Chapter 44

130 1 0
                                    

Nanatiling hindi ako nakagalaw, tila ba nanigas ang katawan ko. Mahigpit ang yakap niya sa akin habang tumatangis. Nang banggitin niya ang mga katagang 'yon ay tuluyang bumigay ang mga luha ko. Tahimik akong lumuluha habang siya ay ganon din.

Hinarap niya ako bago punasan ang luha niya sa mukha, nanatiling nakatingin ako sa kanya habang walang humpay ang pag patak ng luha ko. Ang mga mata niyang parang pagod na at may halong lungkot, ang mga mata niyang nabigyan ng pag asa. Nakikita ko 'yan sa mga mata niya. Hindi mapakali ang mata niya habang tinitignan ang buong mukha ko. I didn't speak when he wiped my tears slowly, as if he scared to touch me or neither hurt me.

"A-anong nararamdaman m-mo? Are you feeling better now? A-asan ang masakit? D-did it hurt until now?" He asked me one question after another.

Tinignan niya ang nasa ulo ko at nakita sigurong may bandaid pa, hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin lang sa kanya. Maya maya pa ay tumingin siya sa mga mata ko.

"D-do you know me?"

He asked weakly and slowly while looking into my eyes. As if he was making sure of something.

"D-do you remember me, baby?"

He asked again. He held my face with both his hands, waiting for me to answer. His expression was mixed with fear again.

At nang hindi ako ay bumalatay ang sakit sa mata niya, inalis niya ang pagkakahawak sa mukha ko, ngumiti siya nang maliit sa akin.

"I talked to your doctor earlier, he told me what happened to you." He sighed. Hinawakan niya ang isang kamay ko. "He told me that you suffer from memory loss because of that accident." Pagpapatuloy niya.

"I tried to look for you, I looked for you all over Manila but you were not there..." Lumunok ito.

"Saang lupaop ako nag hanap... Hinanap kita... Kasi akala ko... Iniwan mo na ako...." Mabagal ngunit halata sa boses niya na maiiyak na siya. Nanatiling nakikinig ako sa kanya.

"But after those days, nalaman ko that you were an accident, Cassius, the president of your room, just told me. Do you remember?"

Natigilan ako, at napatitig sa kanya. Napansin niya ata 'yon kaya ngumiti siya nang maliit ulit sa akin.

"He told me that. After that hinanap kita, sa magulang mo pero they didn't know too where you are, wala silang pake kung nasaan ka... Nag kusa na ako..."

Umiwas na ako ng tingin sa kanya, tama naman pala kutob ko, hindi ko naman kasi sila totoong pamilya para magkaroon ng pake sa akin.

"And I found you. . ."

Hindi ako umimik, wala akong mukhang maiihaharap sa kanya. Nagkaroon ako ng short memory loss ng hindi ko nalalaman, tapos siya pa ang hindi ko naalala for the past months. All the memories i revived them in my mind. The doctor didn't tell me about that. Dahil siguro mas minabuti niyang wag sabihin para makapag focus ako sa pagpapagaling ko.

Anong klaseng dahilan kaya 'yan? Gaslighting? Dapat sinabi niya para naman may alam ako no? Ayos din eh.

Mahina kong pinukpok ang gilid ng ulo ko dahil sumakit na naman 'to. Naramdaman ko ang pag hawak niya sa kamay ko at napatingin ako sa kanya dahil doon. Puno nang pag aalala ang mata niya.

"Stop hurting your head, wag mo pilitin makaalala," umiling ito sa akin.

Nakakaalala naman na ako! Sumasakit lang ulo ko! Bigla bigla ka kasing pupunta dito wala bang time out sa buhay ko?!

Binawi ko ang kamay ko sa kanya, tumayo ako at hinawakan ang lalagyan ng dextrose ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagkataranta niya at inalalayan agad ako.

"Where are you going?"

"Doctor." Maikling sagot ko sa kanya.

Natigilan siya dahil siguro sa lamig ng boses ko kaya napatingin ako sa kanya.

I'm sorry alas, hindi ko pa talaga kaya.

Naglakad na ako papalabas ng room ko, siya naman ay naka alalay lang sa akin. Napapatingin sa gawi ko ang iilang pasyente at nurse.

"Oy naya! For the first time may bisita ka ah! Jowa mo?"

Napatitig ako doon sa nag salita. Nurse Jake kapatid ni Nurse Jane, silang dalawa ang nag aalaga sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin nung mag aakmang pupunta sa gawi ko. Kaya agad itong umiwas at bumalik sa ginagawa niya.

"Ahh, yung sapatos pala doon sa rooftop?" Mahina niyang sambit sa sarili na narinig ko pa.

Umalis na ito kaya nag patuloy ako sa pag lalakad, ang kasama ko ay nanatiling tahimik lang habang naka alalay sa akin. Nakarating kami sa office ni Doctor Requez, kumatok agad ako at pumasok. Nakita ko siyang busy sa lamesa niya.

"Doc." Tawag ko dito.

Tumingin siya sa akin at sa katabi ko, mukhang nagulat pa nga 'to dahil nakita niyang kasama ko ang lalaking kinausap niya kanina.

"Why are you here iha? Dapat nag papahinga ka ngayon."

Umirap ako sa kawalan. "Seriously?"

"Anong problema?" Tanong niya.

I glared at my Doctor. You. You are the problem!

Lumapit ako sa kanya hanggang makarating sa lamesa niya, tila naman ay nagulat ito sa ginawa ko dahil napa atras siya.

"Why didn't you tell me that I have short memory loss?"

Tumikhim ito. "That's because you under recovering, iha. If i tell you about that ma sstress ang brain mo at mahirap na at baka hindi ka tukuyang gumaling."

Napatahimik ako, tama naman 'yan din nasa utak ko kanina eh.

"Pero kahit na!" Maktol ko.

Bahagya itong natawa bago tumingin sa likod ko kaya napatingin din ako doon. Nakita ko siyang nakatingin lang sa aming dalawa.

"Iho, pwede mo bang dalhin sa garden itong batang 'to? She need to relax, baka maapektohan ang injury niya."

Tumango lang ang kasama ko at ako naman ay sinamaan lang ng tingin ang matanda na ngayon ay may ngiting nakakaloko.

"Humanda ka talaga sa akin pag gumaling na ako." I mouthed to him that.




Tumingin ako kay Alas na ngayon ay inaasikaso ako. It's been a three days simula nung pumunta siya dito. Walang sigundo o minuto at oras na wala siya dito. Araw araw siyang nandito.

Inaalagaan ako at kinakausap din, ang alam niya pa lang ay wala akong naalala na kahit ano. And i feel guilty about that.

Kinakausap ko siya sa abot ng makakaya ko. But one day...

"Alastor Ciel Rodriguez." You called his full name as he slept on the sofa.

Nakaharap ako sa kanya at dahan dahang hinawakan ang buhok niya at hinaplos 'yon.

"I'm sorry for not remembering you... I'm sorry if i acting cold from you... I'm sorry..."

Hindi ko napigilang mapaluha habang binibigkas ang mga katagang 'yon. Bahagya siyang gumalaw kaya pinunasan ko agad ang luha ko at umayos ng pag kakaupo sa gilid niya.

At nang mahimbing ulit ang tulog niya ay hinawakan ko ulit ang buhok niya at hinaplos 'yon ng dahan dahan pababa sa mukha niya. Dumapo ang daliri ko sa kilay pababa sa mata niya at papunta sa ilong hanggang sa bumaba ang mga daliri ko sa labi niya.

Natigilan ako sa paghaplos sa mukha niya nang makitang nakadilat ang mata niya habang deretsong nakatitig sa akin. Para naman akong tinakasan ng kalukuwa dahil sa gulat. Aalisin ko na sana ang kamay ko nang hulihin niya 'yon at dinala lang muli sa labi niya. Pinatakan niya ng halik 'yon na siyang kinagulat ko.

"H-hoy!"

Lady Red Dress (Past Series #1)Where stories live. Discover now