Crossroad Encounter 1

6 0 0
                                    




Mil's POV


Tunog ng zipper ng kakasara ko lang na traveling bag at AC ang maririnig sa buong kuwarto. Before that, kaka-end ko lang ng call galing abroad, galing kay Mama. Pinapauwi ako sa probinsiya.



Five minutes earlier, "Milton, 'nak, your lolo needs you back there. You know that land that I told you about, nabili na.  kailangang may pumirma sa kasulatan saka matagal ka na raw nilang hindi nakikita. At 'yong lupa, para sa'yo 'yon. Pag-uwi namin ng papa mo, patatayuan na 'yon ng bahay mo."




"Bahay ko?" Sabay kamot sa ulo ko. "Akala ko ba susunod ako riyan sa Canada pagkatapos ko ng college, Ma?" Hindi naitago ng tono ng pananalita ko ang kaunting disappointment. Iyon kasi ang napag-usapan bago siya sumunod kay Papa sa abroad, eh... "Mama naman!"




Sa huli ay uuwi pa rin ako. Urgent daw kasi. Ni hindi na ako makakapagpa-book ng flight. Gamitin ko raw 'yong sasakyan. Para namang may experience na ako sa pag-uwi sa malayong probinsiya by car lang! Hello! Laking Maynila kaya ako! At mamaya ang alis ko! Madaling araw! Ano ba naman 'yan?




Muling tumunog ang phone! Binulabog na naman ang katahimikan ko kaya mabilis kong nadampot ang gadget.



"Hello... Mama naman, eh! Pwedeng sa ibang araw na lang po?" Sana pagbigyan ako. Weekend na kaya.




"Hoy, Mils. Ako 'to!"  Bulalas ng nasa kabilang line. "Saka... bakit parang medyo down yata ang mood mo? What happened ba?" Tanong kaagad ni Wren.




"S-sorry... Si Mama kasi, eh,  ora-orada akong pinabibiyahe pauwi ng probinsiya mamayang madaling araw. Sana kabisado ko man lang 'yong ruta at lugar, ano!" I suddenly blurt out to one of my bestfriend. Gusto ko lang matulog maghapon at magdamag since weekend nga bukas. Sana...




"Baka urgent, squirt."





Bigla kong nasapo ang sariling noo. "Oo nga, eh. Kaya lang natatakot akong bumyahe nang gano'ng oras..."




Sumabat kaagad si Wren. "Samahan kita, Mils. Free naman ako, eh. Tanungin ko rin sina Kin at Aver. Baka in ang dalawang 'yon."




"Are you sure, squirt?" Naninigurado lang pero hindi naman mahilig mang-goodtime ang kaibigan kong 'yan.



"Oo naman! Ihahanda ko lang ang mga gamit ko. Daanan mo 'ko rito. I'll wait."




"Okay. I'll be there in twenty minutes." Medyo nakahinga na ako ng maluwang. Sana ay mayroon akong navigator na bff sa tatlong 'yon. "Siya nga pala, ba't ka napatawag?"





"Ah, 'yon ba? Yayain nga sana kita. Outing sana. Eh, eto na! Hintayin kita rito. Sige. Balikan kita. Inform ko lang 'yong dalawa."




Ibinaba na ni Wren. Nagmadali na rin ako sa pagliligpit at pagtsi-check nitong tirahan. Bumaba na rin ako sa parking lot para ma-check ang sasakyan. Maayos naman. Mga one year pa lang sa'kin ang four wheels na 'to. Fortuner type naman kaya sure akong kasya kaming apat dito.




"Please, bless us in this trip..." Usal kong dasal  bago nag-sign of the cross pagkapasok ko ng sasakyan.




On the way kay Wren. Pag hindi ako dumating do'n ng less than twenty minutes, pouted na naman ang nguso no'n. Pagdating ko para mag-pick up sa kanila, naroon na silang tatlo at nakaabang. Hindi ko ipinahalata na nabuhayan ako ng loob at masaya dahil may kasama akong bibiyahe.




"Bilis niyo, ah! Sakay na, squirts! Meron ba akong magagamit na GPS sa inyo maliban sa isa na nariyan sa sasakyan?" Naitanong ko kaagad habang ikinakarga ang mga dala-dalahan ng tatlo. "





 BL MPREG Love StoriesWhere stories live. Discover now