyon lang din naman doon sa pasay kaso may kaibahan parin talaga.

"Sige po sir, Mag aayos na po," Sagot ko.

Inintay kong sumagot ito ngunit wala na akong narinig na imik galing sa kanya. Pokus na naman ito sa laptop niya at nakakunot na naman ang noo.

Akmang aalis na sana ako sa gawi niya ng tinawag niya na naman ako.

"Ndabi,"

"Po, sir?"

"I also forgot this..." May kinuha ito sa gilid ng upuan niya at inabot sa akin. Kahon iyon at kulay puti.

Napatingin lang ako sa inabot niya at hindi atubaling kunin yun. Nagdadalawang isip baka hindi yun para sa akin.

"Why are you just staring at it?" Napakunot ang noo nito.

"Ahh sir, kanino po yan?"

Napabuntong hininga ito at tila ba'y kunti nalang ang kulang ay mawawalan na ito ng pasensya.

"Obviously, inabot ko nga sa'yo kaya ibinigay ko ito sa'yo. Sino pa bang ibang bigyan ko? Wala ka naman sigurong ibang nakitang nilalang dito?"

"Sorry po sir..." Sabi ko at dahan dahang kinuha iyon mula sa kamay niya.

Ano kaya laman nito?

Napatingin ako sa kaniya. "Salamat po sir. Kung ano man pong laman nito... Maraming salamat po."

"That's a phone. I already listed my number and yours too. Whenever I need something I'll just call there and vice-versa."

Napalunok ako ng laway at napalaki ang matang napatingin sa kanya. Talaga ibibigay niya ito sa akin?

The Ruthless Billionaire Likes MeWhere stories live. Discover now