CHAPTER 8

86 1 0
                                    

Nahihiya akong napatitig sa mga paper bag na nakalatag ngayon. Ang rami, may mga damit at ibang mga pangangailangan ko.

Nakakahiya na talaga!

Kanina kasi may inorder pala si sir Gunner na inihatid dito. Kahit hindi niya naman kailangang gawin 'to, ginagawa niya parin.

Ewan ko lang mukhang mga mamahalin pa naman tong mga binigay niya. Kung pababayarin ako nito tiyak sa kulungan talaga ang kabagsakan.

Ganito na ba kaawa sitwasyon ko na pati mga pangangailangan ko ay hindi ko na afford?

Napahinga nalang ako ng malalim at kinuha ang mga 'yon at pinasok sa kwartong pinatuluyan sa akin. Sinuot ko din ang isa sa mga damit yung t-shirt at jeans.

Pinatuloy. Pinakain. Binigyan ng mga damit. Grabe na talaga ang mga pasakit na ibinigay ko sa kanya. Ngunit sa hindi ko maipaliwanag kung bakit. Hindi parin talaga totally mabait ang tingin ko sa kaniya.

Ano namang gagawin ko dito sa condo niya?

May TV nga pero hindi ko naman alam paano gamitin 'yon kasi flat screen kasi, yung tv namin sa probinsya malaki kasi sa likod. Kung maglilinis naman, wala ding malilinis kasi sobrang linis na ng paligid.

Wala talaga akong magawa at kung dadating din naman siya ay ganun pa din. Wala paring pinagbago, wala parin akong silbi dito sa manila.

Hanggang ngayon pinanghahawakan ko pa din ang sinabi niya kagabi, na hahanapan niya ako ng trabaho sa kompanyang pinagtratrabahuan niya. Isa din kasi 'yon sa dahilan na nagpigil sa akin na hindi umalis dito dahil magandang opurtunidad 'yon. At pagbabasakali lang naman.

Nang matapos naman sa ginagawa ay napagdesisyonan kong lumabas. Doon ko rin napagtanto na sa buong floor pala ng building na ito ay isa lang ang kwartong nandito, 'yon ang pagmamay-ari ng lalaki. Balak ko din sanang bumaba kaso hindi ko alam paano gamitin ang elevator. Kaya ginamit ko nalang ang hagdanan na siyang bukod tanging mapagpipilian ko.

Ang raming mga kwarto dito at sa palagay ko ay isa itong pangmayaman at pangbigateng condominium unit. 'Di kasi basta-basta ang mga architural design sa loob. Mahahalata talagang isang magiting na architecture ang gumagawa. Hindi gaya sa kwarto na pagmamay-ari ng lalaki, sa isang floor ay marami namang kwarto. Sa kaniya lang yung naiiba.

Ewan ko ba kung pang ilang floor na 'to pero tila ba'y ang tagal kong umabot sa pinakababa. Pang ilang floor ba yung condo ng lalaki?

May lumapit sa akin. "Hey! You look tired, are you okay?" medyo nagulat ako sa lalaking nagsabi nun.

Gwapo din siya at mukha ding mayaman. Kaibahan lang sa kanila ni sir Gunner ay mukhang mabait ito. May dimples ito na sobrang bagay sa hitsura niya.

"U-umm... Okay lang naman po ako,"

Napatawa ito dahilan para makita ko ang pantay niyang mga ngipin. "Sorry, Akala ko kasi may emergency kana."

"Hehe, wala po! 'Di ko lang po kasi alam paano gamitin ang elevator kaya po ako naghagdan. Ang taas pala, ang tagal ko dumating sa baba."

Hindi naman ako nahihiyang sabihin 'yon. Hindi naman kasi ako gaya sa iba na kahit hindi alam ang isang bagay ay nagpapanggap pa ring may alam. Hindi ko kinakahiya ang pagiging ignorante ko.

"I see, would you like me to show you how?"

"Sige po, salamat po talaga!"

"Okay, follow me." sumunod naman ako sa kanya. "By the way, I'm Gin," pagpapakilala nito habang naglalakad.

"Ako din si Ndabi, G-gin..." Medyo nahihiya kong sabi.

"Ndabi? Ang unique naman ng pangalan mo. Never heard of it before..."

The Ruthless Billionaire Likes MeWhere stories live. Discover now