Crossroad Encounter 2

2 0 0
                                    


Chapter 2



Mils' POV


HININTAY ko, naming lahat. Tig-iisang aray lang naman ang isisigaw naming apat o baka nga hindi kami makakapiyok man lang. Nasaan na 'yong mga windshield na nababasag? Sasakyan naming bumabaligtad at nayuyupi? Bakit sobrang tagal naman?! May naramdaman akong kalampag sa unahan namin. Tapos na siguro. Wala man lang akong naramdamang sakit. Salamat naman...




"Mils. Mils! MILTON!"




Sigaw 'yon ni Wren. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. Nakakasilaw. Napakaliwanag naman. Nasa langit na ba kami? "Nasa langit na ba tayo?"




"S-sira! Imulat mo ang mga mata mo! W-wala na 'yong halimaw!" Garagal na sigaw ni Wren.





Bigla akong natauhan. Kinapa ang sarili saka mabilis na kinurot ang pisngi. Masakit! "We're still alive?!"




"O-oo. Buhay pa tayo. Inisip ko kung katapusan na natin, gusto kong makita ang nakakapangilabot na itsura ng papatay sa atin. Hinampas no'n ang hood... tapos... tapos...!" Biglang napasubsob si Wren sa manibela. "Inumangan tayo ng mukha niya at inangilan ng malakas! Hindi lang natin maririnig dahil soundproof itong sasakyan. At mabilis na siyang nawala riyan sa sukalan. Sobrang laki ng isang 'yon!"





"Umalis na tayo rito! Baka balikan tayo!" Sigaw ni Kin na pilit ginigising si Aver. "Gumising ka na!"




Iniabot ko kay Kin ang ointment. "Pahiran mo siya sa ilong at sa batok."




Pinaandar ni Wren ang sasakyan at muli naming binaybay ang kalsadang 'yon. Paikot-ikot lang talaga kami sa iisang lugar. Mataas na rin ang araw. Malapit ng maubos ang gas.




Sa tabing-daan sa side ko, parang may nadaanan kaming mga tao. O namamalik-mata lang ako kaya binalewala ko lang. Pero talagang may tao! Dinungaw ko dahil alalay lang naman si Wren. Lima katao! Ang problema, naka-orange silang mga damit at may nakasulat na 'INMATE' sa likuran ng mabasa ko ang isa! Kita ko kasi sa facial expression ng mga 'yon na para bang alam nilang nadadaanan namin sila at ilang beses na. Pinagtatawanan kami! Muli na naman akong kinutuban ng masama.





At ang kutob ko, napalitan ng matinding takot at kaba nang mapansin naming may isa nang nakatayo sa gitna ng kalsada sa muling pagdaan ng sasakyan. Inaabangan kami!!!





"No, Wren! Iiwas mo!" Sigaw ko dahil napansin ko ang pagtaas ng speed ng sasakyan. "What the?!!! Iiwas mo!!!"




"No! Sasagasaan ko 'yan kapag di 'yan tumabi!!!" Mukhang paranoid na buwelta ng kaibigan ko. Tinotoo nga niya!!!




Humigpit ang kapit ko sa seatbelt. Halos manlaki ang mga mata ko at nakalimutang huminga ng ilang segundo. Ang nakakapanghina sa nangyari at nakakapangilabot, hindi nasagasaan ang lalaki at nagawa nitong pigilan ang sasakyan namin na umabot yata ng isandaan ang speed!!!




Paulit-ulit na ginirian ni Wren ang lalaki sa harap na pumipigil sa sasakyan namin. Walang nangyari! Paunti nang paunti ang gas. Hanggang si Wren ang sumuko. Na-stress na rin ng tuluyan at bumaba ng sasakyan! Nakalimutan niyang nasa panganib kaming lahat! Patay na!




Minura niya ang lalaki na nakasuot ng uniform ng sa isang preso. Dinuro-duro niya ito na parang walang bahid man lang ng takot sa katawan. Ako ang nag-aalala ng matindi. Na-expose kami sa mas alanganing sitwasyon lalo na ng mapansin kong napaatras siya. Natauhan na siguro si Wren! Pero huli na! Limang lalaki na ang nakapalibot sa amin at pilit din akong pinabababa. Hinahampas nila ang windshield! Si Aver... ni hindi pa nga nagigising!





 BL MPREG Love StoriesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt