Chapter 57

141 1 0
                                    

"Oh bakit namumula mukha mo? May nanampal ba sayo?"

Please lang lumayo ka sa akin, hindi kita kayang mahampas ngayon.

"Don't bother her, kinikilig lang yan."

"Kuya!" I shouted to my older brother.

Nakangisi ito at nakaupo nang prente sa  kanya kinauupuan. Nakarinig ako nang parang may mapangasar na naman kaya sinamaan ko nang tingin 'yong tao na 'yon.

"Naks hulaan ko... Si Alas 'yan?" He teased me.

Pakiramdam ko ay uminit ang mukha ko, inikutan ko nalang siya nang mata at yinakap ang unan dito sa sofa. Siniksik ko ang mukha ko at doon pumikit.

"Kayo na ba nyang tarantado na 'yan?"

Napaangat ang tingin ko kay Cassius ng sambitin niya 'yon. Pigilan mo ako self masasakal ko 'to. Anong tarantado?? Masama ang loob kong sumimangot nakarinig naman ako nang halakhak.

"Hindi pa, nanliligaw pa lang 'yon..." Mahinang sambit ko.

Paniguradong rinig naman na nila 'yan. Tinapos ko na agad ang tawag kagabi nung tumugon si Alas sa tinawag ko sa kanya. Hindi ko kinaya eh, nagwala na lamang loob ko. Nag text nalang ako sa kanya na matutulog na ako but I'm not! Para akong kiti kiting binudburan ng asin dahil sa kilig. Ang ayos ng moment ko nang makarinig ako ng isang pagtikhim eh, doon ko nakita ang nakakatanda kong kapatid na nakasandal sa pintuan habang nakakunot ang nuo niya. Alanganin tuloy ako ngayon.

"May kasalanan pa yang Alas na 'yan sa akin eh." Kuya Eryx said.

"Kuya! Ano ba bayad na 'yon, siya na nga itong nag alaga sa akin nung wala ka eh!" Nakasimangot kong ani.

"What did he do Eryx?" Biglaang tanong ni Cassius.

Sinamaan ko nang tingin ang kambal ko at mukhang binabalak pa atang sabihin.

"Subukan mong sabihin hindi kita papansinin." I mouthed that to him.

"Umutang lang ng pera sa account ko, bayad na rin naman." Tugon niya kay Kuya Cassius.

"Is that so?"

Tumingin ito sa akin kaya tumango ako at ngumiti. "Bayad na yung utang hehehe." Alanganin kong sambit.

"Okay."

Nakahinga ako nang maluwag, sinandal ko ang likod ko sa sofa at yinakap nalang ulit ang unan. Biglang pumasok sa isip ko ang study ko. Napagawi ang tingin ko sa dalawa na busy sa ginagawa nila. Ngayon ko lang naisip na ano kaya mangyayari kapag nalaman ng mga kaklase ko na kapatid ko ang president nila. Si Sage, wala na akong kontak sa tao na 'yon.

"Brothers." Tawag pansin ko sa kanila.

Lumingon sila sa akin. "Yes/What?" Sabay nilang tugon.

"Kailan ako papasok sa university?"

Nagtinginan silang dalawa at ayun na naman ang paguusap nila gamit ang mga mata nila.

May kapangyarihan talaga 'tong dalawa na 'to. Nailing nalang ako dahil sa naisip.

"It's dangerous to go outside Naya, hindi natin alam kung kailan susulpot ang matandang 'yon. Hindi ka pa naman masyado magaling just stay here." Brother Cassius said.

It was as if heaven and earth were falling on me because of what he said. Totoo naman ang mga sinabi niya ngunit andoon pa rin ang paghihinayang sa sarili. Gusto kong lumabas pero alam kong mapanganib sa labas lalo na hindi pa nahuhuli ang matanda na 'yon. Wala naman kasi sa akin ang cellphone ko dati, kinuha 'yon ni Kuya Cass at itinago ata.

Lady Red Dress (Past Series #1)Where stories live. Discover now