CHAPTER 21

109 4 0
                                    

Panibagong taon, panibagong kabanata.

Maraming nagbago, maraming ding nag-iba.

Hindi ko nalang namalayan na ang bilis na pala ng panahon. Tatlong taon na pala ang nakalipas simula noong iniwan ko si Gunner at noong may nangyari sa amin. Wala na akong balita sa kanya magmula noong araw na 'yon at maging siya din siguro.

We never had any connection after that. Kumusta na kaya siya?

"Wala na naman tayong pambayad sa tuition ni Ndabi... Paano na'to?" Sambit ni nanay.

Narinig ko sila mula dito sa kwarto. Gawa lang kasi sa nipa ang bahay namin kaya paniguradong maririnig ko ang mga pinag-uusapan ng mga magulang ko.

"Yon din ang iniisip ko Allana. Yung suhol namin sa pagtatanim ko ng kamote kay sir Peter, hindi pa kami binayaran 'tsaka hindi rin 'yon sapat lalo na't wala na din tayong bigas," sagot naman ni tatay na palihim kong naririnig.

Parang nahiwa ang puso ko nang marinig ang mga katagang iyon. Kung hindi sana ako pumasok ng kolehiyo ay sana hindi naging ganito ang buhay namin. Ubos na din kasi ang ipon ko noong nagtrabaho ako sa manila sa loob ng isang taon.

Akala ko talaga pag magmamaynila ako, magkakaroon ng kaibahan ang buhay namin pero hindi pala. Kahit pa gaano ko pa galingan ang pag walis at paglilinis sa mansyon na pinagtratrabahuan namin ni auntie Arlyn ay ganoon pa rin ang magiging estado namin sa buhay.

Nakapag-ipon naman ako ng mahigit 60, 000 sa isang taon na pagtratrabaho ko doon sa manila. Pero pag-uwi ko kasi ay napagplanohan nila nanay at tatay na ipasok ako sa kolehiyo dahil sayang daw. Akala ko sa una magiging okay lang ang lahat, na hindi mauubos yung naging ipon ko. Pero sa akala ko lang pala 'yon.

Marami ang bayarin sa kolehiyong napasukan ko kasi private school ito, at higit sa lahat wala din ni isang scholarship na mayroon ako. Kahit pa naging working student ako sa paaralan ay hindi parin kinaya ng mga magulang ko ang gastusin. Yung naging ipon ko ay hindi nga lang umabot kahit sa isang semester. Lahat ng 'yon ay bigla-bigla nalang naubos at simula nun, kailangan ko ng makadepende sa mga magulang ko na naghihirap din sa buhay.

Maling desisyon talaga kong iisipin pero wala na akong magagawa. Baon na kami sa utang at dahil iyon sa AKIN. Sobrang taas ba naman kasi ng mga pangarap ko. Hindi ko na naisip ang kaligayahan at kakayahan ng mga magulang ko. Lalo na si tatay na kahit anong trabaho na dito sa baranggay namin ay pinapatus parin para lang mapag-aral ako. Masyadong nakakaguilty talaga!

"Hayaan mo nalang muna, Allana, magloloan nalang muna tayo sa ngayon. Ayaw kong mapatigil si Ndabi sa pag-aaral..."

"Paano naman ang pambayad natin?" Nag-aalinlangan si nanay.

"Gagawan ko ng paraan yan. Baka may mahanap na naman akong trabaho na labor. Mababayaran din yan."

Kung sana hindi ako umuwi dito at pumasok sa kolehiyo. Hindi sana nagkakaganito ang buhay namin. Isang napakalaking pagsisisi talaga ito.

Iba talaga ang expectation sa reyalidad. Ang akala ko, magiging maginhawa buhay namin ngayon. Hindi ko nalang namalayan na lalo pala kaming naghihirap. Kung mahirap kami noon ay mas grumabe pa ngayon.

Pumatak ang luha ko sa librong binabasa. Imbes kasi na mag-aral ako sa paparating na exam ay iba na ang nasa isip ko. Nakakaguilty na talaga masyado. Sa totoo lang, kung gusto ko lang sanang ibalik ang panahon edi sana hindi na ako nagbabasakali pang tumuntong sa kolehiyo. Naging isang malaking hamon na tuloy ito sa buhay namin.

Pinahid ko ang luha sa aking mata at ngumiti nang mapait. Wala na akong magagawa, nandito na.

HANGGANG sa nandito na nga ako sa paaralan. Hindi parin nawala sa isip ko ang mga pinag-uusapan nila nanay at tatay kanina. Panay lang ang pagkakatulala ko sa klase at maging dito sa CTE dean's office kung saan ako na assign sa working sa paaralan.

The Ruthless Billionaire Likes MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon