CHAPTER 6

101 1 0
                                    

Gaya nga ng sabi nito, pumasok ako sa bathroom sa kwartong ito. Nakita kong may shower sa taas pero hindi ko lang alam paano gamitin. Wala kasing shower sa probinsya, puso lang ang meron kami at kumportable rin naman kahit papaano.

Hinubad ko ang aking mga damit at nag-umpisang magdiskubre paano gamitin 'yon. Nang may parang hugis bulaklak na gripo akong nakita ay kaagad ko yung inikot.

Nabigla naman ako nang biglang may parang ulan na dumampi sa aking balat dahilan para mabasa ako. Doon naman ako nag-umpisang maglinis sa sarili. Nang matapos naman ay agad kong kinuha ang puting tuwalyang nakahanger malapit lang, sinuot iyon at lumabas sa bathroom ng kwartong ito.

Naglakad naman ako papunta doon sa kama para maghanap ng damit. Ngunit wala akong nakita.

Diba sabi nito na may damit na ihahatid siya. Binasa ko pa naman lahat ng mga damit kong suot.

"What the fuck!-----" biglang sambit ng lalaki na kakabukas lang ng pinto na mabilis din nitong sinira agad.

Ako din ay nagulat at matagal na prumuseso sa kalamnan ang nangyari. Sobrang nakakahiya 'yon. Tinulungan ka na nga ng tao, nakita ka na naman ng nakatuwalya lang.

"Pasensya na po, sir! Hindi ko po kasi alam na papasok kayo," medyo nilakasan ko ang boses ko para marinig sa labas.

Sobrang nakakahiya na talaga. Ang rami ko ng pasakit na ibinigay sa lalaki.

Narinig kong napatikhim ito sa labas. "J-just finish what your doing and Umm! Here's your clothes, I'll put it on the floor. Go get it!"

Binuksan nito ng kaunti ang pinto at nilusot doon ang paper bag. Agad din naman nitong isinirado pagkatapos.

"S-salamat po, sir!" Malakas ko ulit na pagkasabi mula sa loob ngunit wala na akong narinig na sagot mula sa kaniya sa labas.

Kahit ganun ang ugali niya ay ramdam ko ang respeto niya sa mga babae. O baka naman talaga, wala din namang kahit na sinong magkakainteres sa katawan na kagaya ng sa'kin. Kayumangi kasi ako dahil galing sa probinsya.

Kinuha ko iyon at sinuot. Okay naman ang damit na ibinigay niya. Simpleng t-shirt at shorts lang pero sakto sa akin. Pagkatapos nun ay dahan dahan akong lumabas sa kwarto.

Nakita ko naman siyang nakaharap sa laptop niya doon sa lamesa. "Pasensya na po talaga sir, kanina-----"

"It wasn't a big deal," bigla itong sumagot nang hindi man lang ako tinapunan ng tingin dahil abala ito sa laptop niya. "Eat. I've ordered a food for you a while ago," turo nito sa paper bag na katabi nito.

"Salamat po talaga, sir," nahihiyang pagpapasalamat ko. Gutom na din kasi ako at sa totoo nga'y kanina pa kumukulo ang tiyan ko.

Napaangat ito ng tingin sa akin habang nakakunot ang noo. "How many times do I have to tell you that, don't fucking thank me. I hate it!"

Hala!

"P-pasensya na po...."

"You should eat!" Sa laptop na naman ito nakatingin.

"Sige po, sir, sala---- Ehemmm!" Nakalimutan ko na naman kasing ayaw pala nitong pasalamatan siya kaya tumikhim nalang ako.

Hinay hinay naman akong umupo sa tabi niya at kinuha ang paper bag na tinutukoy nito. Nilagay ko naman ang laman sa lamesa. Marami iyon at nakalagay sa mga magagandang lunchbox at may sariling kutsara't tinidor. Mga masasarap na mga pagkain at bago sa aking paningin ang mga laman. Panigurado talagang mga masasarap 'yon.

"Kain din po kayo sir!"

"I'm busy. And I am not hungry!"

Halata din namang sobrang busy siya sa ginagawa. Hindi kasi ito nag-aabala pang tumingin.

The Ruthless Billionaire Likes MeWhere stories live. Discover now