Chapter 53

142 1 0
                                    

"Labas ka," nakangiting anyaya sa akin ng kambal ko.

"Ayoko."

"Bakit naman ayaw mo?" Malambing na tanong niya.

Ayoko sila makita.

"Labas na tayo, gusto ka nila makausap."

"Ayaw ko nga."

"Rein."

Ayan na siya, ayan na. . .

"Ayok—"

"Zarein Naya."

Tumayo agad ako sa kama ko at inunahan na siyang lumabas.

"ITO NA ITO NA PISTI!" Inis na singhal ko.

"WHAT DID YOU SAY?!" Rinig sa buong hallway ng bahay nito ang boses niya.

"POSTE KAKO!" Sigaw ko pabalik.

Binilisan ko ang lakad, pamilyar ang tinatahak kong daan at alam kong patungo ito sa hagdan. Narinig ko ang mga yapak niyang papalapit sa akin kaya mas lalo kong binilisan.

"I hear you say pisti! I'm your brother! Wag mo akong masasabihan ng ganyan Zarein Naya!" He shouted.

Bigla akong humarap sa kanya dahilan oara muntikan na siyang bumangga sa akin. Ngumiti ako nang matamis.

"Sorrryyy pppooo!" Sambit ko at bahagyang yumuko sa kanya na parang prinsesa.

"Anak ng—"

Hindi ko na siya pinatapos agad at sumabat na ako.

"Sumbong kita kay mother! Ginaganyan mo na siya! Sasabihin ko multuhin ka niya!"

Naabot niya ang pagitan namin at binuhat ako nang parang sako.

"KUYAAAA!! LETTT MEE GOOO!" I shouted at his back.

"No you shut up. Wag mo idamay si mommy at baka ikaw pa bangungutin mamayang gabi."

Napasimangot ako at hinayaan nalang siya na buhatin ako.

"Sinasabi ko talaga sayo kuya."

"Wala ka pang sinasabi."

Inis kong pinalo ang matambok niyang pwet. Narinig ko ang pagmumura niya.

"Matambok pala pwet mo kya?" Natatawang ani ko.

"Manahimik ka." He said coldy.

Napabusangot ako, pababa na kami nang hagdan at eto ako at sinusundot ang likod niya. Pati taligiran nasundot na pati ang matambok niyang pwet.

"Stop doing that, ihuhulong kita."

Bumaling ako sa gilid kahit parang sako niya pa rin ako buhat buhat.

"As if naman kaya mo. Sige, ihulog mo at ng makalimutan na talaga kita." Ani ko dito.

Bumuntong hininga ito at tumigil sa paglalakad ng makababa kami, inayos niya ang paglakabuhat sa akin at ginawang parang pang kasal ang buhat. Kumapit ako sa leeg niya at sinakal hanggang nawalan siya ng malay.

Djokelang.

"Sa'n ba tayo pupunta? Atsaka ibaba mo nga ako kaya ko naman mag lakad."

Inilingan niya lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. May nakakasalubong kaming nga kasambahay, napapatingin pa sila sa amin at bumubulong pa. Hindi nakatakas sa pandinig ko ang mga sinasabi nila.

"Sino sila ate?"

"Kapatid sila ni Sir Cassius, magkambal yang dalawa."

"Kaya pala nagkamukha, akala ko bisita lang ni sir."

Lady Red Dress (Past Series #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum