Simula

2 0 0
                                    

Kung hindi man tayo ngayon ang para sa isa't isa

Kung ang habang-buhay ay hindi pa para sa ating dalawa

Asahan mong ikaw at ikaw pa rin ang tangi kong hihilinging makasama

At kung sakali mang muli tayong pagtagpuin ng tadhana

Ikaw pa rin ang pipiliin kong mahalin, aking sinta

Ikaw pa rin ang pipiliin kong mahalin sa susunod na habang-buhay...


***


I quietly went out of the operating room and removed my surgical mask. I took a deep breath first and closed my eyes before I decided to walk slowly towards the waiting lounge where the patient's family members had been patiently waiting for almost six hours straight.

When they saw me approaching, they all stood up and quickly rushed towards my direction before I could even reach them. Isa-isa ko silang pinagmasdan nang makalapit sila sa gawi ko. Ramdam ko ang labis na kaba at takot sa kanilang mga mata, na tila ba kanina pa sila hindi mapakali habang naghihintay. Sa kabila ng kapansin-pansing pagod at antok na makikita mo sa kanilang mga mukha ay naroon sumisilip ang pag-asa at pananalangin na nawa'y makatatanggap sila ng magandang balita. Hindi na bago sa akin ang eksenang ito dahil maging ako'y naranasan ko rin ang labis na mag-alala para sa mga taong mahalaga sa buhay mo.

"D-doc, kumusta po ang anak ko?" mangiyak-ngiyak na tanong ng nanay sa akin. Her hands are clenched together, like someone who's been hoping and praying hard for the heavens to grant her wish. Napansin ko pa ang panginginig ng mga kamay ng ginang. Nakatingin silang lahat sa akin, kinakabahan habang hinihintay ang magiging sagot ko. Dahan-dahan akong ngumiti sa kanila.

"Huwag na po kayong mag-alala, nay. Ayos na po ang kalagayan ng anak niyo. Naging successful po ang ginawang operasyon. Ililipat na lang po namin siya sa recovery room at doon po ay babantayan namin siya hanggang sa maging stable na po ang kondisyon niya at pwede na po siyang makalabas ng ospital," marahang pagpapaliwanag ko sa pamilya.

Tuluyang napahagulhol ang nanay sa sinabi ko. Nag-iyakan na rin ang iba pang miyembro ng pamilya. Nagyakapan silang lahat sa sobrang saya at pagpapasalamat. Sa totoo lang, ito ang isa sa mga pinakapaborito kong eksena sa ospital. Seeing the relief in their faces warms my heart. Nagulat ako nang bigla na lamang akong yakapin ng nanay.

"Doc, m-maraming maraming salamat po sa p-pagligtas niyo po sa anak ko. Maraming salamat po," humahagulhol na wika nito. Panay rin ang pagpapasalamat sa akin ng iba pa nilang kamag-anak. Muli ay unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi. Marahan kong hinagod at tinapik-tapik ang likod ng ginang upang pakalmahin ito.

"Walang anuman po, nay. Sa Diyos po tayo lubos na magpasalamat dahil Siya po ang nagligtas sa anak niyo. Ako lamang po ay ginawa niyang instrumento at ginabayan upang matagumpay pong maisagawa ang operasyon," saad ko. Hindi na maawat sa kaiiyak ang nanay. Agad siyang inalalayan ng kanyang asawa at muling niyakap.

"Sige na po. Magpahinga na ho muna kayo. Kami na po ang bahala sa anak niyo," sabi ko. Dahan-dahan na silang naglakad papalayo. Alam kong kailangan din nilang magpahinga dahil halos gabi-gabi rin silang puyat at ni wala na ring tulog sa kababantay sa anak nila. Pinagmasdan ko silang naglalakad papalayo sa akin dala-dala ang ginhawa at ngiti sa kanilang mga mukha. Nang tuluyan na silang naglaho sa aking paningin ay napayuko ako at wala sa sariling pinagmasdan ang makinis at puting sahig. Napatingin ako sa relo ko.

5:54 a.m.

Napangiti ako. What a great way to start my morning. Thank you God. I just saved another life. After almost six hours of staying inside the operating room, finally. Nag-inat ako ng katawan bago tumalikod at dahan-dahang naglakad sa hallway.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Mar 26 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

One Last WishDove le storie prendono vita. Scoprilo ora