CHAPTER 11

87 1 0
                                    

Dalawang araw na ang lumipas simula nang nilipat ang office ko sa office ni sir Gunner. Sa mga araw din na 'yon hindi ko na nakausap si leo. Hindi ko alam nararamdaman ko na sa tuwing may pagkakataon na magkausap kaming dalawa ay tinatawag naman ako ni sir. Siguro coincidence lang din siguro at timing lang.

Mas nabawasan din ang trabaho ko sa kompanya niya. Kung dati ay lumabas para bumili, ang ginagawa ko nalang ngayon ay ang paglilinis lang sa office o pag-aarange ng gamit niya. Wala ng iba. Yung pinakamahirap lang ay nilalabanan mo ang inip buong maghapon.

Medyo natuto na din ako sa ibang bagay habang nagdidiskubre. Unti-unti na akong natutong gumamit ng laptop kahit papaano. Nakagawa na ako ng facebook account na uso ngayon. Wala nga munang profile kasi 'di ko alam paano magselfie gamit ang laptop.

Walang pinagbago nakaupo ako ngayon sa loob ng office ni sir at nakaharap sa laptop na nandito. Wala din naman kasi siyang utos. Nakaupo lang si sir gunner doon at seryoso lang at sobrang pokus sa ginagawa. May bago pa ba?

Pilit kong hinanap ang mga kakilala ko sa aming probinsya dito sa facebook. Nang makita ko naman isa sa mga auntie ko ay kaagad kong minessage. Active a month ago siya kaya maaring hindi niya makita agad.

Lahat ng mga kakilala ko sa probinsya ay hinanap ko at inisang minessage. 'Yon nga, 'di ko alam kung mababasa nila agad dahil hindi kasi uso ang facebook sa amin. Dahil sobrang hina ng signal.

Pinagdadasal ko nalang talaga na sana isa sa kanila ay mabasa ang message ko. Para macontact ko na pamilya ko at makamusta.

Labis naman akong na excited nang pagkakakita ko sa messages button ay may isang nagreply. Dali dali ko namang tinignan kung sino baka isa na sa taga amin. Sana lang talaga!

Ngunit naiinis nalang ako nang si Leo Viera ang nakalagay doon.

(Hi! Ikaw 'to, Ndabi?)

'Yon ang nakasulat kaya agad naman akong nagreply.

(Che! Ang pangit ng profile mo!)

Natawa naman ako nang inereply 'yon.

(Sanaol may facebook na si probinsiyana!) Reply din nito.

(Uy! Nasa siyudad na ako..) Reply ko.

(Hindi na tayo nagkakausap :-I, Namiss kita haha)

May dinagdag pa talaga itong malungkot na emoji kaya napatawa ako ng medyo malakas dahilan para mapatingin si sir Gunner sa akin.

"Why the fuck are you laughing alone?" Galit na sabi nito dahil siguro nadisturbo ko siya. Ang sungit!

"Pasensya na sir... Natawa lang kasi ako sa nabasa ko."

"Tsss... So noisy!" 'Tsaka bumalik na naman ulit sa ginagawa niya.

Sa totoo lang ang OA niya masyado. Ano ba talagang gusto niya? Yung hindi nalang ako magsasalita sa buong buhay ko?

Napahinga nalang talaga ako ng malalim at humarap muli sa laptop.

(Hoy!)

(Ndabi!)

(Ndabi, nasaan kana?)

Sunod sunod ang message ni leo.

(Malamang nandito ako sa loob ng office sa masungit na amo natin!) Reply ko

(Hala ka! Isusumbong kita haha. Tinawag mo siyang masungit.) Reply nito.

(As if magagawa mo haha! Sa kabilang banda, totoo naman talaga haha.) Reply ko naman.

Hindi man kami nagkakausap sa personal, atleast dahil sa high tech na mundo nakakapag communicate parin kami sa isa't isa ngayon. Sa totoo lang, nakakatulong din ang pagiging high tech ng kasalukuyan.

The Ruthless Billionaire Likes MeМесто, где живут истории. Откройте их для себя