CHAPTER 10

88 0 0
                                    

Isang semana na ang nakalipas simula nang nagtrabaho ako sa kompanya ni sir Gunner. Naging okay naman at wala naman akong masyadong ginagawa. Hindi din nakakapagod ang trabaho ko dahil minsanan lang ako pag-uutusan tulad ng paghahatid ng pagkain, pagbili sa labas o paghahanda ng kape niya.

Doon pa din ako tumutuloy sa condo niya. Wala naman itong naging sabi sa pagtuloy ko ng mahigit isang semana n. 'Tsaka balak ko na din namang umalis sa condo niya pagkakuha ko sa kinsenas na sweldo ko. Nahihiya lang talaga akong sabihin sa kanya ngunit nakaplano na 'yon sa utak ko.
Binigyan niya pa naman ako ng pera pang gastu ko daw. Sobrang nakakahiya na talaga.

Hanggang ngayon din ay hindi ko pa nakausap ang pamilya ko. Gusto ko silang makausap at miss na miss ko na sila ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko alam paano. Wala akong number para macontact sila dahil nakasave lahat iyon sa keypad na cellphone ko.

Kumusta na kaya sila? Sobra na siguro ang pag-alala nila ngayon sa akin.

"Ndabi, kumain na nga tayo para tumaba ka naman." Tukso ni Leo sa akin kasi daw sobrang payat ko. Tapos ko na ding bilhan ng pagkain ang boss namin kaya wala na din akong gagawin.

"Sus! Akala mo naman kung sinong macho!"

Naging magkasundo na din kami ni leo dahil siya yung palagi kong nakakausap dito.

"Tara na nga! Ang dami mo talagang satsat!"

"Aysus!" Tumayo na ako at sabay kaming nagtungo doon sa canteen ng kompanya. Libre naman ang mga pagkain dito. Sadyang 'di lang talaga kumakain si sir Gunner dahil gusto talaga nito ng mga takeout na pagkain sa mga magagandang restaurant. Maarte kasi.

Nakaupo na kami ngayon sa table habang kumakain. Kasama din namin ngayon ang iba pang mga trabahante ditong kumakain. Magkaharap kami ngayon ni Leo sa isang lamesa.

"May napapansin ako sayo, Ndabi. Ang bilis mong pumuti sa ilang araw lang. Nung unang kita ko lang sa'yo halatang probinsyana ka talaga, ngayon naman pag aabot ka pa siguro ng ilang araw dito, magiging white lady ka na talaga. Ang bilis nagbago ng balat mo."

Napansin ko nga rin 'yon, pumuti nga ang balat ko.

"Naka-aircon kasi haha. Hoy! Panay na talaga yang panunukso mo sa itsura ko."

"Wala lang! Nagmukha kana kasing tao ngayon."

"Aysus! Ang sabihin mo nagagandahan ka sa akin. Sabihin mo nalang kasi!" Tukso ko sa kanya habang sumandok ng pagkain.

"Asa ka! Pinuri ko lang yang pagbabago sa balat mo. Wala akong ibang sinabing maganda. Saang banda ba?"

"Meron Oh!" Pinagpagalaw ko ang mga buhok ko na tila ba nag eendorse ng shampoo. "Oh diba?"

Ngunit napatitig ito. Natigilan at napalunok habang nakatingin sa akin. Natulala siya bigla na ipinagtataka ko.

"Hoy! Ikaw Leo ha!" Ginalaw galaw ko ang kamay ko sa mga mata niya. "Leo!" Pagtawag pansin ko ulit sa kanya para bumalik sa mundo.

"Itigil mo nga yan! Ang feeling mo masyado." Para itong napikon sa ginawa ko kanina.

Anyare?

"Kayong dalawa diyan. Yang mga pagtutukso niyo sa isa't isa tiyak talaga mauuwi yan sa inlaban." Agad naman kaming napatingin nang magsalita ang isa sa mga trabahante dito sa kabilang table. Si ma'am cherry.

Mababait naman kasi sila at nakikisabay din. Sa palagay ko nga ay si sir Gunner lang yung KJ dito. Paunti-unti kasi ay medyo naging malapit na ako sa kanila dahil palaging magkasabay lang kami kumakain tuwing tanghalian.

"Impossibleng magkakagusto ako sa mga mambabarang sa probinsya, ma'am cherry haha!" Bumahalakhak ng tawa si leo.

"Anong mambabarang? Ikaw Leo may araw ka talaga sa akin!" Naiinis kong sabi dahil tawagin ka ba namang mambabarang?

The Ruthless Billionaire Likes MeWhere stories live. Discover now