CHAPTER XLI: So Much For So Little (Fabienne)

Start from the beginning
                                    

"Mamaya pa darating si Tita," sabi ko nang bumalik ang aking tingin sa tulog na pasyente. Hinaplos ko ang mukha nito, umaasang magigising siya sa dampi ng kamay ko. My hands got no magical powers, but who knows? Baka makapagpagising sa kaniya ang init ng mga daliri ko. "Alam mo bang hinahanap ka niya no'ng isang araw? Ilang linggo ka na rin kasing 'di bumibisita."

"It wasn't easy for me to pay him a visit." Hinugot ng kanang kamay niya ang isang panyo mula sa bulsa. Pinunasan niya ang mga namuong luha sa gilid ng kaniyang mga mata. "It wasn't easy for me to come here at all. Dito rin naka-admit ang kapatid ko, sa kasunod na floor."

Muli akong napasimangot. Kay Priam pa nga lang, todo na ang sakit at pag-aalala na naramdaman ko, paano pa kaya 'tong si Cas na dalawang taong malalapit sa kaniya ang na-coma? That must be heavy. I wondered how he'd hold himself together moving forward. Nagmukmok na siya ng dalawang linggo sa apartment. Ngayon, lumalaban na ulit siya. Sana'y magtuloy-tuloy na.

"I heard from the Office of Campus Security that Tito Bill has filed a case against Brandon," kuwento ni Castiel sabay sulyap sa 'kin. "Attempted murder ang kaso niya. Na-retrieve ang weapon na paniguradong may fingerprints niya. Meron ding video evidence kung saang huling-huli ang pananaksak. There's no way out for him."

"Mabuti naman." Napabuga ako ng hangin. Apart from praying for Priam to wake up soon, isa sa mga pinapanalangin ko ay mabigyan siya ng hustisya.

"But," biglang pumalatak si Castiel, "I also heard that Brandon has hired a defense attorney from a prestigious law firm."

"T-Talaga?" Lumingon ako sa kaniya. "Sino bang abogado na nasa matinong pag-iisip ang magde-defend sa kaniya? May mga ebidensiya nang magpapatunay na tinangka niyang patayin si Yam!"

"Wrong question." Lumingon siya sa 'kin, sandaling nagtagpo ang aming tingin. "The right question is, how can he afford the services of a competent law firm? Brandon's family isn't too well of, so where can they get the resources to retain a good defense attorney?"

"Kung gano'n, may tumulong sa kaniyang makakuha ng magaling na abogado?"

"If someone or some people did, can you guess who that person is?"

I drew in a sharp breath. Ayaw kong maging judgmental, pero isang tao ang agad na sumagi sa isip ko.

"Alaric," banggit ko. "Malamang magkakilala ang dalawa dahil pareho silang taga-CBA."

"At pareho rin sila ng political party." Marahan siyang tumango. "I can't say if that prick is lending a hand to Brandon because they're friends . . . or because there's another far more sinister reason."

Kumuyom ang mga kamao ko, halos bumaon ang aking mga kuko sa palad. I thought that this incident was just between Priam and the disqualified USC candidates. Posibleng sangkot pala ang lalaking 'yon. I swear . . . if may kinalaman si Alaric sa nangyari kay Priam, hinding-hindi ko siya mapatatawad.

"I fear that Brandon may slip away from the grasp of justice." Bumuntonghininga si Castiel, humigpit ang hawak sa cane niya. "If his defense attorney claims that his client is mentally unstable, we may only get the partial justice that Priam deserves."

"Mentally unstable?" Muntik nang magsalubong ang mga kilay ko.

"I heard from Tabitha that Brandon has been taking anti-depressant medication since their electoral loss. He's also consulting a psychologist regularly about his mental health problems. If the prosecution doesn't do its job well . . ."

Napapalatak ako. May chance pang malusutan ng lalaking 'yon ang parusang nararapat para sa ginawa niya? I couldn't believe it! Naiintindihan ko na may pinagdaraanan siya at 'di pa siya totally nakapag-move on sa nangyari ilang buwan na ang nakalilipas. But attempted murder? He took it too far!

Play The King: Act TwoWhere stories live. Discover now