Morphed 5

8 0 0
                                    

Chapter 5


Mabilis ang ginawa kong pagpapatakbo sa sasakyan. The road to my destination is not very familiar but that, does not matter at all. Wala akong ibang gusto at ang tanging nasa isip ay makarating agad upang muli siyang makita. I need to see him and hoping he is well. Sana naman. Ilang weeks na ang nagdaan. Magwu-one month na nga siguro, eh...




The tracker on my phone seems working properly. Pero ang daanan na 'to ay parang wala sa map. "Where is this? Anong lugar na kaya ito?" Bulong ko sa sarili habang kaliwa't kanan ang tingin sa kalye.





May mga kabahayan din naman pero malayuan ang agwat. Ayon sa direksiyon na nasa phone ko, nasa malapit na. May mangilan-ngilan namang naglalakad kaya nilakasan ko ang loob  na magtanong nang may madaanang maliit na tindahan. 




Agad akong bumaba ng sasakyan saka patakbong tumawid at nagkunwaring bibili. Hindi ko pa man nagagawang magtanong ng batiin ako mismo ng matandang may-ari. "Dayo ka ba rito, hijo?"




Mabilis akong umiling. Baka magsuspetsa siya at mapaano ako kapag sinabi kong 'oo'. "May kamag-anak po akong bibisitahin. Diyan lang po sa malapit." Pagsisinungaling ko.





"Gano'n ba? Mag-iingat ka lang dahil muli nang nakabalik dito sa lugar ang halimaw na akala ng lahat ay matagal nang naglaho." Anang matanda na akala mo ay alam ang lahat.




"Halimaw po?" Kunwari ay nabigla ako sa sinabi nito. Katulad na katulad niya ang mga tsismosa doon sa may pinapalengkehang talipapa ni Mama. "May nabiktima na po bang mga tao?!" Kunwari ay hintakutang tanong ko. Alam ko naman na ang tinutukoy niya ay walang iba kundi si Reed. "May kinain na po bang mga tao?!"





"Wala. Wala pa naman. Hindi na rin naman siya magtatagal dahil itataboy namin siya ulit palabas ng lugar namin." Daldal pa ng matanda na halatang naiinis na.




Hindi na ako nagsalita pa ng tungkol doon. Nagpaalam na lang ako at nagpatuloy sa pagda-drive hanggang sa muli kong inihinto ang sasakyan. I'm on the right place but infront of me is a forest. This is a dead end. Hindi pwedeng magpaabot ng dilim. Malakas ang pakiramdam ko na narito lang siya!





"Reed!" Sigaw ko sa gitna ng gubat. Natatakot ako dahil baka may ibang makarinig. Sana wala. "Reed... I'm here! Reed!"




Naglakad pa ako sa sukalan hanggang sa tinangay na ako ng aking mga paa sa mas malayo. Ngayon ay nasa harapan ko ang isang napakagandang mansion na sa tanang buhay ay hindi pa ako nakakakita. Ngayon lang...





Nakakamangha. Pero napakalungkot ng paligid. Ang mga halaman at puno ay nangingitim. Palatandaan  na nagkaroon ng sunog sa lugar.




"Reed!"




Alam ko na nasa loob siya at hindi nga ako nagkamali. Just by looking at his face, I know... I missed him so much. Siguro kanina pa siya nakatayo riyan sa itaas dahil sa paghihintay.





"Reed, I didn't mean to make you wait!"




Pero imbes na batiin ako ay... tumalilis siya. Alam ko na hindi maganda ang treatment ko sa kanya dati kaya hindi rin dapat ako umasa, that is why I need him to forgive me.




Mabilis kong inakyat ang hagdanan. Nakarinig ako ng creaks. Magigiba na ba ang nilalakaran ko? How come?! Pero hindi 'yon ang mahalaga! Sinundan ko siya. Mabilis din namang nakabalik pero may karga na kung ano ay di ko alam  hanggang sa iabot niya sa akin ito ng buong ingat. Nababalot ng lampin. Gumagalaw. Kinabahan ako. Hindi pa rin siya umiimik. Wala yatang balak na kausapin ako. Hindi ko maitago sa kanya na nasasaktan ako sa ginagawa niyang pambabalewala pagkatapos kong magpakahirap na puntahan siya rito.




 BL MPREG Love StoriesUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum