CHAPTER 13

75 0 0
                                    

"Where are you going?" Tanong ni sir Gunner nang makitang naglakad ako paalis sa office niya.

"Kakausapin ko si Leo, Sir. Kailangan kong magpaliwanag."

"What the heck! You have nothing to explain!"

"Meron, sir, kailangan niyang malaman na aksidente lang ang nangyari, na hindi niyo sinasadyang mahalikan ako..."

Akmang hahakbang na sana ako palabas nang magsalita siya "Subukan mong lumabas, Ndabi. You're going to regret it!"

Napatigil naman ako at parang bumigat ang mga paa ko. Alam kong pagsinuway ko siya, hindi ko na alam saan ako pupulutin pa. Mawawalan ako ng trabaho at pansamantalang matitirhan. Ayaw kong mangyari 'yon. Wala akong kamag-anak na malalapitan dito.

"Sir..."

"Stop talking, stop chatting and stop interacting with him."

"B-bakit po, sir? Wala naman akong natandaang ginawang masama sa inyo at pati na din si Leo. Kaya please sir, hayaan niyo po akong kausapin siya. Hindi ako mapalagay pag may nasaktan akong tao..."

Tumingin ako sa mata niya na ngayo'y walang emosyon. Ano ba kasing pumasok sa isip niya kung bakit niya 'yon ginawa?

"Stay here, Ndabi! Because I said it!" May diin na sabi nito.

"Sir..."

"Fucking stay!"

Natakot ako nung magmura siya. Dahil wala naman akong magagawa, bumalik nalang ako sa table ko at umupo doon. Ano kayang nararamdaman ngayon ni, Leo? Maiintindihan ko naman kung masasaktan siya kahit pa walang kami. Hindi biro ang magkakagusto ka sa isang tao ngunit hinalikan ng iba.

Hindi ko pa nga din ganoon kakilala si sir Gunner. May mga ugali pa itong hindi pa nailalabas. Ngunit, kahit pa sabihin nating bawal magkarelasyon pag nagtratrabaho sa kaniya, hindi niya naman kailangang gawin yung halik na 'yon.

Naglakad pa talaga ito palapit pa sa gawi ko at kinuha ang laptop sa table ko. "Once I found out that you're still chatting him after this, you'll be in a massive trouble. Believe me, you won't like it."

Habang hawak niya ang laptop sa kamay nakita kong blinock niya si leo doon at dinelete ang buong conversation namin. May karapatan ba siyang gawin 'yon?

"B-bakit niyo po kami pinagbabawalan, sir? 'Di ba wala naman po kayong sabi sa mga nagdaang araw?"

Sakto ding natapos ito sa ginagawa at inilagay ang laptop sa table ko ng may padabog. Matalas ang tingin nito at mukhang hindi nagustuhan ang narinig. Nakakatakot!

"That was before, Ndabi!"

"Eh! A-ano naman po kaibahan sa ngayon?"

Hindi ko talaga kayang salubongin ang mga tingin niya kaya napayuko nalang ako.

"Things changed, Ndabi!"

Ano daw?

"Ano pong ibig niyong sabihin, sir?" Naguguluhan kong tanong.

"Don't ask me questions, I won't answer it!"

Umalis ito sa gawi ko at bumalik na umupo doon sa table niya. Doon naman ako nakahinga ng malalim.

Ang gulo niya talaga!

Nang maalala ko naman ang nangyari kanina ay pinulahan nalang talaga ako sa mukha. Nakasakit ako ng tao ngunit aaminin ko hindi din maitatanggi ang hiya na nararamdaman ko ngayon. Hinalikan ako sa labi... At hindi lang bastang halik lang dahil isa iyong halik na parang wala ng bukas.

Napahawak nalang tuloy ako sa labi ko. Ramdam ko parin ang mga labi niya hanggang ngayon. Nakakahiya talaga...

Paano ko pa kaya siya mahaharap ng normal pagkatapos nito?

The Ruthless Billionaire Likes MeWhere stories live. Discover now