"If the heavens would let me live another life, I'd still wish for you." Matapos ang sunod-sunod na trahedyang naganap sa kanyang buhay, napilitan si Celine na lisanin ang lugar na kanyang kinagisnan at magsimula ng panibagong buhay na malayo sa lugar na nag-iwan sa kanya ng mga masasakit na alaala. Hindi alam ni Celine na sa kanyang pagdating sa bayan ng Sta. Isabel at sa kanyang muling pagtapak sa lumang mansyon ng pamilya Jimenez ay isang alaala rin mula sa kanyang nakaraan ang matagal ng naghihintay sa kanyang pagbabalik. Isang pag-iibigang pilit na pinaglalayo ng panahon ngunit muling mabibigyang-buhay sa ika-apat pagkakataon. Unti-unti na nga bang mabibigyang hilom ang mga naiwang sugat ng kahapon o ang kanila bang muling pagtatagpong ito ay magdadala lamang ng panibagong sugat at lungkot sa kanyang puso? Magagawa na nga bang pagbigyan ng tadhana ang kanilang mga kahilingan? Magagawa pa ba nilang ipagpatuloy ang kanilang naiwang pag-iibigan kahit ilang siglo na ang nagdaan? O hanggang sa panahon bang ito ay pilit pa rin silang paglalayuin ng kanilang mapait na kapalaran? As she uncovers the secrets of her past, will Celine be able to change the course of events that are already bound to happen? Will they be able to change what destiny has already written? Note: Cover is not mine. Credits to the rightful owners. Genre: Historical Fiction/Fantasy
4 parts