Chapter 43

127 1 0
                                    

After those months, wala man lang isa nag pakita sa akin sa loob ng hospital. Ilang buwan, nanatiling naka confine ako at hindi pa pwedeng umalis. For those months, wala kong gadget like cellphone or anything, bawal sa akin dahil hindi pa ako fully recover. Kabisado ko na nga routine ko eh. Sa umaga need ko mag take nang therapy sessions, kung ano anong klase. Nag iimprove naman ako dahil doon kahit paunti unti at dahan dahan lang. Sa tanghali ay kakain at mag papahinga, iinom ng gamot at i che-check ng mga nurses. 

At pag sapit ng hapon lalabas ako para mag pahangin. Halos kabisado ko ata lahat ng pasikot sikot dito sa hospital. Ang kaso ay hindi ko alam kung saan banda 'tong hospital na 'to, para kasing malayo na sa manila kung saan ako nakatira. Hindi naman ako makapag tanong sa kapwa ko pasyente dito dahil hindi ko naman sila ka-close.

Nasa higaan ako ngayon habang nag babasa ng isang libro na binigay lang sa akin ng nag aalaga sa akin dito. Sa loob ng pananatili ko dito ay ang pagbabasa ang inaatupag ko. Mas makakabuti daw ang pagbabasa para daw maka recover yung utak ko from coma. Tahimik ang buong kwarto, wala kang maririnig na kahit ano. Lumingon ako sa gilid ko kung nasaan ang bintana.

"Three months past, ano na kaya ang ganap sa kanila?" Mahinang bulong ko sa sarili.

Binalik ko ang tingin ko sa librong binabasa ko. For the past 3 months still recovering pa rin ako, and I think something is missing. May nakalimutan akong importante at hindi ko 'yon maalala. Tuwing pinipilit kong aalalahanin ay sumasakit lang ang ulo ko.

Linipat ko sa isang page ang binabasa ko bago nag patuloy ulit sa pag babasa.

I'm remember my family, my brothers, ang tumayo bilang magulang namin, ang nga kaklase ko at iba pa. Pero pakiramdam ko talaga ay para bang may nakalimutan ako. Umiling iling nalang ako at hindi na nag isip pa.

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok doon ang nurses na nag aalaga sa akin. Ngumiti ito sa akin kaya ngumiti din ako.

"Are you feeling better now?" She said.

Marahan akong tumango bago binalik ang tingin sa librong binabasa ko. Lumapit ito sa tabi ko para tignan ang dextrose ko.

"Anyway, Naya, may naghahanap sayo sa station." She said.

Nakuha non ang atensyon ko kaya tumingin ako sa kanya. Nakatingin din ito sa akin.

"Sino daw yun ate?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi namin alam eh, lalaki siya tapos gwapo, matangkad, maputi, may ipagmamalaki din."

Mahina akong natawa sa sinasabi niya. Natawa din naman siya dahil doon.

"Seryoso kasi, ate."

"Totoo nga, halatang mayaman eh, ang sabi ni nurse cha ay hindi pa oras ng dalaw, kaya ayon nag wait ata sa garden." Sabi niya.

"Baka naman boyfriend mo?" Dagdag niya.

Linapag ko sa side table ang libro ko at tumingin sa kanya.

"Ano ka ba, ate, wala akong boyfriend." Natawa ako dahil wala naman talaga.

"Ay ganon ba? Sabi kasi girlfriend ka daw niya eh." Kumibit balikat ito.

Nanlaki ang mata ko. "Seryoso??"

"Oo nga," naiiling iling ito.

Sumimangot ako. "Sinabi ba ang name niya, ate?" Tanong ko sa kanya, tumango siya dahilan para mapa ayos ako nang upo.

"Alastor Ciel daw ang name, hindi ko alam ang apelyedo, hindi naman kasi ako chismosa." Natawa ito.

Para bang natigilan ako nang marinig ko ang pangalan na 'yon. Bigla akong nakarinig ng isang nakakabinging ring sa tainga ko dahilan para manakit ang ulo ko. Hinawakan ko 'yon ng mahigpit.

Naramdaman ko ang pag hawak sa akin ni nurse Jane. Natataranta ito kaya hinawakan ko ang kamay niya nung akmang pipindutin niya ang botton sa ilalim ng bed ko. Umiling ako sa kanya habang nanatiling naka hawak sa ulo ko ang isang kamay ko.

"W-wag, okay l-lang ako."

"Anong nararamdaman mo??" Tanong niya sa akin.

"Biglang lang s-sumakit ulo ko, okay lang ako." Ngumiti ako sa kanya.

Huminga siya ng malalim kaya binitawan ko na ang kamay niya, kumuha siya ng tubig sa mini ref ko at pina inom 'yon sa akin. Nawawala na rin ang sakit ng ulo ko kaya pumikit nalang muna ako para mawala nang tuluyan.

Biglang may nag flash sa utak ko, isang ala alang bumalik sa akin. Isang lalaki, nung una ay para bang blurred pa ang mukha niya pero kalaunan ay naging malinaw na. Napamulat ako tila ba nagulat pa si nurse jane sa akin.

"Hala inday bakit ka naiyak???" Lumapit ito sa akin at umupo sa gilid ng kama ko.

Kinapa ko ang mukha ko at naramdaman nga basa ito. Hindi ko mapigilan ang sarili na umiyak. Parang lahat ng kinikimkim ko ay nailabas ko, ang lalamunan ko na para bang may naka barado dahil sa sakit ng nararamdaman ko. Niyakap ako ni nurse jane kaya umiyak ako sa balikat niya.

Marahan niyang hinaplos ang likod ko. "You remember something right?" She said while comforting me.

Tumango ako kahit hindi niya na nakikita. "I r-remember him ate... Naalala ko na siya. . ." Humihikbi kong sambit sa kanya.


Hinarap niya ako at pinunasan ang luha ko sa mukha. Ngumiti siya sa akin.

"Tahan na, wag ka na umiyak."

Umiiling ako. "N-no, it's my fault, kasalanan ko ko hindi ko agad siya naalala," umiiyak pa ring sambit ko.

She shook her head.

"Hindi mo kasalanan, naya, wala kang kasalanan. Pwede mo naman siyang kausapin para malaman niya lahat."

Hindi na ako nakasagot dahil sa sinabi niya. Nanatiling lumuluha ako at siya naman ay todo patahan sa akin. Ilang minuto kaming ganun, kumalma na rin ako.

"Okay ka na? Aalis na muna ako ha, may pasyente pa ako sa kabila eh, babalikan kita dito mamaya."

Ngumiti lang ako sa kanya at bahagyang ngumiti sa kanya. "Go on," I said and wave at her.

She smiles before going out to my room. Natahimik ulit ako bago tumingin sa labas ng bintana. Kung siya man siguro 'yon ay hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya. Ilang buwan, ilang buwan na hindi ko siya nakita at nakausap. Akala ko kompleto na lahat ng ala ala ko, naalala ko ang lahat pero isang tao ang nakalimutan ko.

Mabigat akong bumuntong hininga.

Narinig kong bumukas ang pinto at yapak ng isang tao, hindi ako lumingon dahil alam ko ay isang nurses din siya para i check ako. Ngunit makaraan ang ilang minuto ay naging tahimik ang loob, para bang may nakakatitig sa akin. Dahan dahan akong bumaling sa taong pumasok kanina at natigilan na lamang ng makita siya.

Lumuluha ito habang nakatitig sa akin, dahan dahan ang paghakbang niya papalapit sa akin at nang makarating sa tabi ko ay bigla nito akong niyakap dahilan para hindi ako makagalaw. Mabibigat ang paghinga niya at rinig na rinig ang hikbi niyang punong puno ng lungkot.


"T-tangina Rein, andito ka lang p-pala..."

Lady Red Dress (Past Series #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя